CHAPTER 29

1.3K 52 33
                                    


Nagtungo sila sa parking lot ng school. Nauuna si Drake sa paglalakad kaya ang likod lamang nito ang malaya niyang natitignan ngayon. Huminto ito sa tabi ng isang itim na pick-up na makinis at makintab kaya naguguluhan niya ito'ng nilingon.

"May...sasakyan ka pala? Bakit nag-commute ka pa kahapon?" tanong niya.

"Coding ako," simple nitong tugon.

Tumango siya at patungo na sana sa pintuan papasok sa front seat ngunit naunahan siya ni Drake doon. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Pinigil niya ang mapa-ngiti dahil doon at dumiretso na ng upo sa loob.

Ang amoy ng pinaghalong car freshener at pabango ni Drake ang maaamoy sa loob. Umikot si Drake at binuksan ang pintuan patungo sa driver's seat. Ang mga gamit nito'y nilagay sa upuang nasa likod.

Inalis niya na ang bag sa kanyang likod at pinatong iyon sa kandungan habang abala si Drake sa cellphone nito. Ang isang kamay na nakapatong sa manibela ay nakahawak na ng susi.

He looked so mature right now behind the steering wheel. Kinailangan niyang mag-iwas ng tingin dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang mga simpleng bagay tungkol kay Drake ay hindi nabibigong tulungan ang puso niya sa pagwawala.

"Shirley...your seatbelts," puna nito.

Tumingin siya sa sarili at na-realize niya ngang hindi niya nasuot iyon. Hinila niya ang seatbelts habang pasimple ito'ng nililingon na ginagawa din iyon. Ang cellphone ay pinatong na sa dashboard. Sumulyap ito sa kanya bago sinusian ang sasakyan upang buhayin ang makina nito.

Ang pagtingin nito sa rearview mirror at side mirror habang ginagalaw ang manibela at kambiyo ng sasakyan ay nagpaparamdam ng kung ano'ng kuryente sa kanyang katawan. Umatras ang sasakyan ni Drake upang umalis sa linya ng mga sasakyang naroon sa parking bago lumiko para tumbukin ang driveway palabas ng school.

She has to look away from him again when he started driving on the road. Letse, ang guwapo.

"Remind me to not go near Miss Luna again, next time," sabi ni Drake upang basagin ang katahimikang pumapagitan sa kanila.

Nangiti siya nang balingan ito. "Bakit? Ayaw mo na ba mag-model ulit? You should be flattered! She only picks handsome guys as our subject."

Kumunot ang noo nito at mabilis na sumulyap sa kanya bago binalik ang tingin sa daang nasa harap, "You mean, may iba pang lalaki na gumawa ng ginawa ko kanina? Drinowing mo din?"

Tumango siya, "Oo."

"So...you're sketching naked guys every day? I think I'm starting to hate your course."

"Why? A human's body is art! Walang malisya sa'min 'yon." Maliban na lang kung katawan mo binabalandra sa harapan ko, Drake.

"Tss..." iling nito.

Pinigil niya ang mas mapalapad ang ngiti dahil sa reaksiyon nito. Naiinis ba ito dahil ayaw nitong nagdo-drawing siya ng mga lalaking topless? Punong-puno ng saya at kilig ang puso niya na lahat ng mga pangamba niya ay agad nang natunaw.

"Where are you going to take me?" tanong niya rito.

Hapon na kaya unti-unti nang nagbi-build up ang trapik pero tingin niya'y mararating pa rin naman nila ang gusto nilang puntahan dahil kahit paano'y umaandar pa ang mga sasakyan.

"You have something specific in mind?" balik-tanong nito sa kanya.

Sa katunayan ay wala. Kahit saan siguro. Hindi naman iyong pupuntahan nila ang mahalaga. Ang mahalaga sa kanya ay kasama niya ito. "Wala naman. Kahit saan, okay lang sa'kin."

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now