CHAPTER 63

19 8 2
                                    

KRIXI'S POV

KINABUKASAN

Maaga kaming nagising dahil maagang bumalik si haring flevious. Kakaiba din talaga ang hari na 'to eh, parang ang kulit ng vibes niya. Kaya siguro ganun nalang ang trato sa kanya ni Elijah. Baka sobrang nakulitan sa kanya.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga romani na ngayon ay sarap na sarap sa pagkain nila. Kasabay namin sila kumakain dito sa sala, at gusto ko ring hangaan ang hari dahil nakikisabay talaga siya sa kanila. Sa paraan ng pag trato niya sa'min ay hindi mo talaga ma-iisip na isa siyang hari.

Hindi namin kasabay si Elijah dahil hindi pa rin talaga siya nagigising. Parang sobrang pagod niya at ang hina ng katawan niya.

"Maraming salamat, mahal na hari." nakangiting anang matandang lalaki na may tama ng spada kagabi.

Ang sabi nila sa amin ay muntik na silang patayin ng mga kawal ng Azrya, mabuti daw at dumating sina Elijah at haring flevious. Kaso nasaksak naman ang matanda in order to protect Elijah. Gusto ko tuloy siyang yakapin ng mahigpit dahil sa ginawa niyang pagligtas sa kaibigan ko.

"Sigurado akong babalikan kayo ng aking kapatid na hari." ani haring flevious.

Tama, baka balikan sila tapos tuluyan na silang mapaslang.

"Aalis din po agad kami rito, mahal na hari. Tama po kayo, kailangan naming magpakalayo layo upang hindi nila makita." nakangiting anang isang babae.

Nalungkot naman ako. What if, hindi talaga sila lulubayan? Hari pa naman ang gustong magpapatay sa kanila, malamang ay mas madali silang makita nun.

"Maaari kayong manirahan sa loob ng kaharian ko." biglang sabi ng hari. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

'Weh ba?'

"Nasisiguro kong, kahit saan kayo magtago ay matutunton pa rin kayo ng aking kapatid. Ngunit kung sa kaharian ko kayo mananatili ay hindi niya kayo maiisipang hanapin dito." nakangiting dagdag ng hari.

Mukhang nagulat naman ang mga romani at pati na rin kaming magkakaibigan. Ang galing!!!

"Ngunit mahal na hari--"

"Kung inaakala ninyo na kinakalaban ko ang aking kapatid ay nagkakamali kayo. Nais ko lamang kayong tulungan, sapagkat naniniwala akong wala kayong kasalanan." pigil ng hari sa akmang pagsasalita ng matanda, tinawag siyang lolo Otto ni Xyvyn.

Napangiti ako. Ang bait niya, parang perfect na siya jusko!! Ang gwapo niya na ngang nilalang tapos sobrang bait pa?

'Magaling din kaya siya makipaglaban?'

Kung magaling nga siya edi sobrang perfect niya!!! Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit iba ang trato nilang dalawa ni Elijah sa isa't isa. Parang may something, nakakaamoy ako ng bardagulan 101 everytime na nasa iisang lugar lang sila HAHAHAHA.

Sabay kaming napalingon nang pumasok si kuya Hudson, yung pinagkakatiwalaang kawal ni haring flevious. May dala dala siyang mga nasa kahon at nilapag sa may gilid. Sakto naman at matatapos na kaming kumain.

Tumayo kaming magkakaibigan at lumapit sa kanya. Nagtataka naming tiningnan ang mga laman ng kahon at namangha na naman ako sa nakita. Hehe mga kasuotan na parang armor pang kawal.

Lumapit na rin sa amin ang hari at nakangiting tiningnan din ang mga kasuotan.

"Maghanda na kayo. Ngunit ito ay hindi niyo isusuot sa ngayon, patutungo tayo sa ilog upang maligo." nakangiting anang hari.

Wow!!!! Yey exciting.

"Hudson, isama mo muna ang mga romani at dalhin mo sila sa kaharian. Bigyan mo sila ng tirahan at pagkakaabalahan. Simula ngayon ay mga disipulo na sila ng ating kaharian." baling naman ng hari kay kuya hudson na agad namang tumungo as a sign of galang at pagsunod sa hari.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now