CHAPTER 28

1.2K 43 49
                                    


Abala si Drake sa paghalukay ng kung ano sa bag nito kaya nabigyan siya ng pagkakataong mapagmasdan ito. Totoo ba 'to? Is he really here? Kung sabagay, iisa nga lang pala ang way nilang dalawa. Pero ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakasabay niya ito sa pagsakay sa jeep kaya hindi siya makapaniwala.

Nilabas ni Drake ang wallet mula sa loob ng bag nito bago nagtaas ng tingin sa kanya. "Ano?" iritable nitong tanong.

Ngumiti siya at umiling. Ni hindi niya itinago ang saya sa kanyang anyo na makita ito ngayon. She's really happy! "Pogi mo kasi, e."

Mas lalong bumusangot ang mukha ni Drake dahil sa kanyang sinabi. Bakit? Hindi pa ba ito nasasanay na nasasabihan no'n? Simula pa high school ay popular na ito sa kanilang school dahil sa pagiging guwapo. Now you can't just use that adjective alone to describe him. Dapat ay guwapo at hot dahil iyon na si Drake ngayon.

Ang baryang naiwan sa kanyang kamay dahil sa pagkatulala dito ay napagpasyahan niya nang iabot sa driver. "Bayad—"

Hinawakan ni Drake ang kanyang kamay upang ibaba iyon sa kandungan nito at ito na ang nag-abot ng bayad para sa kanilang dalawa. Wala na siyang nagawa para pigilan ito dahil naiabot na ng mga pasaherong mas malapit sa driver ang perang inabot ni Drake.

Napalingon siya sa kamay na hawak-hawak pa rin nito. He's caressing the bracelet he gave her three years ago. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahilan upang mabilis niyang bawiin ang kamay mula dito.

Nagka-tinginan sila ni Drake. How stupid of her to show him that bracelet!

"Why are you still wearing that?" he asked using a cold tone.

Ang sayang nadama kanina ay unti-unting napalitan ng sakit. Bakit kung makapagsalita ito ay parang sinasabi sa kanyang dapat ay tinapon na lamang niya iyon? Nag-iwas siya ng tingin at hindi ito pinansin. Pinanood niya kung paano lumipas ang mga establisimentong nadadaanan ng jeep.

"I don't understand why you have to keep that. Habang ako na dapat iningatan mo ang basta mo na lang pinabayaan. You're a damn piece of work, Lacsamana. I will never understand you."

Ang gabi ay parang naging mas malamig dahil sa mga sinabi ni Drake sa kanya. Ito yata ang unang beses na binuksan nito ang paksa tungkol sa nakaraan nila kaya parang gusto niyang kumaripas ng takbo dahil sa takot.

Nanatili silang tahimik sa naging biyahe. Maiksi lamang iyon at agad na narating ang bus stop kung saan siya sasakay pauwi. Mabilis siyang bumaba mula sa jeep at pumuwesto sa tamang hintayan.

Tumabi muli si Drake sa kanya. Hindi niya alam kung bakit kahit na naiirita naman ito sa kanya ay lumalapit pa rin. Puwede naman ito'ng dumistansiya kung gano'n pa lang may galit pa ito sa kanya. Hindi rin niya ito maintindihan. At kahit kailan, ang bagong Drake, ay sobrang komplikado para sa kanya.

Huminto ang isang bus sa kanila. Tiningala niya si Drake, "Sakay ka na."

Kumunot ang noo nito. Nagtatawag na ang konduktor at may ilan nang sumasampa sa bus.

"Hindi ka ba sasakay?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya, "Mauna ka na para hindi na tayo magsabay." Para hindi ka na nahihirapan na nakikita 'tong pagmumukha ko.

Siguro dapat sa mga susunod na araw ay boluntaryo na siyang umiwas kay Drake. Kung bakit ba naman kasi masyadong umasa nitong nakaraan. Masyado siyang nag-feeling. Dahil ba hinalikan siya nito ay ayos na? Dahil ba hinalikan siya nito mahal na siya ulit?

Hindi.

"Sasakay ba kayo?" tanong ng konduktor nang mapansing sila na lamang ni Drake ang natira sa waiting shed.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now