I really love him.

"Hoy! Gumising ka na nga! Tulo pa laway mo, kadiri ka!" Napabalikwas ako ng may biglang sumigaw. It's Greg. Pero wait, where's Miguel?

"Epal ka 'no! Ang ganda ganda ng panaginip ko tapos sisirain mo lang?" Bwisit na lalaking 'to! Hindi ko pa nga nakita ang mukha ni Miguel sa panaginip ko tapos susulpot na lang siya at maninigaw? Hindi ba uso yung yugyog o kaya tapik ng pisngi sa kanya kung manggigising siya? Ang pakyu talaga ng Montemayor na 'to.

"Kanina pa sila nagbabaan, tapos ikaw ang sarap ng tulog mo diyan? Tulo pa laway mo. Tss." Agad akong napahawak sa gilid ng labi ko para tignan kung meron nga.

"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya ng makumpirmang wala naman. Kahit kaylan talaga! Kaasar.

Kinuha ko yung maliit na backpack sa tabi ko at tumayo na. Baka mamaya hindi ako makapagpigil at sipain ko ang 'pare' niya.

Papalabas na sana ako ng van ng bigla niya akong hawakan sa braso. Kami na lang kasi ang nandito at tinted ang salamin ng sasakyan at sure akong hindi kami makikita ni Gwen.

"Akala ko ba may lakad ka?! Bakit nandito ka?! Niyaya kitang isama dito tapos tinaggihan mo ako!" Sigaw niya sa akin.

"At bakit? Pwede kitang tanggihan kung gusto ko! And for your information, si Miguel ang unang nagyaya sa akin dito." I rolled my eyes.

"Di ba sabi ko ayaw kong makikita kitang kasama siya? Akin ka lang di ba?" Ayan naman siya sa 'Akin ka lang di ba?' niya. Neknek niya.

"Pakielam ko sa'yo? Kasama mo na naman ang girlfriend mo ano pang nirereklamo mo?"

"Bakit may payakap yakap pa kayong nalalaman!"

"At bakit? Bawal? So pag kay Miguel bawal? Pag sa iba pwede? Ano 'to discrimination ng pogi?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kahit sa iba bawal!" Mariin niyang sabi.

"So kanino pwede? Sa'yo?" Biglang namula ang mukha niya sa sinabi ko at iniwas ang tingin niya sa akin.

"O—Oo! Pwede sa akin, kasi ako ang gumawa ng batas." Sabi niya. Wow.

"Ay ang galing pala, pwedeng magpasa ng petition? Hindi ko kasi gusto 'yung batas mo."

"Hindi pwede! Pag sinabi ko, 'yun lang." Bigla akong napaisip. Wait, wait.

"Crush mo ba si Miguel?" I narrowed my eyes at him. Oo, tama! May gusto siya kay Miguel kaya ayaw niya kaming laging magkasama. Alam ko na rin sa wakas ang tinatago niya.

"What?!"

"Ano ka ba sister! Ayos lang 'yan. Pwede ko naman sa 'yong i-share si Papa Migs kung gusto mo." Hindi lubos akalain na may dugong berde pala sa Montemayor. Bongga!

"Tumigil ka nga! Ano tingin mo sa akin? Bading? Baka gusto mong gahasain kita dito." Bigla naman akong natigilan. Si Miguel lang ang pwedeng gumahasa sa akin, at gaganti ako kapag ginahasa niya ako! Gagahasain ko rin siya para fair.

"Ewan ko sa'yo." Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng van.

"Bakit ang tagal n'yo naman sa loob?" Tanong ni Brent, isa sa mga teammates niya. Kilala ko na kasi lahat ng teammates niya.

"May bigla kasing may tumawag sa phone kaya hindi ko agad nagising si Marquez." Biglang sabi ni Greg sa likod ko. Inakbayan pa niya ako at ngumiti sa mga teammates niya. Nasaan na ba si Miguel?

"Raisse." Agad kong tinanggal yung pagkakaakbay ni Greg sa akin. Lumapit ako sa kanya. Baka mamaya magselos pa siya. Alam mo na, nag-iingat lang. Mamaya bigla siyang makipag-divorce sa akin.

"Saan ka nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko sa kanya.

"Ah, tumulong lang ako magbuhat ng mga gamit." Ngumiti siya.

"Bakit? Miss mo na agad ako?" Wala sa sarili akong napangiti. Kinikilig ako!

"Nagbibiro ka siguro." Painosente kong sabi. Pero kinikilig talaga ako.

"Bakit naman ako magbibiro? Ikaw nga na-miss agad kita." Sabi pa niya. Konti na lang talaga, konti na lang at magtatatalon na ako.

"Ikaw talaga." Pasimple kong pinisil ang pisngi niya. #Damoves102

****

"Sinu-sino ba magkakasama sa kwarto?" Tanong ni Cedric.

Sampu silang miyembro ng team, at lima lang ang may dalang babae. Bali fifteen kaming lahat. Dalawang van din ang dala nila kasi marami kami.

"Si Raisse kasama ko sa kwarto." Bigla akong nagulat ng magsalita si Miguel. Lahat nakatingin sa kanya pati na rin ako. Seryoso ba siya?

"Kung ayos lang kay Raisse." Dagdag pa niya. Agad akong natigilan. Wala sa sarili akong napatingin kay Greg na nakatingin din sa akin. Masama ang tingin niya at hindi maipinta ang mukha niya, magkasalubong din ang mga kilay niya tanda na naiinis siya o naiirita. Baka kasi magalit siya, ayos lang sana kung—Wait, bakit ko ba iniisip ang magiging reaksyon niya? Pakielam ko ba sa kanya.

"A—Ayos lang naman." Sabi ko.

"Good, so lahat ng may date magkakasama sa iisang kwarto. Kayong apat, parehas naman kayong mga lalaki kaya magsama sama na lang kayo." Sabi ni Glenn.

Napatingin ulit ako kay Greg. Laking gulat ko ng naghahalikan sila ni Gwen. Nag-iwas ako ng tingin lalo na ng nagmulat ng mata si Greg. Nakatalikod sa akin si Gwen at si Greg ang nakaharap, kaya nagulat ako ng tumingin siya sa akin. Parang may gusto siyang iparating.

****

"Miguel, h—hindi ka ba naiilang?" Tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng pagak.

"Bakit naman ako maiilang? Nakita mo na naman ang katawan ko dati di ba?" Sabi pa niya. Kakaligo niya lang kasi ngayon at topless siya. Nagpupunas siya ng towel at ibinabalandra niya yung abs niya sa akin.

"K—Kasi babae ako." Sabi ko na lang. Hindi ko kasi maalis ang tingin ko sa katawan niya. Tumawa ulit siya ng mahina.

"Raisse, maiilang ka lang sa katawan ko kung may pagnanasa ka. Tell me, do you like me?" That made me stop. Napatingin ako sa kanya at sinalubong naman niya ang mga tingin ko. I gulped the lump in my throat.

"A—Ano." Hindi ako makasagot sa tanong niya.

"Tell me, do you like me too?"

I was stunned.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now