CHAPTER 58

22 10 0
                                    


ELIJAH'S POV

'TANGINA NGA JAN!!'

Kanina pa ako nabubwesit sa lalaking 'to. Hindi ko na nga pinapansin, sinusundan niya pa rin ako. Mas binilisan ko ang paglalakad ko at panay na ang mura ko sa isip ko.

"Sandali, binibini. Maaari ko bang malaman kung saan ka patutungo?" sigaw na naman niya mula sa likuran ko.

Bahala siya! Don't talk to stranger nga di ba?

"Kung hindi mo ako kakausapin ay tatawagin ko si flurry, natitiyak akong nagugutom na siya ngayon."

Automatic akong napahinto nang sabihin na 'yon. Alam kong yung ahas ang tinutukoy niya. Inis ko siyang nilingon pero nakangiti lang siya.

"Ano ba ang kailangan mo ha?? Kulang ka ba ng atensyon ng magulang mo at ako ang binubwesit mo ngayon?" inis na tanong ko sa kanya. Agad na kumunot ang noo niya at parang biglang nag iba ang awra ng mukha niya.

'Nasaktan ko ba siya? Well, hindi ko na babawiin.'

"Huwag mo na akong susundan!! At kung tinatakot mo ako sa ahas mo ay hindi ako natatakot! Baka pareho ko pa kayong papaksiwin!!" sigaw ko sa kanya. Kahit hindi ako sure kung gets niya sinasabi ko.

Hindi siya nakapagsalita, inirapan ko nalang siya. At nang tumalikod na ay bigla akong napatalon.

"TANGINA!"

Hindi ko na napigilan ang magmura nang biglang sumulpot at bumagsak na naman mula sa kung saan ang puting ahas. Inis kong tiningnan ang lalaking elf na ngayon ay humahalakhak na naman.

"Bwesit ka alam mo yun?" sarcastic na tanong ko sa kanya. Hindi naman niya yata naintindihan pero wapakels na ako.

Nilabas ko ang spada ko at tinutok yun sa ahas na nasa harapan ko, pero kahit anong tapang ko talaga ay naduduwag ako kapag nakikita ko ang malaki niyang katawan. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa takot!

'Peste talaga.'

"Akala ko ba ay gagawin mo kaming paksiw!" natatawang anang lalaking elf sa likuran ko.

Umilaw ang spada ko. Tapos bigla siyang lumipad papunta sa lalaking elf. Gulat na gulat naman siya nang muntik na siyang saksakin sa leeg. Ngumisi ako sa kanya at pinakitang hawak ko na ngayon ang buhay niya.

Pero mukhang may power nga siya, bigla niya nalang tinaas ang kamay niya at saka lumipad pabalik sa'kin ang spada. Ngumisi siya ng malaki na lalong ikinainis ko pa, gusto ko siyang sapakin hanggang sa magsawa ako.

Gwapo, matangkad, makisig, maputi, matangos ang ilong, perfect ngipin, handsome smile, at gwapo uli. Yan ang panlabas na anyo niya, pero hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya.

Tinalikuran ko na siya uli at ang inis ko sa kanya ay napalitan ng galit at takot, nang tumaas ang ulo ng ahas at umaastang susugurin ako. Gusto kong magmura ng sobrang lakas hanggang sa pwede ko na siyang patayin sa pamamagitan lang nun. 

Pero hindi ako nagpatalo, hindi niya ako pwedeng paglaruan nalang, neverrrrr!!!!!

Tumalon ako ng mataas at saka lumanding sa malayo sa kanilang dalawa. Pero tanga ko na nga talaga, hindi ko naisip na kaya nila akong sundan agad agad.

Tinutok ko sa lalaking elf ang spada ko. Nasa braso niya na ngayon ang ahas at nakatingin sa'kin.

'Wag beshy.'

"Tigilan mo na ako pwede? Wag ako ang gambalahin mo, bakit hindi ka nalang makipaghabulan jan sa ahas mo nang may magawa ka naman sa buhay mo! Hindi yung nang-aabala ka ng iba." inis na sigaw ko sa kanya.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now