CHAPTER 50

30 10 0
                                    


ZIONNE'S POV

NAPALINGON ako kay Aliho nang makitang naglakad siya pupunta sa may ilog at nilubob ang kamay niya sa tubig. Napatayo siya na parang gulat na gulat at natatakot. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at tiningnan siya nang nagtatanong at may pagtataka.

"Anong nangyari?" takang tanong ko sa kanya.

"May nakita ako." sagot niya kaya nagulat naman ako.

May vision siya at tuwing nasa panganib kami ay nakikita niya ang mangyayari.

"Anong nakita mo?" takang tanong ko sa kanya.

Umiling siya sa'kin, mukhang pati siya ay hindi niya paipaliwanag ang nakita niya.

"Tayo na!" aya niya sa'kin.

Naglakad siya pabalik sa mga kasama namin, susunod na sana ako sa kanya nang biglang may humila sa'kin mula sa tubig.

'Zionne!!!" agad na sigaw ni Xyvyn nang makitang naka-angat na ako sa ere.

Agad na lumingon sa'kin si Aliho at gulat na gulat nang makita niya ako. Kahit ang iba naming kaibigan ay nataranta at nagsisigawan na sa takot.

Isang malaking halimaw sa tubig, ito ang tinatawag na LOTAN. Isang higanteng ahas na may tatlong ulo, may matutulis at malalaking ngipin, may mahahaba at matutulis na kaliskis o tinik na parang buhok sa ulo at likod nila.

Nakita kong nagpalipad nang palaso si Zyleigh papunta sa halimaw pero hindi ito tumama. Mas lalong gumalaw ang halimaw kaya muntik na akong humagis.  Agad na nag flute si Xyvyn at nang makitang walang nangyari ay pinalipad niya ang spiritual sword niya papunta sa ulo isang ulo ng halimaw. Ngunit gaya nang palaso ni Zyleigh ay hindi nito nagawang masugatan man lang ang halimaw. Nakita kong tumakbo si Kenji palapit kay Aliho at hinarangan ito na parang gusto niya itong protektahan. Sina Reese at Ica naman ay nagpalipad na din ng palaso kasabay ng palaso ni Zy, ngunit tila bato ang katawan ng halimaw at hindi parin ito nasugatan o natamaan man lang.

Hindi ko magawang gumamit ng mahika dahil sa higpit ng pagkaka-ikot ng katawan ng halimaw sa'kin, hindi ko mai-labas ang kamay ko.

Pinalipad ni krixi ang shuriken niya at ito lang yata ang nakasugat sa halimaw. Nakita kong natuwa ang mga kaibigan ko nang muntik na akong mabitawan ng halimaw. Agad na nagpalipad uli ng palaso si Zyleigh at bumaon ito sa katawan ng halimaw.

Nagtataka parin ako dahil hindi parin gumagalaw si Aliho mula sa kinatatayuan niya na parang gulat na gulat sa nakikita niya.

Biglang humaba ang isang ulo ng halimaw at umikot ito kay Kenji at Aliho, nakaiwas si aliho pero si kenji ay agad na nahila ng halimaw. At gaya ko ay naka-angat na rin siya ngayon sa ere habang nakapulupot ang katawan ng halimaw.

Lumipad si Kenji gamit ang mahika papunta sa'min at saka sinaksak ang isang ulo ng halimaw, pero agad siya nitong naihagis pabagsak sa tubig. Nagsigawan na naman ang mga kaibigan namin nang humaba na naman ang isang katawan ng halimaw at inikutan sila. Nakita kong lumuhod si Aliho at saka pumwestong tumira ng crossbow niya. Agad na nasapol ang ulo ng halimaw kaya hindi nito nagawang kuhanin ang isa pa sa mga kaibigan namin.

Hindi ko alam kung paano nagawang tumalon ni Aliho ng mataas na para bang may mahika siya. Tumalon siya palapit sa'min at saka nilabas ang spada niya at sinaksak 'yon sa katawan ng halimaw.

Nakita ko namang naka-ahon na si Xyvyn mula sa tubig at nakipaglaban na din siya sa halimaw na ngayon ay sobrang galaw na dahil sa daming sugat sa katawan.

Nabitawan kaming dalawa ni Kenji ng halimaw at sabay kaming sumigaw dahil mataas ang babagsakan namin, pwede naming ikamatay. Pero bago pa kami bumagsak sa tubig ay lumipad na si Xyvyn at sinalo kaming dalawa ni kenji. Binaba niya kami sa tabi ng mga kaibigan namin na takot na takot.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now