Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi kita kayang lokohin." Napatigil ako sa sinabi niya.

"B—Bakit mo naman nasabi 'yan?" I gulped the lump in my throat.

"Wala lang. Free ka ba next week?" He suddenly asked.

"Captain, una na muna ako sa'yo. Hintayin na lang kita." Saglit kaming natigilan sa pag-uusap ng magpaalam si Dana. Tumango lang ako.

"Hindi naman." Depende na lang kung may iuutos sa akin si Prinsipe Greg.

"Good. Isasama sana kita sa outing ng basketball team." Bigla akong nagulat sa sinabi niya.

"Miguel, ano kasi—"

"Please? Ikaw lang ang gusto kong isama. Lahat kasi sila may date at ako wala." Napalunok ako. It means, date? Ako ang date niya?

"I—Ilang araw ba 'yan? Baka pagtripan lang nila ako." Napayuko ako. Nadala na kasi ng ugali ni Greg ang mga teammates niya sa pambubully sa akin. Pati rin sila pinagtitripan na ako at ayoko namang magpatalo kaya mas lalo lang nila akong pinatulan.

"I won't let them to touch my girl." Napaangat ako ng tingin sa kanya at doon ko nakita ang kasigaruduhan sa sinabi niya.

"Marquez!" Nagulat ako ng biglang lumapit si Greg sa amin. Nakakunot ang noo niya na lumapit sa amin.

"May pag-uusapan tayo." At bigla niyang hinablot ang braso ko at hinatak ako palayo sa gym.

"Ano?!" Bakit ba sa tuwing moment namin ng Miguel ko sumusulpot itong hinayupak na 'to?

"Ano bang problema mo hah? Hindi ka magpaparamdam ng apat na araw, tapos hahatakin mo na lang ako kung saan? Alam mo bang hanap ako ng hanap sa'yo kasi akala ko namatay ka na? Pero ano? Hindi mo ako pinansin. Tapos ngayong kausap ko si Miguel lalapit lapit ka? Ano ba talaga problema mong gago ka?!" Nakakabwisit lang. Pagkatapos niyang hindi magparamdam at iwasan ako ng apat na araw, hahatakin na lang niya ako bigla bigla? Nakakainis na siya!

"Bakit na-miss mo ba agad ako?" Sabi niya ng nakangisi. Walang pag-aatubiling sinakal ko siya.

"ACHK—Hindi—ako—makahinga!"

"Dapat lang sa'yo 'yan! Bwisit ka!" Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at isinandal ako sa pader. Naaamoy ko at naririnig ko ang paghinga niya dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang mga mata ko sa mata niya. Tinitignan lang namin ang isa't isa na para bang matagal kaming hindi nagkita at nagkasama.

"I am sorry babe for not seeing you these past few days. Gwen is really jealous when I'm with other girls, so don't cry okay?" He smirks and wiped something in my cheek. Doon ako natigilan. Agad ko siyang tinulak ng malakas. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ako naiyak! At bakit kita iiyakan?!"

"Hindi? Ano yung pinahid ko sa mukha mo? Laway mo?" Tumawa siya.

"It's okay babe to admit that you have a crush on me or some romantic feelings. I could bring you in a trysting place if you want, with no doubt." Then he winked. Lumapit ulit siya sa akin at inakbayan ako.

"Nagpa-good vibes muna ako sa girlfriend ko kaya hindi kita madalas utusan. Pero parang may nakalimutan ka ata habang wala ako." Sabi niya. Pinilit kong tanggalin ang braso niyang naka-akbay sa akin.

"Pwede ba?! Lumayo layo ka sa akin!" Sabi ko.

"Tsk. Di ba sabi ko akin ka lang? Bakit kasama mo naman si Miguel! Ano? Nililigawan ka na niya? Kayo na ba?!" Biglang nagbago yung itsura niya.

"Pakielam mo ba? Ikaw nga hindi nagpakita sa akin ng apat na araw tapos bigla ka na lang susulpot. Ano ngayon kung kami na?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"May usapan tayo di ba?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Ano ba ang problema niya kung magkaroon ako ng boyfriend?

"Wait nga! Ano ba problema mo kay Miguel at ayaw na ayaw mo akong lalapit sa kanya?!" Sigaw ko rin sa kanya. Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Mayroon bang mali kay Miguel?

"Basta! Ayokong siya ang gawin mong boyfriend!"

"At sino ang gusto mong gawin kong boyfriend? Ikaw?" Bigla siyang humarap sa akin na mayroong ngisi sa mukha.

"Sure, why not? Pwede ka rin na namang pagtyagaan." He said then he looked at my chest. I gave him a deadly glare.

"Hindi na ako natutuwa sa'yo Montemayor." Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa gym pero hinablot niya lang ang braso ko at iniharap ulit sa kanya.

"Sorry." He said sincerely.

"Forgiven." I crossed my arms.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Tinignan ko siya ng pataray para may effect. Kunwari pinapagalitan ko kasi hindi umuwi ng maaga at nagbulakbol sa labas.

"I want you to go with me next week." Napataas ang kilay ko. Hindi pwede! May date kami ni Miguel ko next week at first date namin 'yon kaya hindi pwedeng palagpasin!

"At saan naman?" Tanong ko.

"Basta! Sumama ka sa akin next week." Determinado niyang sabi.

"Hindi pwede, at bakit hindi si Gwen ang isama mo? Tutal naman siya ang latest mo di ba?" I mocked him.

"Sumunod ka na lang! At bakit hindi? Akin ka di ba?"

"Ang kapal naman pala talaga, at paano ako naging sa'yo mister? Wala pong nagmamay-ari sa akin kung hindi ako lang, pero kung offeran ako ni Miguel why not di ba?" Nagbago na naman ang mukha niya ng banggitin ko ang pangalan ni Miguel.

"Sasama ka sa akin, no matter what."

"Hindi ako sasama sa'yo, yes matter what!" Nagsukatan kami ng tingin.

"Aish! Wala akong ka-date next week at gusto ko ikaw ang kasama ko doon! Hindi mo ba ma-gets 'yon?!"

"Bakit nga kasi ako, eh hindi naman ako ang girlfriend mo?!"

"Kasi nga ikaw ang gusto ko isama doon dahil mas kumportable ako sa'yo, hindi pa ba malinaw sa'yo 'yon?! Sayo lang ako nagkakaganito, sa'yo lang!"

Ano raw?

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon