CHAPTER 50

1.3K 39 23
                                    

The mid calf pencil cut skirt with a long slit looked perfect with her knitted sleeveless top. Her hair with defined waves on its ends fell flawlessly on her back and shoulders. Ang perpektong make-up sa kanyang mukha ay nakayang itago ang kanyang mabigat na pinagdadaanan.

In her reflection in the mirror she looked well and sound. But if people will only look beyond her pretty clothes and make-up, they'll see the sadness in her eyes.

Ngayong gabi ang kanilang exhibit kaya kailangang presentable ang kaniyang itsura. Hindi lang naman ibang mga estudyante ang inaasahang magpupunta doon. They also invited people with positions in their university.

Isinusuot niya ang kanyang hikaw nang marinig niya ang pagkatok sa pintuan ng kanyang kuwarto. Sumilip ang Tiya MJ niya sa maliit na siwang ng pagkakabukas nito sa pinto. Naka-ngiti ito habang pinapasadahan siya ng tingin.

"Ang ganda-ganda naman talaga ng pamangkin ko," puri nito sa kanya.

Nailing siya ngunit hindi rin napigilan ang mangiti dito. "Tita..."

"Nandiyan na ang sundo mo," anito sa mas maligayang tono.

Natigilan siya at napa-kunot ng noo. Her tito promised to drive her to Castillan. "Sundo?"

Tumango ito at mas naging malapad ang ngiti. "Si Drake."

Her heart hammered painfully inside its cage. Hindi niya inaasahan na susunduin siya ni Drake ngayon. Though, he informed her that he'll be attending the exhibit.

"P-Patapos na ako dito, Tita. Lalabas din ako," aniya sa kanyang tiyahin.

"Sige," ngitian pa siya nito muli bago tuluyang isinara ang pinto.

Bumuntong-hininga siya. She already made up her mind about going back to Palawan after all her responsibilities in school. Kailangan niya rin iyong sabihin kay Drake at tanggapin kung ano man ang magiging reaksiyon nito. She just can't leave him hanging like before.

After spraying her favorite perfume, she went out of her bedroom. Mabilis na tumayo si Drake. Ang makitang nasa sala ito ng bahay ng tiyo niya ay nagpabalik sa kanya ng napakaraming ala-ala. Matagal na panahon na nga talaga ang lumipas.

Perpekto ang pagkakahapit ng suot na long sleeve polo ni Drake sa katawan nito. Nakatupi pa iyon hanggang sa siko, showing a bit of his strong arms. Paired with black skinny jeans and shoes with the same color, Fredrick Reuel Lagdameo is a complete knockout.

He gave her a shy smile. Namumula pa habang pasimple siyang tinitignan mula ulo hanggang paa. "S-Shirley..." napakurap ito nang mautal.

Nilingon nito ang bungkos ng magaganda at pulang rosas sa kamay na para bang mas kaya pa nitong titigan ang mga iyon kaysa kanya.

Napangiti siya at naglakad palapit dito. Without thinking or even minding their audience, she brushed her lips on his. Naramdaman niya ang pagkabigla nito sa kanyang ginawa ngunit pagkaraan ay naramdaman din niyang humalik ito. Inilayo lamang niya ang labi nang marinig ang magkakasunod na tikhim ng kanyang tiyo.

Matalim ang tinging ibinigay nito sa kanya. Habang ang tiya niya ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nito habang pinagmamasdan sila ni Drake sa sala nito. "Puwede ko ba kayong picture-an? Shirley? Drake? Ang ganda-ganda niyong tignan na dalawa! Ang lalaki niyo na talaga!"

Wala nang nakatanggi pa nang pumasok ang tita MJ niya sa loob ng kuwarto ng mga ito at lumabas dala-dala ang camera. Umiling ang kanyang tiyo dahil doon ngunit hindi na rin naman naka-alma sa asawa nito.

Mas dumikit siya kay Drake. This week has been too hard for her and for her family. Ang kaunting kaligayahan na ito ng tita MJ niya ay hindi niya na gustong ipagkait pa mula dito.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora