Chapter 37: Pagtanggap

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala kaming tinatago anak", sagot ni Leonora na umiiyak na.

"Buhay 'naman oh! Di naman ako galit sa inyo e. Tatanggapin ko po kayo ng bukal sa aking loob. Ama ko kayo e. Kahit ano'ng mangyari, ama ko ka'yo. Matagal ko'ng ninais na makumpleto ang pamilya'ng 'to, pero bakit kailangan niyo pa'ng itago? Hanggang kailan niyo ko gustong maghintay", maluha'ng sabi ni Kari sa ama.

"Anak, tama na. Umuwi na muna tayo", sabi pa ni Leonora na humahagulgol sa iyak.

Hindi na humarap si Alexis sa anak, nahihiya na siya'ng harapin 'to.

"Pa", tawag ni Kari.

"Patawarin mo 'ko. Patawarin niyo ko ng mama mo. Sana hindi na lang ako nagpakita", sabi ni Alexis.

"Bakit", tanong pa ni Kari.

"May pamilya na'ko sa Amerika", sagot ni Alexis sa anak.

Hindi nakapagsalita si Kari. Gumuho ang kanyang pangarap na mabubuo pa ang kanyang pamilya. Naramdaman niya ang bigat ng katotohanan'g hindi na sila pwede maging kumpleto. Bukod sa pagkawala ni Cherry, mawawala na rin sa buhay niya ang haligi ng tahanan. Napa-upo si Kari habang hindi maintindihan ang nararamdaman.

Akap-akap naman ang binata nina Leonora at Asra na umiiyak din.

At dumeritso na sa pag-alis si Alexis. Pumara ng taxi na pabalik sa kanyang hotel.

Na-videohan ni Tina ang eksena at iuupload niya sana sa youtube para ma ishare sa twitter pero napansin ito ni Jared.

"Burahin mo 'yan", saway ni Jared sa babae.

"Bakit"?

"Burahin mo 'yan o ikaw ang buburahin ko", tanong ni Jared kay Tina.

"Ito oh! Nabura na po", sagot ni Tina sabay alis papuntang kusina.

Habang patuloy pa rin ang malungkot na eksena sa mesang kina-uupuan nina Kari.

Sinuway rin nina Jared at Avery isa-isa ang mga customer na nakapagvideo sa nangyari sa loob ng restaurant.

"Respeto po! Tumigil po sa showbiz si Kari para magbalik bilang isang pribadong mamamayan. Sana idelete niyo po yung mga video'ng nakuha niyo. Makonsensya po kayo, kung may konsensya pa po kayo", saway ni Jared sa mga nagbabalak ipost sa social media ang kaganapan sa loob ng restaurant.

Habang pauwi ng hotel si Alexis ay dama'ng dama niya ang sakit na dinadama ngayon ng anak dahil sa pagkakilanlan niya bilang isang ama na hindi kayang gampanan ang pagiging ama sa anak.

Masakit sa kanya ang iwan ang anak na matagal ng nawalay sa kanya, ngunit hindi niya pwede'ng paasahin si Kari. Hindi'ng hindi na talaga mabubuo ang pamilya'ng pinapangarap ng anak.

Ilang oras ang lumipas, nagising na lang si Kari sa lungkot nang makatulog ito pagdating sa bahay na may brown tape. Nasa kwarto ito nina Asra at doo'y tinabihan siya ng fiancee.

"Ano'ng ginagawa mo rito", tanong ni Kari.

"Ayaw mo 'kong katabi", tanong naman ni Asra.

"Hindi naman sa ganun. Syempre, babae ka, lalaki ako. Alam mo na", paliwanag ng binata.

"Loko ka! Pero okay ka na", tanong pa ng dalaga.

"Wala na 'kong magagawa. May pamilya na si papa", sagot ni Kari sabay ngiti, "Pinangarap ko talaga nun na makasama si mama, si papa, si ate. Nung nawala si ate, mas ninais ko'ng mapadali ang pagbuo sa aking pamilya, dahil nakita ko, life is short. At habang maaga, take the chance. Take the opportunity if there is. Pero ang saklap ng pagkakataon'g yun. The opportuniy that I want to take was already sold", dagdag pa ni Kari.

A House With A Brown Tape (RomCom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon