CHAPTER 18

67 15 13
                                    

ELIJAH'S POV

     NATAPOS ang pang umagang klase, pagkalabas ng lecturer ay agad din akong tumayo.

"Let's go." aya ko kay krixi.

"Teka, gutom ka na ba?"

"Hindi."

"Eh bakit nagmamadali ka?"

"Tss nauuhaw na ako."

"Ha? Hindi ka ba bumili ng bottled water kaninang breaktime?"

"Naubos ko na."

"Ganon? Sige sige, wait tatapusin ko lang to." aniya at nagmamadaling ipasok ang mga gamit niya sa bag niya.

"Tss, mauna na ako!" sabi ko nalang dahil ang kalat pa ng gamit niya. Naglakad na ako palabas ng pinto.

"Woi teka- Ay shit!" napatingin ako sa kanya at napapailing nang makitang naglaglagan ang mga gamit niya.

Hindi ko na siya inantay at lumabas na ako ng tuluyan.

Nauuhaw na talaga ako.

Pagkababa ko ay sinuot ko muna ang hoddie jacket ko at saka dumeretso na agad sa cafeteria. Kampante akong naglakad papunta sa kahera ng biglang may bumunggo sa'kin.

"Ouch!!! What the hell!!" nagulat ako nang biglang sumigaw ang babae na nasa likuran ko.

Agad akong lumayo ng makitang naapakan ko pala siya. Sinundan ko ng tingin ang lalaking bumangga sa'kin, nagulat naman ako ng bigla akong hilain sa braso ng babaeng naapakan ko.

"You!! How dare you step on my foot?" sigaw niya sa'kin. Dahil sa gulat ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko sinasadya, I'm sorry." sabi ko saka akmang aalis na pero tinulak niya ako.

Dahil sa lakas ng pagkakatulak niya ay sumalampak ako sa isa sa mga upuan na nasa harap ng table nilang magkakaibigan.

"Hindi mo sinasadya?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang bago ka lang dito. Come on, let me see your face." aniya saka hihilain na sana ang hoddie ko para tanggalin pero natulak ko siya.

'Oppss nadulas!'

"Urghh!! How dare you pushed me!!" sigaw niya nang makabawi siya mula sa pagkakatulak ko.

Agad niyang inagaw ang mango juice mula sa kasama niyang babae at saka binuhos iyon sa akin.

Dahil sa inis ay napayuko ako at pilit pinapakalma ang sarili.

'Kalma Elijah! Napunta ka na sa GO kanina, wag ka ng bumalik dun.'

Hindi ko siya pinansin at tatayo na sana pero tinulak niya uli ako.

Napansin ko din ang mga studyanteng naki-usyoso sa nangyayari. Shutik!!! Bakit ba ang malas ko ngayong araw?

"Look how dirty she is." natatawa at maarteng anang isa sa mga kasama niya.

Hindi ko sila kilala.

"Well, that suits to her. How come a dirty squatter girl like you, get in here?" aniya saka ako sinipa sa paa.

Nagtawanan naman ang mga nanonood.

Hindi ko magawang i-angat ang ulo ko dahil sa inis at sobrang pagpigil kong patulan ang babaeng 'to.

Halos pigilan ko ang paghinga ko nang maramdaman ko ang sobrang init na binuhos sa akin.

'Spaghetti!! Kingina!!!'

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now