CHAPTER 59 - KING FLEVIOUS

23 10 0
                                    


ZIONNE'S POV

NAKARATING na kami sa kaharian ng Askati forest. Nagtatago kami ngayon dito sa may labas ng kaharian at inaabangan kung sino ang pwedeng hingan ng tulong upang makausap namin si haring Flevious, na tito namin ni Zy.

Maya maya lang ay nakita kong lumabas ng malaking gate ng kaharian si Hudson, ang kanang kamay at pinagkakatiwalaang kawal ni haring flevious.

Agad akong naghagis ng mahika papunta sa gawi niya na agad naman niyang nakita. Napalingon siya sa gawi namin, kung saan nakatago kami sa malalaking bato at punong kahoy.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at binaba ang hoddie ko para makilala niya ako. Agad siyang tumungo bilang pag-galang nang mamukhaan niya ako.

Lumapit ako sa kanya.

"Narito kami upang--"

"Batid ko na ang pakay ninyo, mahal na prinsipe. Kanina ko pa kayo inaabangan." pigil niya sa pagsasalita ko.

Nakangiti akong tumango sa kanya saka lumingon sa mga kaibigan ko at sinenyasan silang lumapit.

"Sumunod kayo sa akin." nakangiting ani hudson.

Naglakad kami, pero hindi kami pumasok sa kaharian. Kahit nagtataka ay sumunod nalang kami sa kanya.

"Saan niya tayo dadalhin?" rinig kong tanong ni krixi.

"Ewan ko rin." sagot ni Ica.

"Bakit hindi tayo pumasok sa palasyo nila?" tanong naman ni reese.

Wala ng sumagot sa kanya at nagpatuloy nalang kami sa pagsunod kay hudson.

Pumasok kami sa gate na kahoy at bumungad sa'min ang isang malaking bahay, pahaba ito at hindi pataas. Napalibutan naman kami ng mga Monkey Puzzle tree, At iba't ibang mga halaman. Kulay puti ang bahay na may mga malalaking bintana.

"Dito na muna kayo maghintay sa hari." baling sa'min ni Hudson.

"Anong lugar ito?" tanong ni Xyvyn sa kanya.

"Isa ito sa pribadong lugar dito sa askati, dito tumutuloy paminsan-minsan si haring flevious." kaswal na sagot naman ni Hudson.

"Ngunit kailan namin siya maaaring kausapin? Kailangan namin siyang makausap agad." tanong ko.

Kailangan na naming malaman kung saan namin pwedeng makita si Aliho. Hindi na namin alam kung nasaan na siya o kung ano ang kalagayan niya. Ano nga ba ang ginawa sa kanya ng mapanlinlang na engkanto na 'yon?

"Mayroon lamang siyang pinuntahan. Pagbalik niya ay nasisiguro kong dito siya agad magtungo upang kausapin kayo."

"Pero nauubusan na kami ng oras, kailangan na naming makita ang kaibigan ko!" mahinang sigaw ni Krixi.

Sabay sabay kaming napalingon sa may gate nang bumukas ito at may pumasok, napangiti ako nang makitang si haring flevious ito. Ngunit agad ring natigilan at nagulat nang kasunod niyang pumasok si Aliho.

"Elijah!" agad na sigaw ni krixi at tumakbo palapit kay Aliho.

Gulat na may halong pagtataka ang reaction ko, hindi ako makapagsalita at ang daming tanong sa isip ko.

Paano sila nagkakilala? Bakit sila magkasama? At saan sila nagkita?

Nang makalapit sila sa'min ay agad akong tumungo upang batiin si haring flevious.

"Ikinagagalak kong makita kang muli, Mahal na hari." nakangiting bati ko. Ngumiti lang ang hari at saka lumingon kay Aliho.

"Nahuli ko siya sa kagubatan kung saan ako nanunugis. Sinabi niya sa akin na kasamahan ninyo siya." ani haring flevious habang nakatingin kay Aliho.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now