Chapter 36: Pagkakilanlan sa Ama

Start from the beginning
                                    

"Uy, Mr. Silexa! Buti naman natunton niyo bahay namin. Pasensya na po, kung di ka namin nasundo sa airport, dami po kasing hindi inaasahang pangyayari", sabi ni Kari sa bisita.

"Okay lang. Masaya lang akong makita ka. Kayo. Kayo'ng lahat. Ang Pilipinas", sabi naman ni Alexis.

"Kumain na ho muna kayo. Sa'n po yung hotel na tinitirhan niyo? Malapit lang po ba dito", tanong pa ni Kari sabay lapit sa bisita sa sala.

"Oo, malapit-lapit lang. Kung di mo sinabi sakin sa mga chat natin sa skype ang address mo, hindi ko 'to matutunton. Buti na lang may google map", sagot ng ama niya na nagpakilala bilang investor lang nito.

"Ahm... Kumain na muna kayo. Magpahinga na rin muna kayo Kari't Asra. Hindi madali ang pinagdaanan niyo ngayon", sabat ni Leonora.

"Sige, babalik na lang muna ako ng hotel. Napagod rin ako sa byahe e. Tatawag na lang ako sa'yo, Kari", sabi pa ni Alexis.

"Kumain ho muna kayo", anyaya pa ni Kari.

"Wag na, sa susunod na lang. Magpapahinga na lang din muna ako", sabi pa ng lalaki'ng bisita at lumakad na paalis ng bahay. "Sige, paalam".

"Hatid ko na po kayo", sabi pa ni Kari.

"Pahinga ka na lang muna. Magtataxi nalang muna ako", sabi pa nito at umalis na.

"Ang galing pala niya'ng magtagalog, taga-Amerika yan e", sabi pa ni Kari.

"Syempre, tatay...", muntik na masabi ni Coritha ng sikuhin ito ng mahina ni Leonora.

"Ano'ng tatay", taka ni Kari.

"Ang tatay, ang tatay nun, pinoy", palusot ni Coritha.

"Ah, nakwento niya sa inyo"?

"Oo", sabi naman ni Leonora. "Magpahinga na kayo. Asra, salamat naman okay ka na, at kay Bougart", dagdag pa nito.

"Aw! Aw", sagot ni Bougart.

"Teka, kumain muna kayo. Ano pala ang nangyari", tanong pa ni Leonora.

"Si Avery ang nagplano ma. Napaka-imposible ng plano ni Avery buti na lang gumana", sagot ni Kari.

"Ano'ng nangyari kay Sandy", tanong naman ni Coritha.

"Nasa kulungan na po siya ma. Itutuloy po namin ang kaso", sabi pa ni Kari.

"Okay. Mabuti 'yan", sabi ni Leonora na kinakabahan na naman dahil sa pagbabalik ni Alexis.

"Ma? Okay ka lang ba", tanong ni Kari sa mama Leonora niya ng pansin nito'ng parang may ibang iniisip.

"Ha? Oo. Okay lang ako. Bakit? Buti pa, kumain na muna kayo", sabi pa ni Leonora.

"May kakanin akong niluto. Hali na kayo sa kusina", tawag ni Coritha at sumunod sina Kari at Asra.

"Susunod na'ko, kukunan ko lang ng dog food si Bougart", sabi pa ni Leonora nang makita niya sa telebisyon ang isang balita na kinasasangkutan ng anak niya'ng si Kari. "Anak, nabalita ka sa TV", sabi pa ni Leonora.

"Ano'ng bago? Natural, artista ang anak mo", sabi pa ni Coritha.

"Hindi, kasi iba ang balita, nabuntis mo raw si Timber nun at ipinalaglag mo", sabi ni Leonora.

"Ano", gulat ni Kari. "Pero hayaan niyo na. Kung sino man ang nagpakalat niyan, naninira lang 'yan", dagdag pa ng binata.

"Tao po", tawag ni Avery habang kumakatok.

"Teka, pagbubuksan ko lang", at lumapit si Leonora, habang hawak ang dog food ni Bougart, sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok. "Pasok ka na hijo ng makakain ka", anyaya ni Leonora.

A House With A Brown Tape (RomCom)Where stories live. Discover now