CHAPTER 40 -PANAGINIP

42 9 1
                                    


ELIJAH'S POV

  HINDI ako makagalaw nang makitang may papalapit na malaking truck kay Zyleigh. Nakatingin lang siya sa truck na para bang inaantay niya ang pagdating nito sa kanya.

Agad akong napamulat nang bumangga ang truck kay Zyleigh.

'Panaginip na naman.'

Bumangon ako mula sa bed at saka bumaba. Tumayo ako at naglakad papuntang CR. Kakaalis lang nina Krixi at Zyleigh kasama ang iba pa, pero kataka-takang naka-idlip agad ako. Um-upo ako sa inidoro para umihi, nang matapos ay naghilamos uli ako sa mukha ko dahil sa sama ng panaginip ko. Maya maya lang ay may naramdaman akong pumasok ng kwarto. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha ko saka bahagyang binuksan ang pintuan ng CR para sumilip.

Limang lalaki na naka Assassin outfit. May dala-dala silang mga pana na ikina-kunot ng noo ko.

'BLACK TIGER.'

Naalala kong pana nga pala ang ginamit nila noon para patayin sina Kevin. Ang sabi nila ay mga naka puro itim na suot ang may gawa nun sa kanila. At sa panahong 'to, hindi na uso ang pana bilang armas.

Bahagyang lumingon ang isa sa kanila sa gawi ko kaya agad ko itong sinarado. Ni-lock ko ang pintuan at tarantang tinanggal ang naka-kabit na dextrose sa kamay ko. Nagulat ako nang marinig na pinipihit ang door knob ng CR. Agad akong naglakad palapit sa may bintana, umakyat ako sa may sink at saka buong lakas na sinipa ang bintana ng CR. Kinakalampag na ng mga tao sa labas ang pinto ng CR at anumang sandali ay pwedeng masira nila ito tapos mapapatay ako.

'Walangya!! Kakagising ko lang tapos papatayin na agad ako. Hustisya naman.'

Natigilan ako nang makitang antaas ng bintana. Bweset!!! Paano ako tatalon sa ganto kataas? Tiningnan ko uli ang bintana at puro sasakyan ang nakikita ko sa baba, mga naka park. Nang maramdaman kong nasira ang pintuan ay napalingon ako dito, nang makitang papasok na ang isang lalaki ay lakas loob akong tumalon.

Agad na tumunog at nag-ingay ang kotse na binagsakan ko. Agad akong bumaba at saka pa-ika ikang naglakad. Nagtago agad ako sa may likod ng isang pader nang magdatingan ang mga guard at ibang tao.

"Aliho?"

Napalingon agad ako sa bandang likuran ko at saka suminyas kay Cypher na huwag maingay. Kunot-noo siyang tumingin sa pinanggalingan ko at saka gulat na bumaling uli sa'kin.

Agad siyang lumapit sa'kin at hinila ako palayo, dinala niya ako sa bandang likod ng hospital at pina-upo sa isang bench. Mukhang garden ito ng hospital dahil sa ganda ng mga halaman at bulaklak, kahit gabi na ay sobrang maliwanag dito dahil sa mga ilaw na naka-baon sa lupa at nagsisilbing liwanag sa garden. Meron ding mga ilaw sa mga malalaking halaman, nakapulupot na parang chrismas light sa katawan ng mga halaman.

Mukhang may tinatawagan si Cypher at bahagya pa siyang lumayo. Parang hindi siya mapakali habang nakatingin sa'kin at may kausap sa phone. Nang matapos siya sa pakipag-usap ay nag-aalala siyang lumapit sa'kin.

"Ayos ka lang ba, Aliho? Anong nangyari? Paano ka napunta dito? At ikaw ba may gawa no'n sa sasakyan sa may parking lot?" sunod sunod na tanong niya.

Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin. Mas mabuti kung wala siyang alam dahil baka pati siya balikan din ng grupo ng black tiger.

Maya maya lang dumating si Jaxon kasama si Krixi. Gulat silang nakatingin sa'kin at gaya ni Cypher mukhang marami rin siyang tanong.

"Tawagan mo si Zy." agad na sabi ko kay Krixi na ipinag-taka nilang tatlo.

"Ano? Bakit? Anong kinalaman ni Zy dito?" gulat na tanong ni Krixi.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now