CHAPTER 52

29 10 0
                                    


ZYLEIGH'S POV

Nagising ako dahil sa kakaibang nararamdaman ko. Agad akong bumangon at saka bumaba ng bed, kung saan katabi ko si reese. Si kenji at cypher naman sa kabilang bed.

Nakita kong gising na din si Ica na katabi naman ni Krixi. Ngumiti siya sa'kin at saka bumangon na rin.
Napatingin ako sa dalawang kama na walang laman.

'Nasan sila?'

Mukhang ganun din ang tanong ni Ica. Tumayo siya at saka naglakad palabas ng kurtina, sumunod naman ako sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita silang tatlo sa may sala nitong kwarto, magkaharap sila sa isang mababang table.

Ngumiti sa'min si kuya Zionne at nanatili namang blanko ang mukha ni Elijah at Xyvyn.

"Hindi ba kayo natulog?" tanong sa kanila ni Ica.

Um-upo kami ni Ica sa tabi nila. Umupo ako sa tabi ni Elijah na pinagitnaan naman nilang dalawa ni Xyvyn. Si Ica naman ang umupo sa gitna ni Zionne at Elijah.

"Kakagising lang din namin." sagot ni Zionne.

"Gusto niyo ba?" alok sa'min ni Elijah ng iniinom nila.

"Ano 'to?" tanong ni Ica at tinanggap ang binigay ni Elijah.

"Alak."

"Ehh?" gulat na tanong ko. Tininginan ko din ang nilapag ni Xyvyn sa harap ko.

"Oum, alak yan dito." sagot ni Elijah at uminom na uli.

Nag-alangan naman si Ica kung iinumin niya ba ang nasa cup niya. Pinming style ang cup nila dito at kulay pilak. Ininom ko yung sa'kin at nagulat ako sa lasa.

'Ang sarap.'

Matamis at ang bango. Hindi siya masakit sa lalamunan, para ka lang uminom ng softdrink na may acid.

"Ano?" nakangiting tanong ni Zionne sa'kin na para bang inaantay ang magiging reaction ko sa alak.

"Masarap. Sure kayong alak 'to?" tanong ko sa kanila.

"Hahaha oo naman. Alak ang pinagmamalaki ng bayan na 'to. Magaling kasi silang gumawa ng mga alak." nakangiting sagot ni kuya Zionne.

Nakita ko namang ininom na rin ni Ica ang alak na nasa cup na hawak hawak niya. At gaya ko ay mukhang nagulat din siya sa lasa ng alak.

"Wha--Totoo? Alak nga 'to?" di makapaniwalang tanong ni Ica. Tumango naman si Xyvyn at Zionne na halatang natutuwa sa reaction namin.

Napansin naming nagising na rin ang iba at naglakad papunta sa'min.

"Ano iniinom niyo?" tanong ni Cypher.

"Alak." kaswal na sagot ni Elijah.

Gulat silang lahat na napatingin sa kanya.

"Dinga? May alak dito?" di makapaniwalang tanong ni krixi.

"Oo. Ito, tikman niyo." nakangiti namang inalok sa kanila ni Zionne ang bote ng alak na kahugis ng flower vase, bilog nga lang ito at mas maikli kumpara sa flower vase na nandito sa gitna ng table nitong kwarto.

Tinanggap ni Kenji ang bote at kumuha ng isang pinming cup saka sinalinan ng alak, at ininom din agad.

Kagaya ng inaasahan namin ay nagulat din si Kenji at nakangiting tumingin sa'min.

"Ang sarap!" komento niya.

Agad namang kumuha rin ng pinming cup ang tatlo at saka nagsalin, tapos ay uminom. Kagaya namin at nagulat din sila, gusto pang umisa. Natatawa namang tumango nalang si Zionne.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now