CHAPTER 14

810 33 5
                                    


Napagod na siya sa lahat ng nangyari nang araw na iyon kaya tinuloy niya na talaga ang pag-uwi. Hinatid siya ng kanyang mama hanggang sa loob ng kuwarto niya. She even lay on the bed beside her para patulugin siya.

Mahal niya ang kanyang mama. Iyon ang dahilan kung bakit matagal bago nawala ang galit at sakit na nararamdaman niya para dito. Because she matters to her at hindi niya matanggap na hindi niya ito nakasama sa sampung taon ng kanyang buhay. Na mas lalo lamang nadagdagan ang galit niya dahil ninais niya na buo ang kanyang pamilya pero hindi iyon ang nangyari.

Who wouldn't want a complete family right? Lahat yata ay iyon ang gusto. Pero may mga katotohanang hindi mo na mababago. Mga katotohanang dapat mo'ng intindihin at maluwag na tanggapin. Everything happens for a reason, that's true. At siguro may rason kung bakit hindi magkasama ang mga magulang niya at kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng mga nangyari sa kanya.

Kung ano man iyon? Well, maybe it will reveal its true purpose someday. Someday, she will understand why something has to happen. Why people have to get hurt. Why some wishes can't be given to you. Why we can't just get everything we wanted.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng sampung taon ay nakadama siya ng kakaibang gaan at kapayapaan. Dahil iyon lang naman ang gusto niya. Ang masabi ang lahat ng hinanakit niya at malamang mahal siya nito. Iyon lang. Dahil buong buhay niya naniwala siyang hindi siya mahalaga dito. Na kaya madali ditong iwan siya ay dahil hindi siya mahal nito.

At ngayong nalaman niya na ang lahat, pakiramdam niya isang malaking bato ang nawala sa dibdib niya.

"Hindi ka na ba babalik doon...mama?" The word is so foreign on her lips. Sa tagal na hindi niya nagamit ay nanibago na iyon sa kanyang labi at pandinig.

Umiling ito, "Nandoon naman ang ibang mga doktor. Pagod na din ako."

Tumango siya at pilit na ngumiti dito. Nanginginig ang mga labi niya. Sa sobrang sayang umaapaw sa kanyang puso ay parang gusto niya na lamang muling maluha.

She missed her mama. She loves her so much. Sa kabila ng lahat ng galit at masasakit na salitang ibinato niya dito, hindi maipagkakailang nasaktan lamang siya ng lubos dahil sa lubos ding pagmamahal dito.

Hinalikan siya nito sa noo at tinapik-tapik hanggang sa kapwa nga sila maka-tulog.

Malaki ang naging pagbabago sa relasyon nila ng kanyang ina dahil sa pag-uusap na iyon. Kahit paano ay naintindihan niya ito. Ang mga desisyon nito. But at the same time she understands her father too. Sa kabila ng lahat, ay naiintindihan niya kung bakit nagkaganoon ito.

He was hurt. At alam niya ang nagagawa ng sakit at pagkamuhi sa isang tao. She should know. Those two blinded her too. Those two almost ruined her too. Kung hindi niya lang nakita kaagad ang mali ay baka hindi pa siya nagbago. Baka naging huli na din ang lahat para sa kanya.

Pagod na rin naman siyang magalit. Kung bubuhayin niya pa ang panibagong galit sa ama ay para na rin niyang pinagkaitan ang sarili ng katahimikan at kapayapaang matagal niya nang gustong makamit. Kung patuloy na uungkatin ang sugat, kung patuloy na iisipin ang lahat ng mali, mas lalo lamang siyang mahihirapang umusad.

Dapat niya nang tigilan ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Dapat niya nang tigilan ang pag-iisip sa mga bagay na hindi niya na mababago at maibabalik pa. Ang pagpapatawad na iginawad niya sa kanyang ina at muling pagsubok sa pagbuo ng relasyong nasira ilang taon ang nakakaraan ang siyang nagsara ng kabanatang iyon ng kanyang buhay kaya dapat ay iwan niya na ang mga iyon sa kanyang likod.

To start again. That's the real reason why she went here, right? At ngayong naibigay niya na ang pagpapatawad matapos ng matagal na panahon, tingin niya'y dito pa lamang talaga siya nagsisimulang muli.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now