CHAPTER 54

1.3K 30 20
                                    

WARNING: R-18

- Please, if you're under eighteen years old or uncomfortable with these kind of scenes, just skip the last part or stop reading this story. Ito ay para wala tayong away HAHAHA 

-----------------------------------------------------------------

Maka-ilang beses na humingi ng tawad sa kanya ang kanyang ina habang bumi-biyahe sila pauwi. Sinabi niya ritong ayos na iyon at naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng kanyang lola. But she could tell by the sad look on her mother's face that she's still affected. Kung dahil ba sa mga salitang binitawan ng kanyang lola sa kanya o para dito o pareho ay hindi na niya inalam pa.

Naging mabuti lamang ang mood nito nang makauwi na sila at makita si Tito Jake na naka-abang para sa pagdating nila. Genuine happiness was evident in her mother's eyes as she held her Tito Jake's hand. Wala pa man itong nasasabi sa kanyang Tito Jake ay alam niyang maayos na ang pakiramdam nito kumpara kanina.

Talagang mahal ng kanyang ina at Tito Jake ang isa't-isa. She could tell by the way her mother and Tito Jake look at each other. Hindi niya maiwasang mapa-isip kung ano ang maaaring buhay ng mga ito kung hindi nabuntis sa kanya ang kanyang ina. May punto naman ang mga sinabi ng kanyang Lola kanina. She's a product of a mistake.

"Shirley! Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Halika na at inihahanda na nila ang mga pagkain," naka-ngiti si Tito Jake ng tawagin siya. Hawak nito ang palad ng kanyang ina na nakapatong sa magkabila nitong balikat at naka-ngiti rin sa kanya.

She smiled back, "Sige po."

They probably had their own family. Their real own family. Siguro din hindi nagalit sa kanyang ina ang pamilya nito. Ganoon din sa kanyang papa. She can't help but think of the possibilities if she wasn't born. Lahat iyon ay kinukumbinsi lamang siyang isipin na isa nga siyang pagkakamali.

Tumulong siya sa paghahanda ng mga pagkain. Sila Baste at ilan sa mga kaibigan nila'y nasa tabing dagat para ihanda ang mga mesa, upuan pati ang malaking ihawan. Kasama nina Nana Lumen ay inilabas niya ang mga na-marinade na karne na nakatuhog na rin sa stick.

Malakas ang simoy ng hangin. Halos lahat ay maingay at nagkakasiyahan. Kadarating lamang ng karaoke at ang musikang galing doon ang mas lalo lamang dumagdag sa ingay ng paligid. Tipid na ngiti lamang ang tumatakas sa kanya habang isinasalansan ang mga ilulutong karne sa grill.

Maingay sa videoke ang mga kasamahan niya sa Eclipse. Nag-aagawan sa mic habang bumibirit ng kanta ng Aegis. Mabuti't medyo malayo sila sa mga villas dahil kung hindi ay baka marami nang guests ang nagalit nang dahil sa ingay. Kapag talaga nagsama-sama ang lahat doon ay asahan nang maingay at magulo.

"Ayos ka lang?"

Her head snapped up when she heard Baste's voice. May hawak itong plato sa kamay na may lamang mga naluto nang barbecue. Bakas sa anyo nito ang pag-aalala.

Tumango siya't ngumiti, "Oo naman. Bakit hindi?"

Ilang saglit siyang tinitigan ni Baste. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at ipinakita ritong abala siya sa pagba-barbecue upang hindi na siya mas lalong tanungin pa. Narinig niya ito'ng bumuntong-hininga at saka lamang siya nag-angat muli ng tingin.

"Okay. Pero sumunod ka na doon para maka-kain ka na rin. Nandiyan naman sila Yaya Geling para bantayan ang mga iyan," paalala nito.

Tumango siya at doon lamang ito tumulak palayo. Naglakad si Baste patungo sa kanyang mama at sa papa nitong magkatabi sa silya habang nakikitawa sa nagkakagulo nilang mga kasama.

Inilapag ni Baste ang barbecue sa mesa. Hinila ito ng kanyang mama paupo sa silyang nasa tabi nito. Kumuha ng isang stick ng barbecue ang kanyang ina at binigay kay Baste at sa kanyang Tito Jake. Pinanood niya kung paanong masayang nag-usap-usap ang mga ito.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon