CHAPTER 19

1K 52 38
                                    

Hindi niya namalayan ang pagtulog sa study table. Nagising na lamang siya sa mahinang tapik ng kung sino sa braso niya.

"Ate Shirley, kain ka na daw. Punta daw po kayo ng ospital ngayon," ang munting tinig ni Nathaniel.

Kinusot niya ang mga mata at tinignan ang mga papel sa kanyang harapan. Inayos niya iyon at itinabi. Isang tingin sa orasan at nakita niya na kaagad na alas-nuwebe na. Tumayo siya at ipinasok sa mesa ang swivel chair niya.

"Sige, lalabas na ako," pupungas-pungas niyang sabi.

Lumabas si Nathaniel mula doon. Ayos na ang kama at sa tingin niya'y ito pa mismo ang gumawa no'n dahil hindi pantay ang pagkakalatag ng comforter sa ibabaw at medyo magulo pa ang unan. Mukhang natuto na din ang batang sutil na iyon noon. Napangiti siya.

Naligo na siya at naghanap ng maayos na damit na maisusuot. Marami siyang nalaman tungkol sa kondisyon ng kanyang ama sa pagsasaliksik niya. Hindi niya alam kung mas nakatulong ba iyon o ano. Hindi kasi maganda ang lahat ng nabasa niya. But she'll never give up. Not in this particular battle. Matalo na siya sa lahat huwag lang ito.

Sinagot niya ang ilang texts na nakaligtaan niyang tugunan kahapon. Nagpadala siya ng reply sa kanyang mama, kay Baste, sa ilang taga-Eclipse na nangungumusta at kay Marj na kakapadala lamang ng mensahe.

Pagkatapos doon ay lumabas siya. Sinalubong siya ng bihis na bihis na tiyo at tiya. Hindi maaaring sumama si Nathaniel dahil bawal doon ang bata.

"Kumain na tayo, Shirley. Hinintay talaga namin ang paggising mo," sabi ng kanyang Tita at nilahad ang silyang para sa kanya.

Tulad ng kahapon ay tahimik pa din sa hapag. Hindi siya sanay na ganito ang tito at tita niya. Kahit noong tatlo pa lamang sila dito sa bahay ay maingay ang mga kuwentuhan nila.

How she wanted to pull the time back. Kung ikukumpara kasi sa bigat ng problema na mayroon siya ngayon, mas simple ang problemang kinakaharap niya noon. Hindi niya sukat akalain na may mas titindi pa sa pinagdaanan niya noon.

Kahit siguro hampasin siya ng tatay niya ngayon ng sinturon, bugbugin o 'di kaya'y pagsalitaan ng masasakit, ipagpapalit niya ito'ng nangyayari sa kanila. She'd rather let him hurt her again than lose him forever. Than lose him at all.

Ito'ng mga naging pagbabago sa kanya? Ito'ng kakaunting improvement na nangyari sa buhay niya? Walang pagdadalawang-isip niyang ipagpapalit ito'ng lahat para bumalik sa noon kung kailan masigla pa ang kanyang ama. Kung puwede lang. Kung sana puwede lang.

But she has to be realistic. And the most realistic thing that she could do is to be there for her father, support him and find ways to improve his health. Gaya ng palagi niyang sinasabi, ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan ay walang silbi. Mapupuno ka lang ng panghihinayang na magpapahina sa'yo sa pagharap sa kasalukuyan.

Napagtanto niyang may kalayuan pala ang ospital sa bahay nila nang marating iyon. The travel took them twenty minutes. Tinanong niya ang tito niya kung bakit hindi sa ospital na mas malapit.

"The facilities here are better than the nearer hospitals in our place," sagot nito.

Tingin niya'y totoo iyon. Sa lobby pa lang ay kita niya na ang pagka-moderno at mamahalin ng ospital na ito. She can't even ask her tito about the usual bill of her father every time he's admitted here. Baka malula siya sa halaga.

Sumakay sila ng elevator patungo sa tamang palapag. Nang bumukas ito ay isang puting hallway ang sumalubong sa kanila. May nurse's station doon at iilang darkbrown na pintuan lamang ang nakikita niya.

"Dito..." turo ng tito niya sa kuwartong may numerong 501. Pinihit nito ang pahabang doorknob at bumukas iyon. Nauna ito'ng pumasok. "Martha..."

Kumalampag ang puso niya habang nakasunod sa likod ng kanyang tita. Kinakabahan sa muling pagkikita niya at ng kanyang ama.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now