CHAPTER 33

52 10 0
                                    


ZYLEIGH'S POV

   HINDI KO alam kung bakit hindi ko magawang lumaban kay Malija ngayon. Natatakot ako na baka mas marami pang masaktan kapag pinilit ko siyang kalabanin.

Naiiyak akong nakatingin sa mga taong gusto akong tulungan pero wala din silang magawa. Nang makita ko kung paano ininda ni Reese ang sakit ng sipain siya ni Malija ay parang bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Andaming pumasok sa isip ko sa posibleng mangyari pa kapag hindi pa natapos ito ngayon.

Nang itaas ni Malija ang kamay niya na may hawak na baseball bat ay pumikit ako at naghanda sa akmang paghampas niya.

Pero ilang sigundo ang lumipas ay hindi ko naramdaman na tumama ito sa'kin. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita ang dahilan nun.

Si Elijah, hawak hawak niya ang kamay ni Malija na may hawak na baseball bat at saka ito pinilipit. Ramdam ko ang sakit sa lakas nun.

Tiningnan ko si Elijah pero wala siyang kahit anong reaction. Poker face lang siya habang nakatingin kay Malija na namimilipit sa sakit.

Sinipa niya si Malija dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Bihira lang ako pumatol sa mga babae. Pili lang din ang mga taong pinag-aaksayahan ko ng oras." malamig na ani Elijah.

Agad na sumugod ang dalawang bodyguard ni Malija at saka umastang hawakan si Elijah. Pero agad silang nakita ng kapatid ko kaya nakailag siya. Sinipa niya sa paa ang isang lalaki saka umikot at sinipa din ang isa. Pero dahil nga malalaking tao ang mga lalaking 'to, hindi sapat yun para bumagsak sila.

Agad namang sumugod ang dalawa pa, yung may hawak kay Zionne kanina at umastang suntukin si Elijah pero nasangga nito ang kamay niya kaya siya ang nasuntok ni Elijah. Nahawakan naman si Elijah ng isa pang lalaki, akala yata niya nadali niya na ang kapatid ko pero agad siyang tinadyakan ni Elijah sa masilang parte ng katawan niya at saka siya pabaliktad na binalibag.

Sabay sabay na napasigaw sa paghanga ang mga nanonood. Kahit ako ay hindi ko naisip na ganto kagaling si Elijah sa pakikipaglaban.

Nakita kong lumapit si Zionne sa'kin at mukhang nag-aalala siya. Hinubad niya ang coat niya at saka pinunasan ang mukha ko. Tinanggal niya din yung mga cake na nagkalat sa mga braso ko. Hindi man siya nagsasalita pero ramdam kong galit siya, hindi ko alam kung paano ko nararamdaman ang galit at pag-aalala niya ng magkasabay.

Napatingin uli ako kala Elijah ng magsigawan ang mga nanonood.

Kitang kita ko ang mabilis na pagtayo ni Malija at dinampot ang baseball bat, saka walang ano ano'y hinampas niya ito kay Elijah habang nakatalikod ito sa gawi niya at busy sa pakikipaglaban doon sa mga bodyguards.

"ELIJAH!"

Taranta at malakas na sumigaw si Krixi at agad na lumapit sa kapatid ko na natumba sa lakas ng pagkakapalo sa kanya ni Malija.

Halos mawalan ako ng hininga nang makitang may tumulong dugo mula sa ulo niya.

Agad na nagsi-lapitan sina Ica at Reese, para tingnan si Elijah.

"No, wag niyo siyang galawin." sigaw ni Kenji at saka nag-aalala ring tumakbo palapit kay Elijah.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil para akong tangang hindi makagalaw.

At nakakatawang ngayon lang may dumating na mga guard at teacher, kasama si dean.

Agad na nagsi-tabihan ang mga nanonood.

"Anong nangyayari dito?" malakas at galit na sigaw ni dean.

"Omygod!! Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni ma'am Mabelle nang makita si Elijah na nakabulagta habang walang malay.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now