CHAPTER 21

59 15 16
                                    

KENJI'S POV

ANG AKALA namin na maliit lang na gulo ang nangyayari ay sobrang laki pala. Nang makitang lumala na ang away ay nagtayuan na kaming magkakaibigan. Lumapit kami kay Zionne na ngayon ay gustong lumapit kay Ica habang nakikipag sagutan sa babaeng taga labas.

Kung titingnan ang uniform nila ay mukhang galing sila sa Brimstone high, kung saan puro basagulera at basagulero ang nag-aaral. Well, except kay Aliho hahaha.

Napatingin ako sa table kung saan nakaupo si Aliho kasama ang sa tingin ko ay kaibigan niya.

Napangiti ako dahil sa pumasok sa isip ko. Kahit naman mahilig siyang makipag-away ay andun parin ang pagiging mabait at mapagmahal na Aliho.

Wala siyang reaction habang nakatingin sa nagkakagulo.

Binalik ko ang attention ko kay Ica na ngayon ay yung lalaki na ang kausap.

Nang akmang tatalikod na sana siya ay bigla nalang tumayo si Sheena at dinampot ang wine glass na nasa mesa, saka ito akmang ihahampas sa kanya.

Halos pigilan ng lahat ang hininga ng may humawak sa kamay nung babae at inagaw ang wine glass dito.

'Aliho.'

Yeah, si Aliho. Hinawakan niya ang kamay nung babae at saka inagaw ang wine glass. Tinulak niya ito pasalampak sa upuan, nilapag niya ang wine glass sa kabilang table.

"Handa kang maging kriminal para lang manira ng kapwa?" she asked sarcastically.

Napangiti ako dahil ang cool ng ginawa niya.

Kanina pa namin gustong pigilan ang nangyayari pero ang hirap pumasok sa gulo ng mga babae. Tanging si Zionne lang ang may lakas loob na gawin yun.

"What the hell, sino ka para mangialam?" sigaw nung babae sa kanya.

"Ohh sorry I forgot to introduce myself, isa nga pala ako sa lumalandi sa jowa mo." nakangiting ani Aliho.

Nagulat ang lahat dahil sa sinabi niya.

Mas lalo na ako, ano ba ginagawa niya?

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong nung babae.

"Yeah, you heard it right. I'm flirting with your useless boyfriend." sabi niya at saka natatawang bumaling dun sa lalaki. "I didn't expect to see you here, Marc." nakangiting sabi ni Aliho dun sa lalaki.

"A-Aliho?" gulat at di makapaniwalang anang lalaki.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka? Aren't you happy to see me?" nakangiting tanong ni Aliho.

'Magkakilala sila? Pero paano?'

"W-Why are you here?" utal na tanong nung lalaki, Marc daw ang pangalan.

"Hahaha bawal ba ako mag-aral kung saan ko gusto?" natatawang tanong ni Aliho.

"H-Hindi g-ganun ang ibig k-kong sabihin."

"Ano mo 'tong panget na babaeng 'to?" tanong ni Aliho na nakaturo pa dun sa babaeng nanggulo.

Hindi sumagot ang lalaki, tumungo lang siya.

"Jowa mo?" tanong uli ni Aliho.

"H-Hindi."

"Oh bakit mo siya tinatanggi? Bagay naman kayong dalawa, siguradong magkasundo kayo. A worthless man and a low class woman." natatawang pang-iinsulto ni Aliho.

Ngayon ko lang nakita ang gantong ugali ni Aliho. Talagang nagulat ako.

"A-Aliho stop it." pigil nung lalaki.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now