CHAPTER 72

21 11 0
                                    


KRIXI'S POV

Sobrang nagulat talaga ako nang magtanggal kami kanina ng mga mask ay bumungad sa'min ang mukha ng special guest namin noong party. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, at nakakapagtaka rin ang pagiging intense ng scene kanina, parang iba ang dating nung haring nocter.

Tama nga sina zionne at xyvyn, mukhang masamang nilalang nga si haring nocter at ramdam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya kanina para hindi magsimula ng gulo.

"I can't believe this!! Paanong nangyari na yung special guest natin noong acquaintance party ay taga rito rin pala? At mas malala pa, prinsipe pa? Jusko!! Para akong mababaliw!" rinig kong ani ica.

Nandito kami ngayon sa silid na tinambayan namin kanina no'ng kakarating lang namin dito. Akala ko nga sobrang nakakatakot ang mangyayari kanina sa pagtitipon eh, buti at halos ang mga hari at reyna lang ang nag-uusap. Hindi kami tinanong ng tinanong, at kung may tanong man si haring pucini, si zy at zionne naman ang sumasagot.

"Alam niyo ito, zionne? vyn?" tanong ni ica kay zionne at xyvyn. Tumango silang dalawa. "And you didn't bother to tell us?" hindi makapaniwalang tanong ni ica.

"Nawala na sa isip ko, at tsaka hindi namin alam na nakabalik na siya rito." si zionne ang sumagot.

"Pero sana sinabi niyo pa rin. Nakita niyo rin sila sa party diba?" may halong inis na tanong ni ica. Tumango uli silang dalawa. "Aaissh! Nakakainis!" mahinang sigaw niya.

Naglakad siya palabas ng kwarto na agad namang pinigilan ni kenji.

"Saan ka pupunta pres? Hindi ka pwedeng lumabas, delikado." pigil ni kenji sa kanya.

"Magpapahangin lang! Bawal?" mataray na tanong ni ica. Natawa naman ako dahil sa iniasta niya. Mukhang bumalik ang pagiging mataray niya noong una ko siyang nakilala sa school.

Wala ng nagawa si kenji at hinayaan nalang si pres ica na lumabas ng kwarto. Napatingin naman ako kay reese nang tumayo rin siya at naglakad palabas ng kwarto.

"Saan ka pupunta, reese?" tanong ni zy sa kanya.

"S-sa labas lang, magpapahangin din." nagtaka ako dahil nauutal pa siya.

Kanina ko pa napapansin ang kakaibang ikinikilos ni reese, parang balisa siya at hindi mapakali.

Ano kayang nangyayari sa kanya? Natatakot ba siya o kinakabahan lang din?

"Ang dami pa ring mga romani sa baba. Hindi ba tayo pwedeng makisaya?" tanong ni cypher. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Hindi ka ba natatakot makisaya sa kanila? Baka habang nakisaya tayo bigla nalang may sasaksak sa'tin mula sa likuran." sabi ko. Ngumiwi naman siya.

"Ang advance masyado ng isip mo. Bakit naman nila gagawin 'yon?"

"Syempre, nandito kaya ang lahat ng hari hellooo?"

"I know, eh anong konek?"

"Malamang, nagkalat ang mga tauhan nila. Pwedeng isa sa mga 'yan ay masamang tauhan ni haring nocter o kaya ni haring tyler. Hindi natin sila lubos na kilala, mag-iingat nalang tayo." napanganga siya sa sinabi ko, mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. Narinig ko namang natawa ng mahina si kenji na nasa may gilid ko.

"Grabe, nakakatalino pala ang mundong 'to. Akalain mong tumalino ka bigla krix?" sarcastic na ani cypher. Mas lalong tumawa si kenji.

"Ikaw lang naman ang bobo rito." mataray na sabi ko sa kanya. Tumawa lalo si kenji, na agad namang nakatikim ng masamang tingin mula kay cypher.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now