"I—Iiwan mo ako, a—alam ko." Hindi ko alam kung malungkot ba siya o hindi.

"Montemayor, hindi kita iiwan. Aalagaan kita, babantayan hanggang sa gumaling ka, okay? Kaya magpahinga ka na. Babantayan kita. Kung gusto mo hawakan mo pa ang kamay ko para hindi ako umalis." Sabi ko.

"S—Sige." Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at ipatong iyon sa dibdib niya. Hawak niya iyon ng mahigpit na tipong ayaw akong pakawalan. Ipinikit na niya ang mga mata niya at wala pang ilang saglit ay nakatulog na siya. Pinagmasdan ko ang buo niyang mukha. Sayang, kung katulad lang siya ni Miguel. Siguro matagal na akong patay na patay sa kanya. Gwapo naman kasi talaga siya. Siya nga ang unang nakakuha ng atensyon ko ng unang araw ko sa school noon kasi blonde pa yung buhok niya at akala ko foreigner siya kasi talagang ang gwapo niya. Pero nang makilala ko siya, doon ko napatunayan na may sa demonyo talaga siya. Hangang sa naging hobby na niya ang asarin, kulitin, galitin, at yayain ako ng mag-sex.

Lumaban ako sa kanya, hindi kasi ako pinalaki ng nanay ko na mahina at kawawa. She raised me very well. And the first thing is, to be tough. Ang karaniwang babae ay mahina at walang laban sa mga lalaki. Pero ako hindi, I won't let men to ruin me. Na paglaruan lamang ang mga babae. We don't deserve that. We deserve to be loved. Pero hindi iyon ang itinatak ko sa isipan ko. I need to be strong, because I am Raisse Miracle Marquez.

Nagising ako ng makaramdam ako ng pangangalay. Hindi ko na kasi namalayan na nakatulog na ako kagabi na ganito pa rin ang posisyon. Nakaupo ako sa isang upuan habang binabantayan siya. Baka kasi bigla siyang magising ulit katulad kagabi at parang nananaginip. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya marahan kong hinaplos ulit ang buhok niya at huminahon siya. Paano kaya kung wala ako? Siguro kung ano na ang nangyari dito sa mamang 'to. Mahigpit pa rin ang hawak ni Greg sa kamay ko kaya dahan dahan ko itong tinanggal. Mahimbing pa rin ang tulog niya at bumaba na rin ang lagnat niya. Marahil ay napagod siya sa sunod sunod na practice para sa darating na National Tournament kaya siya nagkasakit. Ilang weeks na lang kasi at NT na ng iba't ibang school.

It's tuesday at may pasok ngayon. Pero mukhang hindi na rin ako makakapasok dahil wala naman akong dalang damit ni isa at alas siyete na ng umaga. At kanina pang six thirty ang pasok ko. Napagpasyahan kong ipagluto siya ng sopas. Mabuti raw na pakainin ang taong may sakit ng may sabaw at makakagaan agad iyon sa pakiramdam. Marunong akong magluto 'non dahil nagtrabaho ako sa isang karinderya sa probinsya noong nasa high school ako. 

Eksaktong ala siyete y medya na ng umaga ng matapos ako sa niluluto ko. Bumili rin ako ng tinapay sa baba para kapares ng sopas. Kaylangan niyang magpahinga ng maigi para mawala ang lagnat niya, iyon lang ang sagot doon.

Nadatnan ko siyang mahimbing pa rin na natutulog ng pumasok ako sa kwarto niya. Hinipo ko ang noo niya kung may lagnat pa siya, pero mukhang sinat na lang iyon.

"Montemayor." Marahan kong tinapik ang pisngi niya upang gisingin siya. Mababa na ang lagnat niya at alam kong kaya na niyang tumayo mag-isa pero kaylangan pa rin niya ng suporta.

"Montemayor, gising na uy. Sige ka, may lalabas na bading sa ilalim ng kama mo at kakainin 'yang 'pare' mo." Gusto kong matawa sa sarili ko. Para na akong baliw dahil sa Montemayor na 'to. Minsan pala nakakaaliw mag-alaga ng may sakit.

"Montemayor, isa. Pag hindi ka gumising huhubaran kita." Laking gulat ko ng bigla siyang nagmulat ng mata at ngumisi.

"You have my permission." He said in a husky voice. I gulped. What the heck? Bakit gising na siya!

"B—Bumangon ka na nga! Kanina pa ako salita ng salita dito tapos gising ka naman pala!" Nakakainis. Kung anu-ano tuloy ang nasabi ko dahil sa lalaking 'to.

Bumangon naman siya at ngumiti sa akin ng pagkaluwag luwag.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"Yes." Kaswal niyang sagot habang marahan na tumango.

"Hindi ka ba nasusuka o nahihilo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Pero medyo nahihilo ako, but I'm feeling better." He said.

"Sige na, tara na sa labas. Ipinagluto kita." Nakita ko naman ang pagguhit ng ngiti sa mukha niya. Ang ganda ata ng gising nito ah?

Lumabas na ako ng kwarto niya at siya naman ay dahan dahan na umupo sa harap ng lamesa. Ako na ang naglagay ng sopas sa tasa niya.

"Mabuti 'yan sa may sakit. Nakakawala agad ng lagnat, kaya kumain ka na. May tinapay din diyan kung gusto mo." Inilapag ko na sa harap niya ang tasa at agad naman siyang kumain.

Hindi ko pa nauubos ang isang tasa ng sopas pero siya nakadalawa na. Napangiti ako ng wala sa oras ng makita siyang mapaso dahil sa sunod sunod na subo.

"Ayan kasi hindi nag-iingat. Ito oh, uminom ka." Iniabot ko sa kanya ang isang basong tubig. Para kasing mauubusan ng sopas. Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. Seriously? Ano ang meron at bakit parang ang ganda ng gising ng Montemayor na 'to?

"Oh, inumin mo ito. Para tuluyan ng mawala ang lagnat mo. Sa susunod kasi, 'wag masyadong magpapagod okay? Para hindi mabugbog 'yang katawan mo. Paano na lang kung wala ako? Di namatay ka na? Haynako. Dapat inaalagaan mo rin ang sarili mo." Sabi ko sa kanya sabay abot ng paracetamol at isang basong tubig. Kakatapos lang kasi naming kumain at pinagpahinga ko lang siya saglit.

"Salamat." He said.

"Himala, nagpasalamat ka? Akala mo naman libre lahat ng 'yon. May bayad lahat 'yun!" Sabi ko sa kanya.

"I mean, salamat dahil nandito ka. Hindi ka umalis. Binantayan mo ako at inalagaan. This is the firstime na nangyari sa akin ito and I'm really glad that you're here." He said.

"Bakit may magagawa pa ba ako? May atraso ako sa'yo at kunsensya ko na lang kung mamatay ka." Dahilan ko na lang sa kanya. Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko." That made me stop. Nandito na naman ang pamilyar na pakiramdam sa dibdib ko. Parang kinakabahan ako sa mga sinasabi niya dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"N—Nagkasakit ka lang, naging ganyan ka na." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi parang may mali sa nararamdaman ko. Parang gusto ko siyang sapakin.

"O siya, sige na. Uuwi na ako. Pahinga ka, okay?" Ngumiti ako sa kanya at tsaka dinampot ang bag ko. Papalabas na sana ako ng unit niya ng bigla niya akong pigilan.

"Akala ko ba hindi ka aalis sa tabi ko? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?"

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now