CHAPTER 57

855 28 11
                                    

Pagkatapos ng 'madugong' lunch kasama ng pamilya ni Drake at ni Cedes ay inabisuhan na siya nitong magpaalam sa mga magulang nito para makauwi na.

"Kaagad?" naka-kunot noong tanong ng mama ni Drake rito. "Why? It's still so early. Nandito pa ang ninang mo. Si Cedes..."

Napasulyap si Cedes sa kanya ngunit nang masalubong ang kanyang tingin ay agad ding nag-iwas ng mga mata.

"Caridad, hayaan mo na ang mga bata. Pauwi na rin naman kami," ang mama ni Cedes. "Mag-iingat kayo, Drake...Shirley."

Tipid siyang ngumiti rito.

Drake's mother shook her head in disappointment. Ngunit sa huli'y napabuga na lamang ng hangin tanda ng pagsuko. "Okay. Pero pupuwede bang dalasan mo naman ang pagbisita rito, Fredrick? Or reserve your Sundays for the family. Alam kong abala ka pero ano ba naman ang isang araw?"

"Yes, ma." Humalik na si Drake sa pisngi ng ina bago kaswal na tinapik ang balikat ng ama. "Shirley..."

"M-Mauuna na po kami tito...tita..." yumukod siya upang makipag-beso sa mga magulang ni Drake.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho, Drake," paalala ng papa nito. "I hope you could visit again, hija." Kausap naman nito sa kanya.

Nagpasalamat siya rito. Wala namang kahit na ano pang sinabi ang mama ni Drake. Hindi niya alam kung ikakatuwa ba iyon o ano. Agad itong bumaling sa ina ni Cedes para ipagpatuloy ang pag-uusap na naantala nang magpaalam sila ni Drake.

"Ate Shirley! Babalik ka, ha?" si Belle nang pasakay na sila ni Drake sa pick-up nito.

She forced a smile. "Siyempre naman..." as if she has a choice with that. Pamilya ni Drake ang mga ito. Magustuhan man siya o hindi, kinakailangan niyang makisama dahil mahal at mahalaga para kay Drake ang mga ito.

"Shirley—"

"Drake!" ang boses ni Cedes na nagmula sa porch. Tumakbo ito pababa sa ilang hakbang hanggang sa makarating sa harapan nila ni Drake.

Naka-ngusong pinagmasdan ni Belle si Cedes gamit ang mga matang tila matamang nago-obserba. Sa huli ay nauna na itong magpaalam para bumalik sa loob ng bahay.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin. Natanggap mo ba iyong text tungkol sa Student Leaders Convention na gaganapin sa Baguio? Isa ka sa mga napiling representatives ng school para do'n."

"Ah...yeah," Drake in a casual tone. "Kakausapin ko si Dean bukas. Sasabihin kong iba na lang ang isama dahil hindi ako puwede."

Bumakas kay Cedes ang pagtataka. "Ha? Bakit naman? May certificate iyon, ah."

"Limang araw iyon hindi ba? I can't be gone for that long."

Ang palad ni Drake na nasa kamay niya ay lumipat sa kanyang bewang. Sinundan iyon ng tingin ni Cedes at nakita niya kung papaanong nagbago ang ekspresyon ng mga mata nito.

Tiningala niya si Drake, "Why? Sumama ka na. Mukhang importante iyon."

"Baby, you know I can't last that long without being with you," mapaglaro ang tono nitong sinabi.

Halos panlakihan siya ng mga mata sa sinabi ni Drake. Binalik niya ang tingin kay Cedes na halos hindi na maituwid ang tingin sa kanila. Pasimple niyang siniko ang tagiliran ni Drake at ang impit nitong tawa ang kanyang naulinigan.

"But, seriously, kayo na lang, Cedes. Dalawang magkasunod na taon na ako'ng naka-attend sa convention na iyan. I want to give others a chance to be chosen as our school's representative. Hindi lang naman ako ang student leader ng school," mas seryoso na nitong sabi. "Aalis na kami."

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now