CHAPTER 61

22 10 0
                                    


ELIJAH'S POV

Sobrang sama ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko naikot ang buong bahay sa sobrang hilo ko. Sobrang nanghihina ako at kahit ang kumilos ay nahihirapan ako. Gutom na gutom na rin ako pero wala akong lakas, kahit ang kumain pakiramdam ko ay hindi ko kaya.

Tapos bigla nalang may gagapang at tatabi na ahas sayo sa ilalim ng kumot??

Tangina!!! Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa takot at gulat. Halo halong emosyon at pakiramdam ang nararamdaman ko.

Bwesit na hari yun. Naturingang hari pero mukhang hindi alam ang salitang private at pribado. Hindi porket hari siya ay gagawin niya na ang maiisipan niyang kalokohan. Paanong nangyaring naging hari siya kung isip bata siya kung umarte?

Hindi ko kailanman naisip na may kasing siraulong hari na kagaya niya!! Peste.

Inis akong naglalakad at hindi alam kung saan pupunta. Wala akong kahit anong dala maliban sa spada ko. Sobrang sakit ng dibdib ko at parang mahihimatay ako sa sama ng pakiramdam ko.

Letcheng hari yun. Paano kung may sakit ako sa puso tapos bigla nalang ako atakihin na ikamatay ko? Ang sarap niyang katayin!!!!! Sana nilapa nalang siya kanina ng mga mababangis na hayop sa gubat.

Parang sasabog ako sa sobrang galit na nararamdaman ko. Mukhang kahit anong mabangis na hayop ang makikita ko ngayon ay hindi ako kakayanin sa galit ko.

Kung hindi lang ako pinigilan nina Xyvyn at Zionne kanina ay sana napatay ko na ang walang kwentang hari na yun.

May naramdaman akong nakasunod sa'kin. Hindi ako lumingon at nagdere-deretso lang ako sa paglalakad. Alam na alam ko na agad ngayon ang presensya ng walang kwentang hari na 'yon.

Biglang umilaw ang spada ko na ipinagtaka ko. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa'kin.

Napahawak ako sa ulo ko nang biglang nagkaroon na naman ako ng vision. Nakita kong may mga nilalang na may dalang sulo o tanglaw (torch), meron silang mga bihag na mga kawawang romani at saka pinagpapaslang.

Natigilan ako at nilibot ang paningin sa paligid, kailangan kong makita kung saan mangyayari ang nakita ko sa vision ko.

Takbo lakad ang ginagawa ko habang palingon lingon sa dinadaanan ko, nagulat ako nang biglang may humila sa'kin para magtago.

Sinamaan ko agad ng tingin ang gagong hari pero tinakpan niya ang bibig ko. Agad ko itong kinagat na muntikan na siyang mapasigaw. Sinamaan ko siya ng tingin at lalabas na sana sa pinagtaguan naming puno ng kahoy, pero biglang may dumating na mga naka sulo.

Agad kaming yumuko at tiningnan ang mga dumaan na sa tingin ko ay mga kawal, hindi ko alam kung saang kaharian sila nagmula.

'Sila yung mga nakita ko sa vision.'

Nang makalagpas sila sa'min ay agad akong naglakad pasunod sa kanila, pero bigla nalang akong hinila ng gagong hari.

"Bitawan mo nga ako!" mahinang sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo sila maaaring sundan, mga kawal iyon ng Azrya. Ang mga romani na iyon ay mga alipin na nagkasala sa hari." kunot noong aniya.

Sinipa ko siya sa paa niya kaya nabitawan niya ako.

"Nagkasala? Papaslangin sila!! Anong klasing kasalanan ba ang ginawa nila upang sila ay paslangin?" inis na tanong ko.

Umiling siya. "Huwag ka nalang mangialam. Madadamay ka lang sa galit ng hari." aniya na mas lalong ikinainis ko.

"Nakalimutan kong, wala ka nga palang kwentang hari!" sabi ko sa kanya saka siya tinalikuran.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko at alam ko naman na below the belt na yung sinabi ko. Pero mas lalo niya lang dinadagdagan ang galit ko sa kanya, dahil sa pagtatanggol niya sa haring kapatid niya!!! Paano nga ba siya nagawang pagkatiwalaan ng reyna ng Zlatan? Nakakainis!!!!!!!!

THE WORLD OF MOONLITDonde viven las historias. Descúbrelo ahora