CHAPTER 22 -ESKINITA

58 14 13
                                    


KRIXI'S POV

SALUBONG ang kilay ko habang nagmamadaling bumaba nang mag breaktime sa hapon.

Hindi ko alam kung nasaan si Elijah, nagkagulo lang sa cafeteria ay hindi ko na siya makita. Hindi rin siya pumasok.

Pagkarating ko sa cafeteria ay agad kong nilibot ang paningin ko, pero wala talagang Elijah Aliho Caddel, ibang Caddel lang ang nakita ko. Nakatingin sa'kin na parang nagtatanong kung sino ang hinahanap ko, inirapan ko lang si Zy at saka ako lumabas ng cafeteria.

Pero kamalas-malasan nga naman at may bobo akong nakabanggaan.

"Ikaw na naman?" inis na sigaw ko kay Cypher.

"And it's you again!" sigaw niya din sa'kin.

"Letche!!" sigaw ko uli sa kanya at saka tumalikod na.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may pumigil na sa'kin.

Inis kong tiningnan ang walang hiyang naglakas loob na hawakan ang braso ko. Pero agad ding binawi dahil hindi pala yung mayabang na Cypher ang pumigil sa'kin.

"Ahh excuse me, but where's Aliho?" nakangiting tanong nung Kenji yata name nito.

"Bakit mo tinatanong?" takang tanong ko.

'Close ba sila ni Elijah?'

"Nothing, I'm just asking. Hindi mo kasi siya kasama." nakangiting sagot naman niya.

'Jusko day! Bakit ngingiti ng ganyan ka gwapo?'

"Hindi siya pumasok eh." sagot ko.

"Ha? Paanong hindi?" singit nung mayabang na Cypher.

"Absent."

"Alam ko. what I mean is, bakit hindi siya pumasok?" pagsusungit pa niya.

"Edi sana diniretso mo ako ng tanong ng ganyan." inis na sabi ko sa kanya.

'Bobo!'

"Saan siya pumunta miss?" si Kenji uli. Sa kanya naman ako tumingin ngayon.

Ano bang pakialam ng mga 'to sa kaibigan ko?

"Hindi ko alam." sagot ko nalang, totoo naman talaga na hindi ko alam. Kaya nga hinahanap ko diba?

"Na-text mo na ba siya?" epal na naman ni Cypher.

"Hellooo Cypher, malamang. Hindi naman ako kasing bobo mo." inis na sagot ko.

Nakita kong natigilan siya.

'Oppss! Nadulas hehe.'

"Anong sabi mo?" kunot noong tanong niya.

"Pwede ba? Nagmamadali ako, sayang oras ko sa inyo!" sigaw ko sa kanila at saka tumakbo na paalis.

Hehe kinabahan ako dun. Bakit ko ba nasabi yun? Gaga ka Krixi.

Ilang minuto nalang at matatapos na ang breaktime, bagsak ang balikat kong naglakad pabalik sa classroom namin.

'Nasan ka ba, Elijah?'

Nagturo lang ang mga lecturer pero kahit isa sa kanila ay wala akong pinakinggan. Ending, nganga akong lumabas ng Classroom dahil wala akong naintindihan sa klase.

Nang makarating ako sa may gate ay nagulat ako dahil andun ang grupo ng basketball team. Parang may inaantay sila.

Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad pero natigilan din nang tawagin ako ni Kenji.

THE WORLD OF MOONLITDonde viven las historias. Descúbrelo ahora