CHAPTER 17

61 15 16
                                    

KRIXI'S POV

SOBRANG bagal kumilos ni Elijah na akala mo hindi kami nagmamadali sa pagpasok.

Pagdating namin sa may highway ay nandoon na din ang apat na kwatog naghihintay sa amin, agad kaming pumara ng Jeep at saka sumakay. Napansin ko ang mga pasahero na titig na titig sa'min ni Elijah, may ibang nagbubulungan pa.

"Bakit sila nag Jeep kung sa HU sila nag-aaral?" rinig kong bulong nang isang babae sa katabi niya.

Napapailing nalang ako, grabe! Hindi na ba pwedeng mag jeep kapag studyante ng HU?

Nakapikit lang si Elijah habang naka earphone.

Naunang bumaba ang apat na kwatog dahil mas nauuna ang brimstone high bago ang HU. Kumaway din sila sa'min at saka tumalikod na din.

Maya maya nakarating na din kami sa may HU, naglalakad kami papuntang gate nang biglang may humarang sa amin na mga kalalakihan. Huminto si Elijah saka walang buhay na tiningnan sila, ako naman tumayo sa may gilid niya at nagtataka ding nakatingin sa mga lalaki.

"Ano kailangan niyo?" ako ang nagtanong.

Ngumisi ang isang lalaki saka binato sa amin ang yosi niya. Buti at nakailag kami kundi tatama sa uniform namin yun.

"Problema mo? Papansin ka?" inis kong tanong sa lalaking nagbato ng upos ng yosi.

"Hahaha ang tapang mo naman miss." natatawang anang isang lalaki na kasama niya.

"Ano ba kailangan niyo sa amin? Bigla bigla kayong humaharang jan."

"Hindi ka kasali, alis na." anang lalaking nagbato ng yosi.

Lalong kumunot ang noo ko, tumingin ako kay Elijah na ngayon ay mukhang nauubos na agad ang pasensya.

"Tara na." sabi ko saka hinila si Elijah.

Pero hindi pa man kami nakalagpas sa mga lalaki ay umasta na silang sugurin kami. Agad na tinago ako ni Elijah sa likuran niya at walang ano ano'y sinipa iyong lalaking naghagis ng yosi. Muntik ng matumba, nang makabawi siya ay sabay sabay silang sumugod.

'Yawa! Unsa naman pud ni oy!!!'

Akala ko hindi na matitigil ang suntukan ng walang mamamatay isa sa amin, pero nagdatingan ang mga guard at ibang studyante na hindi rin familiar sa'kin.

Sa isang iglap lang nawala na agad yung mga lalaki.

"Anong kaguluhan ito?" tanong ng isang guard.

"You two, come with me." biglang sulpot ng isang babae.

Umalis yung babae, naiwan kami ni Elijah at ng mga guard. Nawala na din yung ibang studyante.

"Sige na po ma'am, sumunod na po kayo kay Ma'am Ica." anang isang guard.

Magsasalita na sana uli ako pero natigilan din nang maglakad si Elijah papasok ng school.

Nakanguso rin akong sumunod sa kanya.

'Psh! Aga aga, guidance agad?'

Pagdating namin sa GO ay nandun na ang babae kanina, may kasama siyang babae din na sa tingin ko ay guidance counselor.

"Maupo kayo." anang babae uli.

Napatingin ako sa table na nasa harap namin.

'Mrs. Charity M. Paras. Guidance counselor."

Basa ko dun sa name na nasa may table.

"Good morning ladies, Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?" nakangiting tanong ng isang babae, na sa tingin ko ay siya yung Mrs. CHARITY.

THE WORLD OF MOONLITDonde viven las historias. Descúbrelo ahora