CHAPTER 58

1K 36 19
                                    

"Sinabi mo rin sa'kin but look I didn't win," natatawang sabi ni Marj.

Nag-ikot ng mga mata si Effie saka bumaling dito. "Paanong hindi ka mananalo? Eh, halata namang napilitan ka lang noong pageant! You were the most beautiful among last year's candidates but you're not just into it!"

"Lalo naman 'yang si Shirley," nanatiling natatawa si Marj na sinabayan pa nito ng pag-iling. "She's not interested in joining beauty pageants. Kailangan mo siyang tutukan ng baril para mapa-oo."

"M-May extra credit ba ako'ng makukuha kung sasali ako?" alanganin niyang tanong.

Sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Si Marj ay halatang gulat samantalang si Effie ay malapad ang ngiting tagumpay na sumilay sa mga labing may nude lipstick.

"Of course, darling, there is! At hindi lang additional grades ang makukuha mo kung sasali ka. If ever you win the title, may cash prize at full-scholarship grant pa para sa susunod na taon mo rito sa Castillan University. Though you look rich...sigurado ako'ng hindi mo naman iyon kailangan."

Lalo lamang nagningning ang kanyang mga mata at pumalakpak ang kanyang tenga, "Really? Cash prize? Scholarship?"

Pinagtaasan siya ng kilay ni Marj. Tila naguguluhan sa pagiging interesado niya. Tama naman ito. She's never into this kind of things. But she badly wanted to increase her grades this semester. Karadagan pa ang cash prize at scholarship kung mananalo siya. Kahit hiya at dignidad niya ay kaya niyang talikuran para sa mga iyon!

"One hundred fifty thousand in cold cash, which is tax free by the way, and free tuition on your one year of reign as the Queen of this campus," Effie smirked. Giving every single word an emphasis. "Mr. and Ms. Castillan isn't the biggest event in our school for nothing, darling. So...?"

She bit her lower lip. Masyado nang nasisilaw para sa lahat ng kanyang narinig. She badly wanted to join. Ngunit hindi maiwasan ang makadama siya ng mga agam-agam. Kung ganoon ang mga prizes, nasisiguro niyang hindi rin basta-basta ang kanyang posibleng mga makakalaban.

"T-Teka, kailan ba iyan?" tanong niyang muli.

"Castillan will celebrate its foundation week on the second week of December. Nagaganap ang pageant bago ang huling araw kung kailan ang awarding at after party. Malaking porsyento ang maidadagdag sa college department natin kung sakaling manalo ka at ang magiging partner mo. Aminado naman ako'ng wala tayong pag-asa sa Sports Fest," he dramatically sighed. "Pero at least bawi sa guwapo't ganda hindi ba?"

"Sasali ka ba talaga Shirley? Are you being serious right now?" si Marj. "Paano si Drake?"

Shit. Hindi niya naisip si Drake.

"Bakit naman kailangan ng approval ni Drake? May sariling utak naman si Shirley. If he really loves her, he would support her! Right, girl?" baling ni Effie sa kanya.

She nodded hesitantly. Tama ito. At saka, nangako naman na si Drake sa kanya na susuportahan siya nito sa mga plano niya hindi ba? He wouldn't mind her joining the pageant!

"Ano'ng mga kailangan kong gawin para makasali?"

Hell, pakapalan na ng mukha ito! If Effie thinks she's qualified to join, then she'll go. Masyadong maganda ang oportunidad para pakawalan niya ng basta-basta dahil lang alangan at nahihiya siya.

"This early, nagsisimula na ang registration for interested participants. Once you become an official candidate for the pageant, automatically, you are this year's Miss College of Fine Arts."

Tumango-tango siya. "Okay..."

"Give me your contact number and I'll text you the requirements. Kahit sa akin mo na rin ibigay para ako na ang magpasa sa Student Council. Pagkatapos nilang mamili ng mga isasali, they'll release the list of the official candidates. O kaya kokontakin ka nila para sa date ng magiging first general meeting."

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now