CHAPTER 12

710 35 1
                                    

Nagpa-kuwento pa siya kay Myriah ng ilang tungkol kay Baste noong mga panahong wala pa siya dito at hindi niya pa ito nakikilala. Misteryoso na daw talaga ito noon pa. Kung tutuusin ay mas tahimik si Baste noon at mas nakakatakot kausapin pero kahit ganoon ay mabait.

Mabuti pala ngayon ay mas naging open na ito at kahit paano ay nakikisalamuha. Kung sakali siguro na ganoon pa din si Baste gaya ng kuwento ni Myriah sa kanya ay baka nangatog na siyang kasama ito sa mansiyon.

"Ang dami mo'ng alam kay Baste, a," tukso niya rito nang matapos sila sa seryosong pag-uusap.

Nag-blush si Myriah doon. "S-Siyempre naman Ate Faye! Kasama namin siya dito. Natural na marami ako'ng alam sa kanya. Sige, baka kailangan na ako ni Ate Karen."

Natawa siya nang dali-dali ito'ng tumayo at umalis nang i-focus niya dito ang usapan nila.

Naaalala niya talaga si Belle dito. Tumipid ang ngisi niya. Kumusta na rin kaya ang nakababatang kapatid ni Drake? Ang alam niya noon ay maayos na ang pag-aaral nito. Hindi na ito nagbubulakbol nang mapangaralan niya.

Sana hindi iyon nagbago. Tiwala siya kay Andre na hindi ito papabayaan. Kaya nga kampante siya na maging malapit ang mga ito. Pinagpatuloy niya ang ginagawa at pilit na iwinawaksi ang pag-iisip tungkol doon.

Hindi niya sinabi kay Baste ang mga nalaman. Ayaw niyang komprontahin ito doon. May dahilan kung bakit hindi nito iyon ikinuwento sa kanya. Siguro ay dahil masakit pa rin para dito. Ma'am Michelle is his first girlfriend, sigurado niyang masakit talaga iyon. Kaya hindi niya na inusisa kahit na nahihiwagaan siya sa kung paanong nagkaroon ng relasyon si Baste sa teacher nitong ilang taon ang tanda dito.

Maybe that's his type? Iyong mga babaeng mas mature at mas matanda? Ganoon iyong mga babae nitong naaabutan niyang kalandian nito minsan sa tattoo shop. They were all experienced women.

"Iyan, ang pretty mo na sis!" masayang sabi ng bading na gumupit at nagkulay ng kanyang buhok.

Nilingon niya ang sarili sa salamin. Her hair was cut short. Hindi naman iyon ganoon kaikli dahil lumalagpas pa ng kaunti sa kanyang balikat pero mas maikli na iyon sa buhok niya noong malapit nang umabot sa bewang. Pinalagyan niya din iyon ng kulay kaya medyo brown na ito ngayon.

Napa-ngiti siya dahil bumagay iyon sa balat niyang maputi.

Binalingan niya si Baste na nakahalukipkip at naka-de kuwatro sa sofa na nasa gilid. Mukhang bored na bored ito sa paghihintay sa kanya. Dapat ay nasa campus na sila ngayon para sa enrollment pero nagpagupit pa siya.

"Maganda ba?" she asked him.

Simpleng tango lang ang tugon nito saka nag-iwas ng tingin kaya hindi niya alam kung bino-bola lang ba siya ng bading o totoo ngang maganda ang gupit niya sa kanya.

"Nako, si afam, nahiya pa'ng i-compliment ang jowa niya!"

"H-Hindi kami mag-boyfriend niyan. Kapatid ko iyan," kausap niya rito.

Napa-O ng malaki ang bibig nito saka magkakasunod na humingi ng tawad. Nginisihan niya lang ito.

Pagkatapos ito'ng bayaran ni Baste ay nagtungo na sila sa labas kung saan nakaparada ang motorsiklo nito. Hindi ito nagsasalita. Sumakay lang ito sa motor saka tahimik na ini-abot ang helmet sa kanya.

"Are you mad? I'm just joking there. Masyado kang seryoso," ang tinutukoy niya ay ang pagsasabi niyang kapatid niya ito.

"Bakit ako magagalit? Sakay na."

Sinuot niya ang helmet saka umangkas sa likuran nito. Niyakap niya ang mga braso sa bewang ni Baste dahil hindi nito bubuhayin ang makina hangga't hindi niya iyon ginagawa.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang