CHAPTER 23 - PRINSIPE RIOX

59 13 13
                                    

SOMEONE'S POV

"Tayo na." sabi ko sa tauhan nang makitang wala ng malay ang lima.

Tinanggal ko ang mga kasuotan ko at saka lumingon sa likod kung saan naroon ang limang ordinaryong tao.

"Na-aamoy ko ang malakas na lason mula sa palaso, senyor." rinig kong anang tauhan ko.

"Bilisan mo ang pagmamaneho, baka hindi na tayo umabot at ikamatay niya." ani ko at napa-buntong hininga habang pinagmamasdan ang kalagayan ng lalaking tinamaan ng may lason na palaso.

Ang palaso na 'to ay nagmula sa aming mundo, hindi ko malaman kung bakit nandito ang mga kauri ko.

Nang makarating kami sa aming tinutuluyan dito sa mundo ng mga tao ay nagpatawag ako ng iba pang tauhan para magbuhat sa mga ordinaryong tao.

Palagi akong nasa masikip na daan na iyon, dahil madalas kong mamataan ang grupo ng mga lalaking 'yon.

"Dalhin niyo sila sa silid, pagamutan." utos ko sa mga tauhan ko.

Agad akong nagtungo sa silid tanggapan o tamang sabihin na opisina ng mahal na prinsipe.

Kumatok muna ako sa silid pintuan bago tuluyang pumasok.

"Ano ang balita?" agad na tanong ng mahal na prinsipe.

"May taong tinamaan ng palasong may lason, kamahalan. Sa tingin ko ay inabangan talaga ang mga taong iyon upang patayin." ani ko.

Agad siyang nagulat at napatayo mula sa pagkaka-upo niya.

"Sino ang mga taong ito?" kabado at nag-aalalang tanong ng kamahalan.

"Huwag po kayong mag-aalala, ligtas po ang kapatid ninyo." nakangiting ani ko at saka tumungo. "Mga ordinaryong tao lamang ang ating mga panauhin." dagdag ko pa.

Nakita kong nakahinga siya ng maluwag nang sabihin ko iyon.

Batid kong sobrang pinapahalagahan ng kamahalan ang kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid, na matagal na din naming sinusubay-bayan.

"Siguraduhin mong ligtas ang mga taong iyon, hindi natin alam ang dahilan kung bakit sila gustong patayin ng grupo ni Riox."

Nagulat ako sa sinabi ng mahal na prinsipe.

"Kung ganon, ang mahal na prinsipe Riox ang pinuno ng grupo na iyon?" gulat na tanong ko.

Tumango ang kamahaln at saka bumuntong hininga.

"Tama ka, mukhang matagal na siyang naninirahan dito kagaya natin. Sanay na sanay na siya sa pamumuhay sa mundong ito."

"Ngunit ano sa tingin ninyo ang dahilan ng pagparito niya?"

"Malamang ay may nalalaman siya tungkol sa aking kapatid, kaya kung maaari ay bantayan mo ng maigi ang aking kapatid."

"Masusunod, kamahalan." sagot ko at saka tumungo uli.

Si Riox ay ang pinsan ng mahal na prinsipe. Anak siya ng kapatid ni Haring Phoebus na si Haring Nocter.

Si Haring Nocter ay ang panganay na anak ni Haring Pucini at Reyna Eliz. Nang magtayo ng apat na kaharian sa mundo namin ay ang apat na anak ni haring pucini ang namamahala nito, ngunit sa hindi malamang dahilan ay nag traydor si Haring Nocter sa lahat ng kaharian. Lalong lalo na sa kanilang Ama na si haring Pucini. Pumanaw ang Reyna at ang hinala ni Haring Phoebus ay pinaslang ito. Hindi lamang matukoy kung sino.

Isa sa misyon namin ang pangalagaan ang taga-pagligtas na pangalawang anak ni haring Phoebus at Reyna Lylanne, sa kaharian ng ZLATAN. Kung kaya't palihim kaming ipinadala dito ni Reyna Lylanne, sapagkat hindi alam ni haring Phoebus at ibang nilalang sa mundo ng Moonlit ang tungkol sa nawawalang prinsesa ng Zlatan.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now