CHAPTER 34

1.7K 51 34
                                    

Drake is an expert kisser. Kung paano iyon nangyari dahil ang alam niya ay puro lang naman ito pag-aaral ay hindi niya na gustong malaman. He told her he had girls after her and she thinks that explains it. Gustuhin man niyang magdamdam dahil sa tatlong taon ay nanatili siyang tapat dito ngunit hindi siya mabigyan ng pagkakataon.

Sinubukan niyang iiwas ang mga labi kay Drake nang kailanganin niyang huminga. But he's so ruthless. Hinahabol nito ang kanyang mukha hanggang sa muling maglapat ang mga labi nila at pabayaan niya na lang ang sarili na mawalang muli sa mga halik nito.

Kinagat niya ang ibabang labi ni Drake. Ang kanyang kamay ay naka-sabunot na sa buhok nito para isandal ang ulo nito sa upuan ng sasakyan upang magtagumpay siya sa paglalayo ng kanyang labi mula sa mapag-parusa nitong mga halik pero masyado ito'ng pasaway.

"Stop," she said almost breathless. Siguro ay para na siyang isda ngayon na inalis mula sa tubig dahil sa paghilap ng sapat na hangin para sa kanyang baga.

"Don't stop?" tanong ni Drake sa mapaglarong tono.

Matalim niya ito'ng tinignan. Isang maling hakbang dahil huli niya kung paanong dinilaan at kinagat nito ang ibabang labi. Nag-init ang pisngi niya dahil doon dahilan upang mapa-iwas siya ng tingin.

Ang maligayang halakhak ni Drake ang pumuno sa buong kotse. Naramdaman na lamang niya ang paghawak nito sa kanyang braso at marahang pagkagat nito doon, "Nakakagigil ka talaga."

"Drake..." saway niya dito. Hindi siya maaaring makalimot. Kailangan nilang pag-usapan ang sinabi nito kanina. Hindi puwedeng maghahalikan sila dito buong magdamag! Kaya walang naaayos sa kanila, e.

Umayos ng upo si Drake. A boyish smile is still plastered on his red swollen lips. Parang gusto niya ding mangiti ngunit sinikap niyang ituwid ang anyo.

"A-Akala ko ba...galit ka sa'kin?"

Nanatili ang ngiti nito. She looked at his eyes to see anything that would convince her that he's still playing around but she found nothing. Itinaas ni Drake ang hinlalaki nito at pinasadahan ang ibaba ng kanyang labi.

"Yes."

"Then why—"

"At first. Tatlong taon kang nawala, Shirley. What do you want me to feel? Nagagalit ako sa'yo but at the same time I can't stand how you're being admired by all the boys in the campus! Bakit kasi ganyan na lang ang palaging mga damit mo—"

"Tsk, hindi naman iyon ang pinag-uusapan! Umayos ka nga."

Nanatili ang magkasalubong nitong kilay, "We'll talk about your wardrobe after this." Hinagilap ni Drake ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito katulad ng madalas din nitong gawin noon. Now his expression softened. "I never thought it's possible for a person to feel two opposing feelings all at the same time. I want to push you away but I also want you near. I don't want to see you but I miss you every day. I hate you but I love you too."

Napayuko siya. Pinagpatuloy ng kamay nito ang masuyong paghaplos sa kanyang mga daliri.

"I'm so confused baby. I don't know what I want to do with you. Kaya nangyari iyong date. But like what I said I came back for you. Totoo iyon," dinikit nito ang noo sa kanya at pumikit ng mariin. "Masyado ako'ng nalilito. Gusto kong pabayaan ka para matahimik na rin ako pero tuwing makikita at malalaman ko na lang na may mga lalaking umaaligid sa'yo nagagalit ako. Nagse-selos ako. And I know that there's only one explanation to that. Like before, I'm still so afraid to lose you. Kahit na minsan na iyong nangyari. Kahit na alam ko'ng may posibilidad pa ring mangyari. Natatakot ako, Shirley. Ayaw kong may iba. Ayaw kong mawala ka."

Totoo na ba talaga ito? Napa-praning siya. Para bang anytime ay kayang bawiin lahat ni Drake ang sayang kanyang nararamdaman dahil sa mga sinasabi nito at sa isang iglap ay muli na naman siyang masaktan.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now