"Greg! Gumising ka! Alam kong gusto na kitang mamatay pero 'wag naman ngayon. Paano kung ako ang pag bintangan nila? Paano kung sabihin na pinatay kita? Gumising ka!" Niyugyog ko ulit siya at pinagtatampal sa mukha.

"Mouth to mouth mo ako." Narinig ko siyang nagsalita. Bigla akong natigilan.

"Ano'ng sinabi mo?" Tanong ko habang nakanunot ang noo.

"Mouth to mouth mo ako, para magising ako." Nanlaki ang mata ko. Niloloko ba ako ng gagong 'to? Bigla siyang nagmulat ng mata at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"Nahawakan mo yung abs ko, ano feeling?" Walang pag-aatubiling dinaganan ko siya at pinagsasasakal.

"Hayop ka! Akala ko mamamatay ka na! Akala ko totoo na ang lahat! Siraulo ka!" Sinakal ko siya ng todo dahil gigil na gigil talaga ako sa pagmukukha niya.

"T—Tulong!—ACHK—Rape!" Sigaw niya pa.

"Rape? Hayop ka! Papatayin na kita!" I screamed and he died.

****

"Captain!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Dana. Papunta kasi ako ngayon sa volleyball room dahil mayroon kaming practice ngayon.

"Oh, bakit?"

"May balita ako sa'yo!" Sabi niya. Sumabay siya sa akin ng paglalakad. Kakatapos lang din siguro ng klase niya.

"Ano na naman 'yan?" Tanong ko.

"Hindi mo alam? Yung kay Greg? Di ba lately lagi kayong magkasama?" She said. Ano bang mayroon sa manyak na 'yon? Pakielam ko ba dun. Pagkatapos niya akong paglaruan noong isang araw. Bwisit siya!

"May nabuntis na siya? Ano? Sino ang malas na babae na naanakan niya?" Tanong ko.

"Hindi Captain, girlfriend na niya yung bagong transfer sa CAS building!" Hah? May bago bang transfer sa building namin? At ano bang pakielam ko kung may girlfriend na siya, ulit?

"Oh? Ano gagawin ko? Magtatalon sa CR, kakain ng bubog, o hihithit ng katol?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang taray mo naman, Captain. Sinasabi ko lang sa'yo para updated ka." Wala naman akong pakielam sa buhay ng manyak na 'yon.

"Bakit, sino ba ang malas na babae na biktima niya ngayon?" Tanong ko. Hindi ko kasi kilala yung babaeng tinutukoy niya na kakalipat lang sa CAS.

"Akala ko ba wala kang pakealam?" Tanong niya.

"Bakit masama ba?" Curious kasi ako kung sino ang babaeng 'yon.

"Si Gwen Lim." Bigla akong napatigil sa paglalakad. Wait, wait. Lim?

"Huwag mong sabihin yung anak ng isang heneral?" Tanong ko. Kilala si Gwen Lim dahil na rin sa ama niya na isang heneral at sa pagiging maganda niya. Anak siya ni General Julio Lim. Nakilala ko silang mag-ama sa isang conference na dinaluhan ko nang ipinadala ako ng school doon para maging representative.

"Bagay nga sila Captain. Maganda si Gwen at gwapo si Greg. Tsaka parehas silang G ang sweet 'no?" Ngumisi ako. Good luck sa kanya! Sana makarma siya kay Gwen.

Papaliko na sana kami sa volleyball room ng may biglang umakbay sa akin at walang pag-aatubiling hinatak ako sa papasok sa basketball room.

"Ano na naman ba ang problema mo Montemayor?!" Nandito kami ngayon sa loob ng basketball room kasama ang mga teammates niya na mga nakahubad pa. Naghiyawan pa sila! This is really war. Kung ang ibang babae ay pinapangarap na makapasok sa basketball room para makita ang mga hubad na katawan ng basketball players, ako hindi!

