CHAPTER 8

776 35 4
                                    

Sebastian was adopted by Jake Agoncillo when he was eight. Natagpuan ito sa lansangan ng San Ignacio kasama ng mga batang nagso-solvent. Binihisan. Pinakain. Binigyan ng matutuluyan. Kalaunan ay binigyan ng pangalan at pamilya.

Mr. Agoncillo got involved in an accident a year after Sebastian was adopted. Ang sabi sa kanya ni Baste ay iyon ang dahilan kung bakit hindi na nakabalik sa kanila ang kanyang ina. She has to take care of Mr. Agoncillo and Sebastian who was just nine years old that time.

Walang ibang kasama ang mga ito. Namatay na ang mga magulang ni Mr. Agoncillo samantalang ang mga kapatid nito ay tuluyan ito'ng tinalikuran dahil sa pag-ampon kay Sebastian. They were blaming him for their parents' death. Dahil sa sama ng loob sa pagkakaloob ng apelyidong iningatan sa isang batang takas sa ampunan.

Tinabingi niya ang ulo upang pagmasdan si Baste sa kanyang tabi na matiyagang tinuturuan siya sa pagpi-pinta. Tapos na ang portrait niyang ginawa nito para sa kanya at kasalukuyan na iyong nakasabit sa kanyang kuwarto. It's beautiful. Wala siyang masabi sa husay nito.

Pasok na siya sa Eclipse at opisyal na talagang empleyado doon. Tuwing gabi ang kanyang pasok kaya sa umaga at hapon ay libreng-libre siya. Iyon ang kinukuha nilang pagkakataon ni Baste para makapagsanay siya.

Malabo pa rin sa kanya ang istorya ng kanyang ina at ni Mr. Agoncillo. How did they separate ways? At bakit paglipas ng ilang taon ay bumalik ang kanyang ina dito? Ngunit hindi niya lubos na mapagtuonan ng pansin iyon dahil naiisip niya ang naging sitwasyon ni Sebastian.

It must be really hard for him. To grow up in an orphanage. To wonder all these years why he was there. Bakit wala ito sa poder ng mga magulang? Bakit ito iniwan?

At no'ng nakatakas doon ay sa kanlungan ng mga maling kaibigan naman ito napunta. Hanggang sa matagpuan ng taong itinuring ito'ng anak pero hindi naman ito matanggap ng pamilya. Tapos na-aksidente pa si Mr. Agoncillo na dahilan kung bakit ito nalumpo.

Ang buong akala niya ay siya na ang pinaka-malas na tao sa buong mundo. Ngunit kung titignan, lahat ng tao ay may kanya-kanyang pinagdadaanan. Sa iba ay masyadong halata iyon, habang iyong iba, tulad nito ni Baste, ay tila ba napakaliit na bagay lamang ng mga dinanas.

He seems so cool with it. Kung umaarte man ito na ayos lang ang lahat, napakahusay nitong artista kung ganoon. Pero hindi. Kung titignan si Baste ay parang normal lang talaga dito ang lahat. Kahit na tulad niya ay mabigat na ang dinanas sa murang edad pa lang.

"Bakit?"

Nawala ang iniisip niya nang makitang naka-tingin na pala ito sa kanya! "H-Ha?"

"Why are you staring at me?" isinandal nito ang pisngi sa kamao matapos itukod ang siko sa mesa.

Umiling siya at ngumiti dito. Tinignan niya ang ipini-pinta nilang dalawa, o ipinipinta nito, para iwala sa kanya ang atensiyon ni Baste ngunit parang wala ito'ng balak na gawin iyon.

"Bakit nga?" untag nitong muli. Nilalaro nito ang kanyang buhok na nakalugay.

Humugot siya ng malalim na hininga at binalingan ito. "Wala. Nabi-bilib lang ako sa'yo. I mean, sa dami ng nalaman ko tungkol sa'yo hindi ako makapaniwalang napagdaanan mo ang lahat ng iyon. Hindi kasi halata sa'yo."

"Why? You expect me to be a criminal just because of my past, Shirley Faye?" biro nito sa kanya.

"Well...yes."

Natawa ito sa kanyang sinabi. She smiled even though she's serious with what she said. It was a tough life. Dapat ay maapektuhan ito ng labis dahil doon. Usually ganoon ang nangyayari hindi ba? Ngunit sa halip na ganoon nga ang nangyari ay naging mabuting tao si Baste.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now