CHAPTER 41

1.9K 51 23
                                    

DRAKE

Sa totoo lang, wala siyang pakealam kung bumalik man si Shirley o hindi. Kahit na usap-usapan iyon nina Brace, kahit tingin niya'y magiging usap-usapan ito ng school kahit na tingin niya lahat ay nasilaw sa ganda ng transferee na iyon ay wala siyang pakealam.

But to want a little revenge won't really hurt. It just pisses him to the core seeing how perfectly fine Shirley Faye Lacsamana is even after all these years. Samantalang siya na ilang beses sinubukan at sinabing magmo-move on ay heto pa rin at apektado sa panggaga-gong ginawa nito sa kanya. And the reason for that is because he loved her more. Or...he's the only one who really wanted that relationship to happen.

Gusto niyang makita nito na nabuhay siya ng tatlong taon nang hindi man lang naaapektuhan ng pagkawala nito. Na sa pag-alis nito ay maraming pumalit. Na hindi ito kawalan. Na kahit minsan ay hindi niya ito iniyakan.

He also wants that woman to see how he improved for the past three years. Hindi na siya ang mahinang lalaki na iiyak sa harapan nito. Hindi na siya iyong uto-utong lalaki na magbubulag-bulagan sa mga panloloko nito. Hindi na siya ang alipin ng pagmamahal niya para kay Shirley.

He wants her to see that.

He badly wants Shirley to regret leaving him. He wants her to run after him and this time siya naman ang tatanggi dito. Siya naman ang tatalikod dito. At sa huli, ito naman ang masasaktan. Dahil wala siyang ibang gusto kung hindi ang iparanas dito ang lahat upang maintindihan nito ang pinagdaanan niya no'ng pagmukhain siya nitong tanga.

He wants her to feel his pain. Every bit of it. He never thought that he could be this evil. But it's true when they say that pain changes people and probably this is how it changed him.

"Now my friend is back, any plans?" naka-ngising tanong ni Paul sa kanya habang dini-dribble ang bola sa kanyang harapan. Today's the last day of their summer vacation at sa darating na Lunes na ang simula ng pasukan para sa taong ito.

A very exciting year, isn't it? May isang hindi inaasahang tao ang muling bumalik at muli ring nanggugulo.

"Who?" he deadpanned.

Sinubukan niyang agawin mula kay Paul ang bola ngunit maagap nitong naiilag iyon. If only he's giving his best now, the ball is already probably in his possession. Masyadong predictable ang mga kilos ni Paul. Pero dahil malayo ang utak niya sa laro ay kanina pa siya nalalamangan nito.

Humalakhak ito. Lumagpas ang kanyang tingin sa naglolokong si Paul patungo kanila Brace at Tope na mas abala sa daldalan ng mga ito kaysa sa paglalaro. He won't need enhanced hearing ability to know that they're talking about Shirley. Gaya ng sinabi niya, madalas na pag-usapan nina Tope ang babaeng iyon. Sinasabi kung gaano ito ka-excited na makita si Shirley sa pasukan.

That woman is his and his alone. Shirley is going to be her toy and not theirs. At sisiguruhin niyang walang sasalo sa babaeng iyon oras na bitawan at pagsawaan niya.

"You fucking know who, Lagdameo. And because you're my friend, wanna know a secret? Hindi lang ikaw ang apektado sa kanya. I overheard her and Marj talking about how hot you are, pare," pabiro ito'ng umakto ng nasusuka. "Did I really say that you are hot? Tangina, nakakabakla."

Nakuha ang atensiyon niya ng sinasabi nito. Shirley is affected? She even thinks that he's hot? Hindi naman pala sa basurahan ang tungo ng planong naiisip niya. Kung totoo ang sinasabi nito ni Paul, malaki ang tsansang makuha niya ang paghihiganti niya.

Tumayo siya ng tuwid upang ipakita dito na wala na siyang balak na agawin pa ang bola, "Can...I borrow your phone? May kailangan lang ako'ng i-text."

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now