CHAPTER 44

1.7K 46 60
                                    

Masyado nang late para magpunta pa sila muli sa ospital kaya isinama niya si Baste sa pag-uwi sa bahay ng kanyang ama. She decided to cook dinner for them. Matagal-tagal din niya itong hindi nakasabay sa dinner.

Nasanay kasi siyang ganoon. Sa Palawan ay hindi sila maaaring kumain hangga't hindi kumpleto sa hapag-kainan. Kaya naman kahit pa ano'ng galit niya noon sa ina at uneasiness sa Tito Jake niya ay napipilitan pa rin siyang sumabay sa mga ito.

"Ano'ng gusto mong kainin?" she asked, sounding so upbeat. Ngunit sa loob niya'y nararamdaman pa rin niya ang epekto ng naging engkwentro nila ni Drake kanina.

Isinuot niya ang apron bago binuksan ang ref para i-check ang available na ingredients na naroon. Pamilyar ang eksenang ito ngunit pilit niyang isinasantabi ang ala-alang bumabalik sa kanya.

"Anything. Hindi naman ako gaanong gutom," tugon nito sa kanya.

Tumango siya at naisip na simpleng ulam na lang ang lulutuin niya kung ganoon.

Hindi niya maintindihan ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa ni Baste. Kanina ay maingay naman sila at halos hindi pa maubusan ng kuwento. Ngunit ngayon ay para bang may mabigat na tensiyong pumapagitan sa kanila dahilan upang piliin nilang huwag na lamang magsalita.

Ibinagsak niya ang breaded chicken sa kawaling puno ng mantika. Ang tunog ng pini-pritong manok ang tanging ingay sa paligid. Ngayong nailagay na niya ang manok na binabalot kanina ng breading ay napilitan na siyang harapin si Baste.

She smiled at him. An awkward one, she's sure. Sinuklian siya nito ng mabigat na titig at hindi niya maintindihan kung ano ang umiikot ngayon sa isipan nito.

Inalis niya ang apron. Ang diamond earring ni Baste ay kumikinang sa tenga nito nang muli niya ito'ng harapin.

"How's school?"

Pinigilan niyang ipahalata ang relief na naramdaman niya nang sa wakas ay magbukas ito ng kaswal na topic. "Maayos naman. Mahirap kasi mas malaking university ito'ng Castillan kaya mas demanding ang mga professors pero naipapasa ko naman kahit paano ang subjects ko." Binuntutan niya iyon ng alanganing tawa.

Ngumiti si Baste at tumango sa kanya. Hindi niya na isinama iyong parte na nanganganib siyang bumagsak sa semester na ito dahil sa ilang beses niyang pagliban sa klase at sa mga activities, projects at quizzes na na-miss niya.

"There's no doubt about that. Talented ka. Sa katunayan ay nanghihinayang ang mga blockmates mo noon sa Palawan. They said you're the best in their batch, Shirley. Hindi ba ikaw ang tumalo doon sa mga seniors mong subok na ang galing?" may pagmamalaki sa tinig ni Baste habang sinasabi iyon.

Napangiwi siya, "Hindi naman ganoon. Nami-miss lang ako ng mga iyon kaya nila sinabi iyon."

Naglakad siya pabalik sa niluluto upang tignan ang estado no'n. Panibagong katahimikan ang bumalot sa kanila ni Baste kaya nagpanggap siyang abala sa kanyang ginagawa.

"I saw Drake Lagdameo in your school a while ago."

Dumulas ang hawak niyang panluto sa kanyang kamay. Lumikha ng matinding ingay ang pagbagsak nito sa tiles ng kanilang sahig. Maagap niya iyong dinampot upang dalhin sa lababo at hugasan.

Marahas ang tibok ng puso niya sa kanyang dibdib. And all this time she thought Baste still didn't know! Kinagat niya ang ibabang labi at hinintay kung ano pa ang sasabihin ni Baste tungkol doon.

"You didn't tell me..." naghanap siya ng pag-aakusa sa tono ni Baste ngunit wala. It was merely a statement. Kung bakit ganito na lamang ang kaba sa kanyang dibdib ay hindi niya maintindihan.

"I-I'm sorry," aniya nang hindi ito nililingon.

She's afraid he'd find answers in her eyes. She's afraid he'd find out everything in her expression. Na sa ilang buwang wala siya sa Palawan ay naglapit silang muli ni Drake. Na ang pangako niyang tanging ang ama lamang ang aasikasuhin dito ay hindi natupad. And she feels so guilty right now. Dahil kung nasasaktan man niya si Baste ngayon ay responsibilidad niya ang damdamin nito.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now