CHAPTER 18

750 35 7
                                    

Tulad ng dati ay traffic pa rin sa siyudad. Ang dapat ay ilang minuto lamang na biyahe ay nauwi sa dalawang oras. Sa loob ng sasakyan ay kinuwentuhan siya ng kanyang Tita Mj kung paano siya nito na-miss sa mga taong wala siya.

"Pero masaya ako na nagkasundo na kayo ng Mama mo Shirley. Mahal na mahal ka niya at hindi niya ginustong iwan ka noon," mula sa front seat ay ini-stretch nito ang braso para abutin ang kanyang kamay na nasa kandungan. Binigyan nito ng mahinang pisil iyon.

Ngumiti siya ng tipid at tumango. Tumuwid ng upo ang tita niya. Nilingon niya ang labas at pilit na itinatatak sa isip ang lahat ng kanyang nakikita. She's indeed in Manila.

Kumain sila sa isang nadaanang restaurant. Lagpas tanghalian na ngunit kahit na gutom ay kakarampot lamang ang nakain niya. Nag-take out pa ang tito at tita niya ng pagkain bago sila muling nag-biyahe pauwi.

Nang mamataan niya ang pamilyar na kalsada pauwi ay niragasa siya ng mga ala-ala. She can't help but stare at every house in that street. Walang nagbago. Ang lugar na iniwan niya noon ay gano'n pa rin nang datnan niya. Sa kanya ang pagbabago. Siya ang naiba.

Namangha siya doon. Na hanggang sa bumaba sila ng kotse ay nasa mga kabahayan pa rin ang tingin niya. Ang ilang kilalang kapitbahay ay napapalingon sa kanyang gawi. Kita niya ang pagtataka sa mga ito hanggang sa pagpalit ng pagkakakilanlan sa mga anyo.

"Si Shirley pala iyan!" narinig niya ang malakas na bulong ng isang tsismosang kapitbahay.

"Shirley, halika na sa loob," tawag ng tito niya sa kanya.

Inalis niya ang tingin niya sa kanyang paligid saka naglakad patungo sa pintuan ng bahay. Isinasara ng isang babae na sa tingin niya'y kasambahay ng kanyang tito at tita ang gate ng garaheng binuksan para sa sasakyan.

"Kumuha na pala kayo ng kasambahay, Tita?" tanong niya sa kanyang tiya.

"Ah, oo," tinawag nito ang babae na sa tingin niya'y hindi naman nalalayo ang edad sa kanya. "Si Fe, Shirley. Fe...ito nga pala ang pamangkin kong si Shirley."

"Magandang hapon Ma'am," ngiti nito sabay tango.

"Shirley na lang," aniya dito at tinugunan ang ngiti nito. Ni minsan ay hindi siya nasanay na tawaging 'Ma'am' kaya kahit doon sa mansiyon ay hindi na ginagawa iyon. The house helps will always call her by her first name.

Tumango ito at ngumiting muli.

Tumuloy na siya sa loob. Nakatayo ang tito niya. Sa tabi nito ay ang isang bata na muntik na niyang hindi makilala.

"Nathaniel!" napasigaw siya sa galak.

"Ate Shirley!" tumakbo siya palapit dito at sinalubong siya nito sa kalagitnaan pa lang.

Mahigpit niya ito'ng niyakap. Hinalikan niya ang ulo nito. At kahit pa nagre-reklamo ito sa kanyang ginagawa ay hindi niya ito pinakinggan. She missed this kid! Miss niya ito'ng kapatid niya!

"Na-miss kita! Ang tangkad-tangkad mo na! Ang pogi mo pa!" hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. Tinignan ang lahat ng naging pagbabago sa mukha ng kanyang kapatid.

He only laughed. Tapos ay muli siyang niyakap ng mahigpit.

She realized how immature it is of her to be jealous of this kid before. Alam niyang simula noong dumating ito at ang nanay nito sa buhay ng papa niya ay tuluyan nang naging malabo ang katayuan niya sa buhay ng kanyang papa.

She once loathed Martha and Nathaniel for that. Pero nang ma-realize niya na katulad niya lamang ang batang ito ay natuto siyang magpaubaya. Kahit mahirap natuto siyang umintindi. Alam niya ang pakiramdam na palaging may kulang. At hindi niya kailanman gugustuhin iyon para sa iba.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now