CHAPTER 71

22 11 2
                                    


ZYLEIGH'S POV

Sinundo kami ng maraming kawal ng kaharian ng sykan dito sa hotel na tinuluyan namin sa bayan.

Muli kong tiningnan si elijah na nanghihina pa rin, kahit nagamot ko na siya ay hindi pa rin talaga bumalik ang lakas niya, nahihirapan pa rin siyang kumilos. Mabuti nalang at todo alalay naman sa kanya si xyvyn na mukhang gustong gusto pa ang ginagawa niya.

Napabuntong hininga nalang ako, kung ano ano na naman naiisip ko.

Nang matapos kaming mag prepare at nasuot na namin ang mga kasuotan namin at maskara ay agad din kaming nagtungo sa kaharian ng sykan, kung saan gaganapin ang pagtitipon.

As usual, diko na naman napigilan ang mamangha nang makarating kami sa kaharian. Sobrang ganda ng palasyo at ang liwanag, maingay dahil sa kung anong musika na hindi familiar sa'kin at ang daming romani peoples na nakikisaya. Parang mga nasa diskohan ang mga romani, at ang sarap din sa pakiramdam habang pinagmamasdan silang nagsasaya.

Agad naming naagaw ang attention nilang lahat nang maglakad kami, at nakakamanghang sabay sabay silang tumungo. Mukhang kilala na nila si haring flevious dahil may naririnig akong humahanga pa rin sa hari kahit naka maskara ito.

"Alin kaya sa dalawang babaeng iyan ang prinsesa."  rinig kong tanong ng isang lalaking elf.

Parang bigla akong kinabahan, pakiramdam ko maiihi ako sa kaba. Juskopo!!!!

Bigla nalang may humawak sa kamay ko kaya nagulat akong napa-angat ng tingin. Pero mas lalo lang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto ko kung sino.

"Huwag mong ipahalatang kinakabahan ka." nakangiting ani xyvyn.

Agad kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at mas binilisan ang paglalakad para makasabay kay elijah. Nagtataka naman akong nilingon ni elijah nang humawak ako sa braso niya.

"Okay ka lang?" ramdam kong nag-aalala siya.

Tumango ako. "Oo, kinakabahan lang."

Kahit naka maskara ay nakita kong ngumiti siya. "Kalma ka lang, magiging maayos lang ang lahat." pag ko-comfort niya sa'kin. Ngumuso ako at tumango kahit ang totoo ay sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

Tapos hinawakan pa ako ni xyvyn? Aaaccccckkkk nakakainis!!!!!

"Ayun na yata ang mga kaibigan natin." ani elijah habang nakatingin sa malayo. Tiningnan ko rin ang tinitingnan niya at nakitang kumakaway ang mga kaibigan namin.

Napangiti ako nang makita ang kasuotan nila, sobrang bumagay sa kanila ang mga suot nila, lalong lalo na ang maskara. Para lang kaming nasa party sa mundo ng mga tao, ang kaibahan lang ay hindi mga tao ang kasama namin dito. Mukha man silang tao pero hindi sila kagaya ng mga kaibigan ko na nagmula sa mundo ng mga tao. Kagaya ni xyvyn, mukha siyang tao kumpara sa aming dalawa ni kuya zionne, pero wolf pala siya na pwedeng mag-anyong tao.

Teka, bakit napunta kay xyvyn ang usapan? Tsk tsk.

"Aaaaahhhh buti nakarating kayo, akala namin may masama ng nangyari sa inyo." agad na ani krixi nang makalapit kami sa kanila. Natawa naman kami ni aliho.

"Wag ka ngang maingay, wala tayo sa mundo natin." natatawang saway sa kanya ni kenji.

"Psh, pake mo ba? Bakit ba ako nalang palagi ang nakikita mo ha?" agad na pagtataray ni krixi. Napapailing nalang sa kanya ni kenji.

Bumaling ako kay reese at agad na nagtaka nang makitang tiningnan niya kami mula ulo hanggang paa. Para bang may chineck siya sa amin.

"Reese, bagay sayo ang suot mo." agaw pansin ko sa kanya. Halata namang nagulat siya at nagpilit ng ngiti sa'kin. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa iniasta niya.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now