CHAPTER 64

16 9 0
                                    


Helloooo mga ka moonlit💛💛 ENJOY READING PO and please follow me and vote this story😊😊

XYVYN'S POV

Agad kong sinundan si Aliho nang galit na galit siyang lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at galit na galit na naman siya sa hari.

Um-upo siya sa may malaking bato sa bandang likuran ng bahay, may mga halaman naman malapit dito. Naglakad ako palapit sa kanya at saka umupo rin sa may katabing bato. Naramdaman ko naman na lumingon siya sa gawi ko pero nanatiling malayo ang tingin ko.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sa'kin. Ramdam ko pa rin na pinapakalma niya ang sarili niya.

"Bawal ba kitang samahan dito? Isa pa, mukhang nasaktan ang hari sa sinabi mo." sabi ko naman.

Lumingon ako sa kanya pero natawa ako sa reaction ng mukha niya. Ngumiwi siya at saka nagbuntong hininga.

"Ikaw kaya tabihan ng malaking ahas habang tulog? Bwesit na hari yun, lakas ng tama sa utak!" inis na inis talagang aniya. Sinipa niya pa ang maliit na bato na nasa paahan niya.

"Hindi ka ba kinagat? Don't worry, hindi naman makamandag ang alaga ng hari." nakangiting sabi ko para kahit papaano ay mabawasan naman ang inis niya.

"Hindi makamandag? Mga wild animals ang nandito sa askati, paanong nangyaring hindi makamandag ang alaga niyang ahas!"

"Ang totoo ay makamandag talaga." natatawang sabi ko sa kanya. Agad siyang napalingon sa'kin at mas lalong nagsalubong ang kilay niya sa inis.

Kahit ganon, ang ganda niya pa rin at ang cute niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang maging inosente ang mukha kahit nakakatakot ang vibes niya.

'Ano ba itong pinagsasabi ko?'

"Sana kinagat siya ng sarili niyang alaga, baka sakaling tumino naman ang utak niya." inis pa ring sabi ni Aliho.

Ang totoo ay nagtataka rin ako kung bakit ganon ang trato ng hari sa kanya. Kung sa amin naman ay sobrang bait niya, hindi ko maisip kung bakit parang pinaglalaruan siya ng hari.

Ano nga kaya ang ginagawa ng hari? Mukhang natutuwa pa nga siya kapag nagagalit si Aliho.

"Baka hindi niya na uulitin 'yon. Binantaan mo ba naman." natatawang sabi ko sa kanya.

"Tsk, lintik na 'yan. Kahit yata ilang beses ko siyang bantaan walang talab sa kanya eh. Nakakainis!"

"Mabait naman si haring flevious. Bakit nga ba parang palaging galit ka sa kanya?"

"Mabait? Sa inyo siguro oo, pero sa'kin? Daig niya pa bata sa pagiging isip bata niya."

"Bakit? Ano bang ginawa niya at ganyan ka mag isip sa kanya?"

"Ayaw na ayaw ko kasi talaga ng ahas!" mukhang nahihiya niya pang sabi. Bumuntong hininga pa siya.

"Bakit? Pansin ko nga, at sinabi rin ni Zy sa amin."

"Trauma, may naghagis kasi sa'kin ng kulay dilaw na ahas no'n sa zoo. Sobrang nagulat talaga ako at feeling ko anytime may maghahagis na naman bigla." paliwanag niya. Natawa naman ako.

"Hindi ko naisip na may kinatatakutan ka rin pala." natatawang sabi ko.

"Ha? What do you mean?"

"Base kasi sa paraan ng makikipaglaban mo habang patungo tayo rito, masasabi kong sobrang galing mo. Akala ko ay kaya mong labanan lahat ng uri ng hayop at halimaw, pero mukhang nagkakamali ako." nakangiting sabi ko, nasalubong ko ang tingin niya pero agad naman siyang umiwas.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now