Chapter 50:HE'S AWAKE

Începe de la început
                                    

"Hindi ka ba nila pinaipainom ng tubig?"  nagtataka kong tanong kay Kuya at umiling naman siya. Lumingon ako sa likuran kung saan nakaupo ang ibang maiingay, nakakahiya sa kanila.

Ang iingay habang may pasyente dito. Hinanap ko si Jeline and I saw her beside her bestfriend.

Siniko naman ito ni Jeralyn nang makita niyang nakatingin ako sa kanila. Napaangat ito ng ulo na nakapatong sa balikat ni Jeralyn. Siguradong pagod na pagod ito.

"Bakit b---Ky?"  nagtataka niyang tanong sa'kin.

"Pinapainom niyo ba ito ng tubig?"

"Ah---"  nag-aatubili itong sumagot at sumulyap ng palihim sa doctor at nurses na chinicheck pa si Kuya.

"Pinapainom naman."  tumango naman ako bago sinulyapan si Kuya na inaayos ng nurse ang kanyang hospital gown.

"Paano, aalis na po kami. Mamayang alas onse, may pupuntang nurse dito at ibibigay ang gamot. Jake, 'wag kaligtaan ang gamot ha?" paalala nito kay Kuya saka tinapik naman si Kuya Jackson sa balikat.

Sabay-sabay kaming nagpasalamat sa kanya bago sila lumabas ng kwarto.

"Kuya, anong masakit sa'yo?"

"Wala naman baby sis, pero medyo kumikirot ang tagiliran ko."  nakangiti niyang sagot kaya napasimangot ako. Wala daw pero kumikirot tagiliran niya. Masakit pa rin 'yon.

"Tol, I'm so happy na nagising ka na. Sobrang nag-aalala kami sa'yo."  singit ng boyfriend ko at tinapik ng mahina sa balikat si Kuya Jake.

"Salamat tol. Pero asan sina Philip at Ryan?" tanong niya kay Melvin habang nakakunot-noo.

"Bumili lang ng pagkain, kanina pa kasi nagrereklamo itong iba dito." sagot ni Kuya Jack na katabi si Lara(Thunder Lady).

Pagkarinig ko sa word na 'pagkain', biglang kumulo tiyan ko. Kaya natawa itong dalawang lalaki na nakarinig.

"Gutom na ang alagang dragon mo princess."  natatawang saad ni Melvin pangit kaya napanguso ako sa sinabi niya.

"Kagabi last kain ko eh."  reklamo ko at napahawak sa tiyan ko. Yes, morning na ngayon. Kaya gutom na gutom na ako.

"Mamaya, makakain ka na. Tiis lang muna baby." tumango lang ako kay Kuya Jack at tumitig kay Kuya Jake.

---

*Jake POV*

"Bakit baby?"  taka kong tanong sa baby sis namin nang tinitigan ako ng mariin. Iyong titig niya, parang may gustong itanong pero nagdadalawang-isip siya na magsalita.

"What is it?" tanong ko ulit nang 'di pa rin siya nagsasalita. Tiningnan ko si Boss Jack at na-gets naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumayo siya at sinenyasan ang mga babaeng nakaupo sa couch na mga underlings nitong makulit na nasa tabi ko.

"Love, labas muna kami ha?" –l napalingon naman ito kay Melvin at tumango.

"So, anong itatanong mo?"  untag ko sa kanya at bumuntong-hininga ito bago nagsalita na ikinagitla ko.

"About your losing sister." seryosong tanong niya at nakatitig sa'kin. 'Di ko mabasa ang expression niya. Blangko.

"H-how about her?"  nauutal kong tanong. Biglang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko ang kapatid ko.

Ang princess namin.

"I want to know about her. I'm sorry kung inungkat ko ang tungkol sa kanya Kuya. Please, 'wag kang magagalit. I just want to know about her."  mahaba niyang paliwanag. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"No, hindi ako magagalit sa'yo. Kahit kailan, 'di ako magagalit sa'yo. Tandaan mo 'yan." nakangiti kong sabi at tinapik ang nasa tabi ko, kaya dali-dali naman itong umakyat sa kama at umupo sa'king tabi.

"Anong gusto mong malaman?"  tanong ko. Yumakap siya sa'kin bago nagsalita. Imaginin niyo nalang kung anong posisyon namin. Magkatabi kami at nakayakap siya at inakbayan ko naman siya.

"Hmm, mula umpisa. Noong ipinanganak siya."

Bumuntong-hininga ako at napangiti nang maalala ko noong ipinanganak siya ni mama. My baby sister. Our angel.

----

I JUST WANT TO SAY THANK YOU TO:

GORG_AVA @Goliath1234 @FrincessAllenManlapaz @PrincessdelaCruz753 @Alleyses @Beastprend  @ChristineBroce @ejgironella21 @MariaElenaN aoe@Rosevie20  @rosemariedabalo  @GinaYermo  @ladyagape10  @ChristineDuenas @ClarissaClado  @jhonadu42

THANKS FOR ADDING MGS to your RL guys. LOVELOTS!

ENJOY READING!

- ATE MAE

MY GANGSTER STALKER 1 (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum