CHAPTER 6

714 36 2
                                    

Her tita and tito stayed in Palawan for a week as planned. Halos araw-araw niyang kasama ang dalawa. Sinulit niya ang ilang araw na naroon ang mga ito bago umuwi ng Manila.

Masaya siyang naroon ang mga ito nang mag-celebrate siya ng kanyang eighteenth birthday. Walang grandiyosong debut. Kahit noon naman ay hindi niya ginustong magkaroon ng malaking party para sa okasyong iyon.

Nagkaroon lamang ng salo-salo. Kasama ng buong pamilya ni Baste, ng staff sa mansiyon at sa buong resort. Ang tanging konsolasyon niya lamang kaya hindi na-out of place ay ang Tito Spencer at Tita Mary Jane niya.

Siguro nga tama si Baste. Hindi niya magawang ituring na pamilya ang mga naririto dahil iniisip niya na iba siya sa mga ito. Na labas siya sa pamilyang binuo ng mga ito dito. Na kahit nandito siya sa Palawan, ang puso niya ay naroon pa rin sa Maynila. Sa mga taong nakasama niya buong buhay niya.

She's not really giving them a chance. Si Rachel, si Mr. Agoncillo, si Baste at ang mga tao rito. Hindi niya binibigyan ang mga ito ng pagkakataon na makapasok sa buhay niya. For her, they're just temporary. For her, these are all temporary.

Na balang-araw ay iiwan niya ang lahat at babalik siya sa tunay niyang buhay.

Naiintindihan niya kung bakit sa ilang araw na narito ang tito at tita niya ay hindi siya magawang pansinin ni Baste. Masama ang loob nito sa kaalamang sa kabila ng lahat, hindi niya makitang pamilya ang mga taong naririto at handang tanggapin siya.

"Sigurado ka ba dito Shirley? Nagpaalam ka ba sa mama o 'di kaya ay kay Sir Jake?" tanong sa kanya ni Sir Neil. Tinuloy niya ang plano niyangmag-apply ng trabaho sa Eclipse. Hinintay niya lang na makabalik ng Manila ang Tito at Tita niya bago niya ito inasikaso.

Tumango siya. "Hindi ko pa po nasasabi pero sigurado naman ako'ng papayag. Malapit lang naman ito'ng Eclipse at isa pa wala pang pasok." Pero ang gusto niya ay mag-trabaho pa rin kahit na nag-aaral pa siya. Hindi puwedeng umasa siya sa mama niya o 'di kaya ay sa asawa nito para mabuhay siya.

Naging alangan ito. Kita niya iyon sa mga tingin nito sa kanya.

"Hindi naman iyon ang ibig ko'ng sabihin. Baka kasi hindi naman nila gusto na mapagod ka sa trabaho," anito.

"Sir Neil, sige na po. Payagan niyo na ako dito. Papayag iyong mga iyon. 'Tsaka hindi naman puwedeng nasa bahay lang ako palagi," aniya.

Nagbuga ito ng hangin. Hindi niya alam kung ano'ng ibig sabihin no'n. Tanggap na ba siya? "Tawagin mo si Baste. Siya ang kakausapin ko."

Napanganga siya doon. Hindi nga ako pinapansin e! Ngunit napagtanto niyang pinal na si Sir Neil sa sinabi nito kaya sumunod na lamang siya. Alas-kuwatro na ng hapon. Alas-sais nagsasara ang tattoo parlor kaya paniguradong naroon pa si Baste. Kakausapin niya ito bago niya ipaharap kay Sir Neil.

Pagtulak niya sa glass door ng tattoo parlor ay tumunog kaagad ang wind chimes sa tuktok nito. Napabaling sa kanya ang receptionist ng shop na si Yassi. Maganda at maamo ang mukha nito. Taliwas sa dami ng tattoo na nasa magkabilang braso.

"O, Shirley, napadaan ka," sabi nito.

"Si Baste?" tanong niya. Hindi ito ang ikalawang beses na hinanap niya si Baste dito.

Magsasalita pa lang sana si Yassi nang isang humahagikgik at seksing babae ang lumabas mula sa isang kuwarto sa loob ng shop. Tatlong kuwarto ang mayroon doon kung saan ginagawa ang proseso ng pagta-tattoo.

Pulang-pula ang mukha at leeg nito. Sumunod si Baste na naka-ngisi. Kita ang tattoo sa braso nito dahil sa suot na itim na sleeveless t-shirt. Sa gulat niya ay bigla na lamang naghalikan ang mga ito doon.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora