"It's up to you, Ms. Marquez. Scholarship mo o ang walong oras na pagiging maintenance." Ani ni Dean. Lalo akong nanghina. Ayoko namang mawalan ng scholarship. Ayokong madissapoint sa akin ang Nanay ko na siyang naghihirap at nagtataguyod sa akin.

Muli akong huminga nang malalim tanda nang pagsuko ko. Padabog kong kinuha ang uniporme at magalang na nagpaalam sa Dean. Sakto namang pagkalabas ko ng office ng Dean ay namataan ko si Montemayor na nakasandal sa pader na mayroong ngisi sa labi, pero mas lalo lamang siyang ngumisi ng dumako ang mga mata niya sa hawak kong uniporme.

"Nice." Nang-aasar niyang saad. Uminit naman agad ang ulo ko.

"Ginagawa mo rito?!" Inis kong bulyaw sa kanya.

"Wala lang. Gusto lang kitang makita, masama ba?" Nakangisi niyang tanong. 

"Leave me alone, Montemayor." Mariin kong giit at agad siyang tinalikuran. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang magsalita siya.

"I really love,  Dean Inquillo."

Agad na nagpantig ang mga tenga ko. Unti-unting pumasok sa isipan ko ang paglabas niya kanina sa office ni Dean bago ako pumasok. Dahan dahan ko siyang nilingon at halos maiyukom ko ang mga palad ko sa uniporme kong hawak dahil sa sobrang inis.

"Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito?!" Galit kong sigaw sa kanya. Lalo naman siyang ngumisi at maya-maya lang ay bigla na lamang siyang humalakhak.

"Nadali mo, Marquez!" Humahalakhak niyang sabi. Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa kanya at agad siyang sinapak sa mukha. Napatumba siya sa ginawa kong iyon at hindi pa ako nakuntento't tinadyakan ko pa ang pare niya. Napahiyaw siya sa sakit sa ginawa kong iyon.

"Demonyo ka talaga! Gaganti ako sa'yo, tatandaan mo iyan!" Galit na galit kong sigaw sa kanya at tsaka siya tinalikuran ng may kaunting ngiti sa labi.

Nakaramdam ako ng gutom sa paglilinis sa comfort room ng mga babae. Iyon muna kasi ang inutos sa akin ng maintenance na linisin ko bago ang sa boys. Hirap na hirap ako sa paglilinis lalo na't maya-maya ang labas pasok ng mga nagbabanyo. Napapatingin ang iba sa akin at ang iba naman ay pinagtatawanan ako. Ang iba naman ay dedma lang sa presensya ko.

Naghugas muna ako ng kamay sa sink ng matapos ako. Nadatnan ko naman si Aling Karmen na nag-momop sa labas. Agad akong lumapit sa kanya.

"Aling Karmen, sabing ako na ho ang bahala sa mga gawain n'yo ngayon. Magpahinga na lamang po kayo." Magalang kong sabi kay Aling Karmen.

"Ikaw talagang bata ka, oo. Kaya ko naman itong simpleng gawain na ito. Parang hindi ko na ito ginagawa sa loob ng labing dalawang taon. Ito na nga ang nakapagpatapos sa mga anak ko." Medyo nakatawang sabi ni Aling Karmen. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Trabaho ko ito ngayon Aling Karmen. Kaya ako dapat ang gumagawa nito. Sige na ho, magpahinga na kayo roon sa maintenance office." Sabi ko at tsaka ko kinuha ang hawak na mop ni Aling Karmen.

"O siya sige, basta't kumain ka pagkatapos mo riyan, maliwanag?" Saad niya. Tumango lamang ako bilang sagot.

Umalis na si Aling Karmen at pinagpatuloy ko lamang ang pag-momop niya. Nang sumapit ang break ko ay agad akong nagpahinga at nagpasyang sa cafeteria na lang ng Uniberaidad kumain. Maraming tao roon at halos lahat ng mga mata nila ay napapatingin sa akin. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin eh sa dyosa ako. Ikaw ba naman ang makakita ng dyosang bumaba sa lupa para kumain lang. Hindi ba?

"Isang order nga po ng sinigang at dalawang kanin, Ate Grace." Sabi ko sa tindera. Napatingin naman siya sa akin at halatang nagulat.

"O Raisse, bakit ganyan ang suot mo?" Gulat niyang tanong. Ngumiti lang ako bilang ako sa kanya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon