CHAPTER 56

24 10 0
                                    


ZYLEIGH'S POV

Nang marinig ko ang sinabi ng batang lalaki ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Parang bigla kong nakita ang sarili ko sa kanila. Paano kung hindi ako napulot ng parents namin ni Elijah? Saan kaya ako pupulutin no'n.

Naglakas loob akong lumabas sa pinagtataguan namin at saka naglakad papunta sa mga romani raw sabi ni xyvyn. Naramdaman ko naman na sumunod silang lahat sa'kin kaya kampante akong nagpatuloy.

"Magandang araw po sa inyong lahat." bati ko sa kanila mula sa likuran nila kaya gulat naman silang napalingon sa'kin.

Agad na tumayo yung dalawang matandang lalaki at saka tinutukan ako ng itak. Napaatras ako sa gulat.

"Ahh w-wala po akong masamang intensyon." agad na sabi ko at saka nagpilit ng ngiti.

"Ano ang kailangan ninyo?" tanong ng isang matandang lalaki.

"Narito po ako upang bigyan kayo ng makakain."

Mukhang hindi naman sila naniniwala. Hindi pa rin nila binababa ang mga malalaking itak nila.

"Mga mama, patawarin ninyo kami kung kayo ay aming nagambala, ngunit narito kami upang saluhan ninyo kami sa aming mga pagkain." biglang nagsalita si Xyvyn sa tabi ko.

Binaba naman nila ang mga itak nila pero nagtatanong pa rin ang mga mukha.

Ngumiti ako sa kanila nang ibaling nila sa'kin ang tingin nila. Nakita kong parang sumaya ang dalawang bata kaya nginitian ko sila ng mas malaki.

Biglang naglatag ng malaking tela si Xyvyn at saka binaba ang dala naming mga pagkain. Nakita ko naman kung paano matakam ang mga mata nila nang halos mapuno ang telang nilatag ni Xyvyn.

Mabuti at bumili siya ng pagkain sa hotel na tinuluyan namin dun sa bayan ng Goetia.

"Halina kayo, maaari ninyo kaming saluhan." nakangiting imbita ni Zionne sa kanila.

Hindi sila kumilos at nanatiling nakatingin lang sa mga pagkain.

"Paano namin masisigurong wala kayong masamang binabalak?" tanong ng isang matandang babae.

"Kung gusto namin kayong paslangin ay madali namin itong magagawa sa inyo, at baka kanina pa kayo naghihingalo." ani Xyvyn na ikinagulat namin. Agad ko siyang siniko dahil mukhang natakot yung mga romani.

'Siraulo talaga.'

"Ngunit hindi namin ginawa 'yon sapagkat malinis ang aming intensyon na tumulong." dagdag ni Xyvyn mukhang nakahinga naman ng maluwag yung mga romani.

"Sige na po. Kung tatanggi kayo sa alok namin ay magugutom lang kayo ng sobra. Wag po kayong mag alala, aalis din po agad kami pagkatapos nating kumain." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Kung ayaw ninyo talagang magpapilit ay hindi na namin kayo gagambalahin pa." sabi na naman ni Xyvyn. Gulat kaming napatingin sa kanya. "Maupo na kayo." baling niya pa sa'min.

Nilakihan ko siya ng mata dahil sa inasta niya. Pero tiningnan niya ako na parang hindi siya nakikipaglokohan.

Tiningnan ko uli ang mga romani at saka ngumiti sa kanila.

'Bwesit na Xyvyn to.'

Nagtinginan naman silang lahat at saka dahan dahang naglakad palapit sa'min. Nakangiti naman namin silang inalalayang makaupo.

Pinagitnaan namin ni reese ang dalawang bata. Tapos inaasikaso naman ni Ica at Krixi ang tatlong matandang babae. Yung limang lalaki naman na hindi naman ganon ka tanda talaga, ay kinakausap nina kenji at cypher habang kumakain.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now