Chapter 1: Ang Paglipat ng Tirahan

Start from the beginning
                                    

"Nagtanong ka na, pero sige. Bilisan mo dahil manonood pa'ko ng favorite TV show ko", sagot ni Asra na nakataas ang kilay.

"Ahm... nakikita ko hong may kusina sa banda ninyo. Meron din'g mesa kung saan uupo ang tao para kumain. Nakita ko pong wala rito sa parte ko, so..."

"So... ano"?

"Pwede po bang..."

"Hindi! Hindi ka pwedeng lumagpas sa parte ko, uulitin ko, hindi ka pwedeng lumagpas sa parte ko. At wag mo akong hino 'ho, opo, 'po dahil palagay ko magka-edad lang tayo. Ilang taon ka na?"

"22 ho".

"Kita mo na? Mahiya ka naman, 21 palang ako hinoho mo na ako."

"Eh kasi ho, kung makaasta kayo, para kayong ale."

Sasapakin sana ni Asra si Kari.

"Wag po"!

"Anong wag po! Wag ka ngang O.A! Baka sabihin ng mga kapitbahay na niri-rape kita. Bueno, kung may problema ka sa parte mo, eh di bayaran mo na ang kulang sa bahay para ikaw na ang maghari rito. Kung wala ka pa namang ipambabayad, pwes... magtiis ka", wika ni Asra pero nag-lockjaw ang kanyang bunganga. "A---a---arhay... Arhay... talangan ma 'ka (tulungan mo 'ko)".

"Hay... Mabunganga kasi", at tinulungan ni Kari ang dalaga para ma-ibalik sa normal ang bunganga.

"Salamat. Pero wag ka paring lalagpas ng parte ko. Naiintindihan mo"?

"Yes ma'am".

"Yes ma'am ka diyan. Isa pa, pasalamat ka at nagtira ako ng upuan sa parte mo. Okay? Manonood na 'ko ng TV. Bahala ka na diyan".

Lumakad na papuntang sala si Asra pero bumalik. "Teka, heto pala ang susi mo sa bahay. At isa pa, cute ng aso mo".

"Siyempre. Kamukha ng amo eh", biro ni Kari.

"Che! Aso lang ang sinabi ko. Puro ka sabat. Makanood na nga ng TV".

Ilang saglit pa'y nanonood na ng TV si Asra, habang nakaupo na rin si Kari sa iisang upuan niya at hinuhubad ang kanyang sapatos.

Habang nanonood ng palabas si Asra ay napansin niyang tawa ng tawa si Kari sa likuran niya. Nang nilingon niya si Kari ay nakikinood ito sa TV niya. Kaya agad niya'ng sinapawan ang panonood ng binata sa pamamagitan ng paglipat ng upuan.

"Ha", at lumipat ng pwesto si Kari para makapanood ulit sa palabas ng telebisyon ni Asra.

Narinig na naman ni Asra ang tawa ng binata kaya sinapawan niya ulit ito. Lumipat na naman ng pwesto si Kari. Nang marinig ulit ni Asra ang tawa ng binata ay napatayo siya at hinarap ito ng may nakatagpong kilay. Napayuko naman si Kari.

"Nanonood ka ba sa TV ko", tanong ni Asra sa nakayuko'ng binata.

"Nakikinood lang, ang damot mo naman. Hindi naman ako lumagpas sa parte mo ah".

"Anong hindi? Lumagpas ang paningin mo sa parte ko!"

"Eh lumagpas din naman ang bunganga mo sa parte ko ah".

"Subukan mong lumapit sa borderline at ipapakain ko sa'yo 'tong kamao ko sa bunganga mo! Bwesit! Bumili ka ng sarili mo'ng TV", inis na wika ni Asra.

"Madamot".

"Che". Agad na pinatay ni Asra ang TV at pumasok na ng kanyang kwarto pero hindi masyadong sarado ang pinto.

"Damot ng babae'ng ito. Lolo naman. Bakit ito pa yung bahay na binili mo. Higit pa sa multo ang nakatira rito."

"Apo... pagtiyagaan mo na'yan... magandang bahay yan at tama lang ang presyo."

"Lo? Bakit parang boses babae kayo? Lo? Kaw ba talaga yan? Lo", pagtataka ni Kari na nanindig ang mga balahibo sa takot.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now