CHAPTER 1

1.3K 46 15
                                    

Manhid ang pakiramdam ni Shirley buong biyahe. Lumilipas lamang ang mga tao sa kanyang paligid. From time to time Sebastian would ask if she's okay and her only response is a lifeless nod.

Hindi niya lubos maisip na totoo ito'ng nangyayari. She's leaving Manila with her long-lost mother and her adopted son, Sebastian Agoncillo. Patungo sila sa lugar na hindi pamilyar sa kanya. Ni hindi niya alam kung ano'ng klaseng buhay ang nag-aabang para sa kanya doon.

Inalis niya ang tingin sa labas ng bintana ng eroplano. This is her first time to ride an airplane. Hindi man lang niya iyon ma-enjoy dahil sa butas na tila nabuo sa kanyang puso na resulta ng mga nangyari.

She looked at her bracelet. Hinaplos niya ang bawat bead no'n at huminto lamang sa kaisa-isang bead na namumukod-tangi sa lahat. It's the only red colored bead among the black beads. Isang Chinese character ang nakasulat sa gitna no'n.

Graduation ni Drake ngayon. He's the batch's Valedictorian. She never doubted him. She never doubted that he will make it. Kaya kahit na angkinin niya ang kasalanang hindi naman siya ang may gawa, kahit na basura ang tingin sa kanya ng lahat dahil doon, kahit pisikal at emosyonal siyang nasaktan dahil doon ay wala na iyon ngayon.

She'll do everything for him. She'll do everything to protect him and his dreams. Dahil ang ikakasisiya ni Drake ang ikasisiya niya. Ang tagumpay nito ay tagumpay niya. Kaya kung siya ang magiging dahilan ng pagkalugmok nito ay siya na ang magkukusang lumayo.

Hindi niya matatanggap kung maging sa buhay ni Drake ay magiging pabigat siya. Tama nang naisumbat iyon sa kanya ng mabuti ng kanyang ama. Kung maging pagkawasak ni Drake ay sa kanya isusumbat ay baka hindi niya kayanin.

That's the reason why she agreed to leave. That's why she agreed to leave everything behind. Another reason is because she's so afraid to confront him. She's afraid to confront his wrath, his questions...his regret. For choosing someone like her.

Ang alam ng lahat ng nasa Maynila ay kasalanan niya ang nangyari kay Allie. Mahalaga si Allie para kay Drake. She's his first girlfriend. She's his friend. Kaya nga sa kabila ng lahat ng nagawa ni Allie kay Drake ay nagawang magpatawad ng huli. Kaya sa kabila ng lahat ng nagawa ni Allie ay handang-handa pa rin si Drake na protektahan ito.

Natatakot siyang hindi siya piliin ni Drake. Natatakot siyang mas paniwalaan nito ang sinasabi ng iba, ang pinaniniwalaan ng iba. Natatakot siyang muling makita ang galit sa mga mata nito na minsa'y masuyong tumitingin sa kanya.

And lastly, her another reason for leaving is because she wanted a second chance. Kung maaari nga lang na i-reformat ang kanyang buhay ay hindi siya mangingiming kunin ang pagkakataong iyon.

How she would want that. Iyong masayang pagkabata. Iyong kumpletong pamilya. Iyong normal na buhay. Iyong payapang kapaligiran kung saan lahat ng tao ay minamahal siya. Who wouldn't want that right?

Ngunit ipinagkait iyon sa kanya. Lahat ng iyon. Kaya napuno siya ng insecurities sa katawan. Kaya tuwing may magandang bagay na dumadating sa kanya ay napapaisip siya kung karapat-dapat ba siya para doon.

Kaya kahit ilang beses sabihin ni Drake na mahal na mahal siya nito ay hindi niya maiwasang mapatanong kung karapat-dapat ba siya doon. Dito. She's messed up and her life is so fucked up. While he lived a normal life ever since. A life she secretly dreamed for herself.

Pero hindi na mababago iyon. Hiwalay ang kanyang mga magulang at produkto siya ng isang broken family. Kapwa nagkaroon ng kanya-kanyang buhay ang kanyang ama't-ina habang siya ay naiwan mag-isa. Hindi alam kung saan dapat siya.

She can't change that. The only thing that she can change right now is how this life is going to be in the future. Gusto niya nang magpakatino. Gusto niyang tularan ang lahat ng itinuro ni Drake sa kanya. Gusto niyang maging karapat-dapat sa pagmamahal nito.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now