"Captain, bakit barako ang dinala mo dito? Baka silipan tayo niyan!" Sigaw nung isa niyang ka-teammates. Naghagalpakan sila ng tawa. Tinignan ko ng masama yung lalaking nagsabi 'non.

"Don't worry guys, wala namang mawawala sa inyo." Sabi ni Greg. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to eh.

"Kung mang-aasar lang kayo, aalis na ako!" Tumalikod na ako pero hinatak niya ulit ako at ni-lock ang pinto ng basketball team. Nanlaki ang mata ko! Don't tell me they will rape me? No!

"May ipapagawa ako sa'yo." Sabi niya. Ito na ba yung part na sasabihin niya na hahalikan ko siya sa lips pababa sa neck, sa chest, sa abs, sa—No! Ayoko, hindi ko gagawin 'yon!

"Ayoko! Isusumbong ko kayo sa Gabriela, sa office, o sa nanay ko!" Tinulak ko si Greg. Puro pagtataka ang nasa mukha nila.

"Sa tingin mo gagahasain ka namin? Seryoso ka Marquez?" Bigla silang nagtawanan kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. Nagulat ako ng may biglang lumapit sa akin at akbayan ako and oh—my! It's my Miguel na ngayon ay walang suot na pang-itaas at tanaw na tanaw ko ang abs niya at and happy trail niya na sobrang sexy! Biglang nag-init ang buo kong katawan lalong lalo na ang mukha ko.

"Natural lang naman na isipin niya na gagahasain natin siya kasi puro tayo lalaki dito at mga wala pang saplot sa katawan. Kaya 'wag n'yo siyang pagtawanan." Bigla akong nakaramdam ng kakaibang feelings. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng tumingin siya sa akin at ngumiti.

"May gusto ka ba sa kanya Miguel?" Biglang tanong ni Greg sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng tumingin siya sa akin at ngumiti ng pagkalawak lawak.

"Ano Miguel? May gusto ka ba sa kanya o wala?" Naiiritang tanong ni Greg sa kanya. Napatigil ang mundo ko sa magiging sagot niya. 

"Paano kung sabihin kong, Oo?" Halos mabingi ako sa narinig ko to the point na wala na akong ibang marinig kung hindi ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sagot niya. Gusto kong sumigaw at magtititili at sa sobrang kilig. Gusto kong namnamin ang pagkakadikit ng mga katawan namin. Ang mainit niyang katawan sa hot kong katawan. I could imagine that we are holding each other hand habang naglalakad sa isang park o kaya namamasyal sa mall na parang mag boyfriend-girlfriend pero mas level up ang aking imagination dahil naiimagine kong mag-asawa kami at may mga anak pa kami. Kinikilig ako! Pero biglang naputol ang lahat ang moment namin ni Miguel ng biglang tanggalin ni Greg ang pagkaka-akbay nito sa akin at siya naman ang umakbay sa akin and worst mas inilapit niya pa ang katawan niya sa akin na tipong ayaw akong pakawalan.

"Well, hindi muna siya pwede mag-boyfriend dahil sa akin siya ngayon. Ako lang ang pwedeng humawak, makipag-usap, makasama at makapiling niya." Diretso niyang sabi at lahat ng teammates niya ay nakatingin lang sa kanya.

"Well, I'll make sure na sa akin siya mapupunta pagkatapos mo sa kanya." Nakangiting sabi ni Miguel. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o hindi pero pinapangarap kong sana ay totoo ang sinabi niya dahil walang pag-aatubiling sasama ako sa kanya at bibigyan siya ng masayang pamilya. Oh Miguel ko!

"It won't happen bro, it will not. I assure that." May kompyansang sabi ni Greg. Nagkatinginan silang dalawa at parang magkaaway na bigla na lang magsusunggaban.

Bumalik ang lahat sa realidad nang may biglang babae ang nagsalita sa likuran namin.

"Greg."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now