CHAPTER 46

32 9 0
                                    


ZIONNE'S POV

Unang pagkakataon♡

Pagkatapos ng mahabang dramahan at iyakan ng aking Ina at kapatid ay heto kami ngayon nakaharap sa aming Ina habang nakikinig sa gusto niyang mangyari sa'min.

Hindi na ako nagtataka kung paano nalaman ng aming Ina na nakabalik na kami, sapagkat mayroon siyang tinatawag na "Personal soothsayer" ang soothsayer na 'yon ang pinakamagaling sa buong moonlit.

"Hindi ko lubos naisip na magkakaroon tayo ng gantong problema." panimula ng reyna. Ang aming Ina.

Nagtinginan kaming lahat, lalo na ang aming mga kaibigan na nagmula sa mundo ng mga tao.

"Kinailangan niyong lumisan agad dito, sapagkat hindi malabo na may makatuklas nito at makarating sa hari, lalong lalo na sa mga kalaban." nag-aalalang anang reyna. "Mamayang pagsapit ng dilim ay lumisan kayo at magtungo kayo sa Askati forest." natigilan ako at gulat na napatingin sa reyna.

"Ngunit Ina, masyadong delikado patungo roon. Baka hindi pa kami nakakarating sa hilagang norte ay mapa-paslang na kami ng masasamang nilalang." agad na sabi ko.

Masyadong maraming masasamang nilalang sa iba't ibang bahagi ng moonlit. Sa kalagayan namin ay mahihirapan kaming lumaban. Hindi marunong makipaglaban ang iba sa kanila, maliban kay Elijah na nakikita ko naman talaga na magaling makipaglaban ay si Zyleigh lang ang makakatulong din sa'min.

"Ngunit wala tayong ibang pagpipilian, Mharv. Nalalaman mong hindi maaaring makita ng kahit sinong taga-rito na may nakapasok na mga tao. Kung hindi sila ang papatayin ay baka tayo." seryosong anang reyna.

Naiintindihan ko ang gustong sabihin ni Ina pero nababahala parin ako.

"Magtungo kayo sa Askati Forest at palihim ninyong kausapin ang hari. Manghingi kayo ng tulong sa kanya, tiyak akong tutulungan niya kayo." ang tinutukoy ni Ina ay ang bunsong kapatid ni Ama.

Si Haring Fleviouz (Flevyuz) ay ang pang-apat o bunsong anak ni Haring Pucini. Siya ang naatasan na mamuno sa Land of Askati Forest, nagtayo siya ng kaharian doon para pamunuan ang mga nilalang na nanirahan sa buong Askati Forest. Wala siyang pinapanigan sa mga kapatid niya ngunit kapag sinaktan ang mga mamamayan niya ay hindi siya nagpapa-api.

"Maasahan ko ba kayo? Xyvyn at Mharv?" tanong ng reyna sa'min ni Xyvyn.

Tumungo na lamang kami para sumang-ayon.

"Kung gayon ay iiwan ko na ito sa inyo. Ito ang ipasuot niyo sa kanila upang hindi sila makilala. Mag-iingat kayo patungo roon, at huwag ninyong hayaang masaktan ang kahit sino sa kanila." anang reyna at saka nilapag ang isang gawa sa metal na kahon na kulay ginto. At saka tumingin pa muna sa mga kaibigan namin at tumalikod.

Nang makaalis ang Reyna ay sabay kaming napa-buntong hininga ni Xyvyn. Ngumiti ako sa mga kaibigan namin at saka humarap sa kanila.

"Narinig niyo ang reyna. Kailangan nating umalis mamaya, pupunta tayo sa Askati Forest." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Malayo ba 'yon?" tanong ni krixi.

"Oo, at delikado din papunta do'n. Kaya kailangan natin maghanda para sa paglalakbay natin." si Xyvyn ang sumagot.

Tumayo si Xyvyn at saka pumasok sa maliit na kwarto, na sa tingin ko ay doon nakalagay ang ibang mga gamit. Paglabas niya ay may dala na siyang mga kumot, unan at banig.

(AUTHOR'S NOTE; A BANIG is a traditional handwoven mat of the Philippines predominantly used as a sleeping mat or a floor mat. Depending on the region of the Philippines, the mat is made of buri, pandanus or reed leaves. The leaves are dried, usually dyed, then cut into strips and woven into mats, which may be plain or intricate.  PERO SYEMPRE dahil nga nasa ibang mundo tayo ay iba ang itsura ng banig nila😉😂.)

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now