CHAPTER 41

36 9 0
                                    


ELIJAH'S POV

ISANG LINGGO na ang nakalipas magmula no'ng nangyari sa'kin sa hospital at no'ng nalaman ko ang totoo tungkol sa pamilya namin. Isang linggo na din hindi pumapasok si Zyleigh, wala akong balita kung nasaan siya. Pinupuntahan din ako paminsan-minsan nina mama at papa dito sa school, pero hindi ko sila magawang harapin. Hindi ko pa kaya.

Wala na si Malija dito sa school, pati na rin yung ibang sangkot sa mga gulo ko. Tinanggal na sila ni dean, kahit naman ako ang tatanungin ay bagay kay Malija ang ma-expelled. Hindi normal na gawain ng may matinong pag-iisip ang gano'ng pangyayari.

Kasalukuyan akong nandito sa Archery hall para mag training. Nang biglang dumating si coach.

"Ohh Caddel, andito ka na pala. Sakto at kasama ko ang isa mo pang makakasama." ani coach. Nakangiti kong nilapag ang bow at saka lumapit sa kanya.

Nagulat naman ako nang magsi-pasukan ang buong team ng basketball, maliban kay Zionne. Bihira ko nalang din nakikita ang isang 'yon. Nagtataka ko silang sinundan ng tingin hanggang sa makalapit sila sa'min.

"Hi Aliho. Bakit ka nandito?" nakangiting bati sa'kin ni Cypher.

"Ohh? Magkakilala kayo?" tanong ni coach sa'min.

Wag niya sabihing, si Cypher ang makakasama ko sa Archery?

"She's our friend, coach." si Jaxon ang sumagot.

"Talaga? Edi mabuti kung gano'n." nakangiting sabi ni coach. "Ahh Caddel, sila ang buong basketball team. Ito naman si Xyvyn, siya ang makakasama mo sa Archery. Kilala mo na siguro siya." pagpapakilala ni coach sa kanila.

Nagulat ako at napatingin kay Xyvyn, nagsalubong naman ang mata namin.

'Siya ang makakasama ko? Marunong din pala siya mag Archery?'

Ngumiti ako sa kanila kahit nagulat parin.

"Opo, Coach. Kilala na namin ang isa't isa." nakangiting sagot ko naman kay coach.

"So paano? Maiwan ko na muna kayo dito dahil may kailangan pa akong asikasuhin." paalam ni coach saka tinalikuran na kami.

"Grabe Aliho! Hindi ko akalain na marunong ka din pala sa pumana? Nakakatama ka ba ng target?" walang hiyang tanong ni cypher. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Nagtawanan tuloy ang iba pa nilang kasama, yung dalawa na minsan ko lang din nakakasama. Ito kasing tatlo ay madalas, parang naging magkaibigan na kami dahil sa mga pinagdaanan ko at sila ang laging nasa tabi para damayan ako.

"Hindi ko inaasahan na ikaw ang makakasama ko, Aliho." nakangiting ani Xyvyn. Ngumiti ako sa kanya.

Kahit naman ako hindi ko inaasahan na isa pa sa kaibigan ko ang makakasama ko sa sport na 'to. At ito pang si Xyvyn na bihira ko lang makitang ngumiti o tumawa.

"Same here."

"What happened to your finger?" biglang tanong ni Jaxon. Kaya lahat sila napatingin sa daliri ko.

Nasugatan kasi ako kanina habang nagsasanay.

"Part of training." nakangiting sagot ko.

Nag-aalala naman siyang nakatitig ro'n. Naging maayos na din ang treatment ko kay Jaxon magmula no'ng hindi niya ako iniwan, nanatili siya sa tabi ko at ginawa ang best para maging maayos lang ako.

"Have you had lunch?" tanong niya.

Tiningnan ko ang relo ko at saka natigilan nang mapagtantong lunch time na.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now