CHAPTER 59

992 34 31
                                    

She faced the list again and searched for a particular name. Nang makitang ibang pangalan ang nasa ibaba ng pangalan ni Cedes ay naging maluwag ang kanyang paghinga. Then she realized how stupid she is for thinking that Drake joined too! These kinds of stuff are not his thing.

"Drake," si Marj sa kanyang tabi.

Bago pa man malingon muli ang kanyang likod ay binalot na ng braso ni Drake ang kanyang bewang upang hapitin patungo sa katawan nito. His huge frame protected her from the wild crowd of students who also wanted to see the list.

"You got in, baby?" he whispered on her ear.

Tumango siya at pinag-initan ng pisngi. The feeling of his warm body enveloping her small frame is both comforting and unsettling. Nararamdaman niya ang pagtibok ng puso nito mula sa kanyang likod. It only added to that unexplainable feeling.

Tumaas ang isang kamay nito patungo sa listahan. Ang isa'y tumataas-baba sa kanyang maliit na bewang. Huminto ang hintuturo nito nang tumapat sa kanyang pangalan. Naramdaman niya ang halik ni Drake sa gilid ng kanyang ulo.

"That's my beautiful baby." He said with obvious pride.

Napangiti siya. Humalik muli si Drake sa kanya at sa pagkakataong ito ay sa panga na niya dumampi ang malalambot na labi.

"Sus..." Marj snorted. Mukhang narinig nito ang sinabi ni Drake. "O, ano, maglalampungan na lang ba talaga kayo diyan? Baka gusto niyo nang umalis kasi kanina pa tayo ini-slam ng mga 'to?"

"We should go," segunda ni Drake rito.

Nauna sa paglalakad si Marj. Magsisimula na siyang humakbang ngunit hindi siya hinayaan ni Drake na masyadong makalayo. He made it a point that his arms and body would still protect her. Wala ni isang katawan ang tumama at nakatabig sa kanya nang dahil sa pag-protekta ni Drake.

Pinagsalikop ni Drake ang mga daliri nila nang hindi na siya kailanganin pang protektahan. Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri ng malayang kamay at hinayaan ang hangin na ihipan iyon. From the corner of her eyes, she could see Drake looking at her.

"So, kasali pala si Mercedes, Drake? I never thought she'd be interested. I mean, no offense sa kaibigan mo ha? Pero masyado siyang manang para sa mga ganitong uri ng contests."

Siniko niya si Marj na lumipat sa kanyang tabi at binigyan ito ng matalim na tingin. But her friend only raised her perfectly shaped eyebrows at her. Tila hindi apektado sa kanyang naging reaksiyon.

"Ngayon ko lang din nalaman," Drake said in an even tone.

Napagod siyang tignan ng matalim si Marj kaya napabuntong-hininga siya't tinuon na lamang ang mga mata sa harapan. It's really shocking to know that Mercedes joined. Maganda ito but Marj is right. Wala sa personalidad ng kaibigan ni Drake ang mahihilig sa ganitong uri ng patimpalak.

Bakit nga kaya ito sumali? Para ba sa mga premyo?

"Edi paano na 'yan ngayon? You have to support Mercedes. Bukod sa siya ang representative ng college niyo, she's your childhood friend," kausap muli ni Marj kay Drake.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang sinabi ni Marj. Oo nga. Drake has to support their college department's representative for the upcoming Mr. and Ms. Castillan. Kung hindi man dahil sa kaibigan ito ni Cedes, ito ang student chairman ng College of Engineering kaya tama lamang iyon.

Drake chuckled before pulling her closer and kissing her temple. She bit her lower lip without looking at him. "I'll only support my Shirley, Marjorie."

"Oooh...kay," Marj grinned.

Nagtaas siya ng tingin kay Drake. Sinalubong nito ang kanyang mga mata at binigyan siya ng isang sinserong ngiti. He looked so happy and proud. Tumataba rin ang kanyang puso isipin na may nagagawa siyang pupuwede nitong ipagmalaki. All the more reason why she needed to win that pageant.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن