CHAPTER 24

946 38 14
                                    

"Bibili ka ba, ganda?" tanong ng tindero na siyang dahilan kung bakit siya napalingon dito. Nagtaas ito ng dalawang kilay sa kanya?

Nilingon niya ang mga pagkain na nasa kanyang harapan. She's hungry but the food in front doesn't appeal to her anymore. Nawalan na siya ng gana at alam niyang ang pangyayari kanina ang dahilan no'n.

Who's that girl? Si Erin? Si Claudia? 'Yung nursing student? The girl isn't wearing the usual white uniform for nursing students, though, kaya paniguradong alin lamang sa dalawang nauna. O baka iba pa iyon?

"H-Hindi po," aniya saka umalis doon. Dumiretso siya sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng jeep. Sinisikap na ialis ang pag-iisip sa kanina sa pag-iisip na lamang ng ibang bagay.

Don't be too concerned about him, Shirley! Stop it! Masyadong umiikot ang utak mo sa lalaking iyon! Huwag ka nang pa-apekto! Kaya naman agad siyang nagsisi sa naging reaksiyon kanina! Ang pagkalaglag ng hawak niya mula sa kanyang mga kamay kanina ay alam niyang nakita nito! He saw how she was affected when she heard him call whoever that girl is using his endearment to her before, for sure!

Tanga ka Shirley!

Inaaway niya pa rin ang sarili niya habang nag-aabang ng bus at ng hanggang makasakay siya doon. Kaya sa tatlumpung-minutong biyahe niya pauwi ay tatlumpung-minuto din niya inaway ang sarili.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Kasama siya sa mga susundo sa kanyang ina sa airport. Ang tito at tita niya ang nag-inform kay Martha tungkol dito at hindi itinago ng mga ito sa kanya na hindi nito nagustuhan ang balita.

"She's jealous? Sa ganitong panahon talagang nakuha niya pang mag-selos?" she spat.

"Shirley, intindihin mo si Martha," kausap sa kanya ng kanyang Tito Spencer.

Ibinaling niya ang paningin sa labas at napabuga ng hangin. Tama ang tito niya. Intindihin niya si Martha sa kung bakit nararamdaman nito iyon. Her mom is his father's first love...his only love. Ano'ng mararamdaman niya kung naroon siya sa pareho nitong posisyon?

No thanks. Kaya naman kumalma ang kanyang damdamin. Siya, sa lahat ng tao, ang dapat nakakaalam na hindi napipigilan ang selos dahil...Shut up now, Shirley.

"Ma..." bati niya sa nanay nang dumating na ito.

Ngumiti ito at mabilis siyang sinalubong ng mahigpit na yakap. She kissed her cheek bago bahagyang lumayo ngunit hindi tuluyang binibitawan. Her round eyes looked at her cautiously, "How are you?"

"Ayos lang po," she managed a smile.

Tumitig ito sa kanya at alam nitong nagsisinungaling siya.

Mabigat ang atmosphere sa bahay, sa ospital...sa school. Nasu-suffocate siya ngunit hindi naman niya ito maaaring takbuhan. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit hindi maayos ang kalagayan ng damdamin niya.

Ang tito at tita niya ang sumunod nitong binati. Tinulungan niya ito sa pagdadala ng mga gamit. She's sleeping in her father's house, hindi niya tuloy alam kung tamang doon din ba patirahin ang kanyang mama gayong si Martha na ang kinakasama ng kanyang ama.

"Puwede ako sa malapit na hotel. Iyong tinutuluyan ko tuwing nagpupunta rito," sabi ng mama niya nang papasok na sila sa kotse para mag-biyahe pauwi.

Her mom will be staying here for three days only. Marami ito'ng pasyenteng naiwan sa Palawan at alam niya iyon. Sa tingin niya'y sapat na iyon upang kausapin nito ang ama tungkol sa kung ano'ng nais nitong sabihin.

Naunang hinatid ang mga gamit sa hotel. Hapon pa ang kanyang pasok kaya kahit paano ay makakasama pa siya sa pagtungo ng kanyang ina sa ospital ngayon. Nababahala talaga siya sa pagtatagpo ng dalawa pagkatapos ng napakahabang panahon.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt