CHAPTER 26 -TRUTH

52 12 14
                                    

ZYLEIGH'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang parking lot. Natagalan ako dahil may tinapos pa akong homework, balak ko kasing magpahinga na agad pagdating ng bahay dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Pagdating ng parking lot ay agad din akong sumakay ng kotse, bumati naman sa'kin si kuya Jeff.

"Sorry po, nagabihan na ako." nakangiting sabi ko kay kuya Jeff.

"Okay lang po, miss Zy." nakangiting sagot naman ni kuya Jeff at saka nagmaneho na paalis.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay may nakita kaming mga ambulance malapit sa may blessed ville.

"Anong meron?" tanong ko ang paningin ay nandun sa pinangyarihan.

Traffic din dahil sa nangyayari.

"May sumabog po na sasakyan jan kanina." sagot ni kuya Jeff.

Nagtataka ko naman siyang nilingon.

"Paano mo po nalaman?" tanong ko.

"Ang totoo ay kakarating ko lang din sa school kanina nang pumasok ka ng kotse. Naipit ako sa traffic dahil sa aksidenteng nangyari." paliwanag ni kuya Jeff.

"Ahh kumusta naman po kaya? Yung mga tao po sa sasakyan?" nag-aalalang tanong ko.

"Yun ang hindi ko alam miss."

Hindi na ako nagtanong pa at tumingin nalang uli dun sa pinangyarihang aksidente. Sa hindi malamang dahilan ay parang bigla akong kinabahan.

Nakarating na din kami ng bahay at agad din akong umakyat sa kwarto ko, at dahil sa pagod ay agad din akong tumihaya sa kama ko.

Nakaidlip na ako nang makarinig ako ng kaluskos mula sa kung saan. Minulat ko ang mata ko sa pag-iisip na baka si mama pero kumunot lang ang noo ko nang walang tao sa loob ng kwarto ko kundi ako lang.

Bumangon ako at saka naglakad palabas ng kwarto ko, bumaba ako sa sala at nakitang naka-open ang TV, pero walang nanonood. Pumasok ako sa kusina at nakitang nagluluto si mama.

"Ohh gising ka na, aakyatin palang sana kita para gisingin eh." ani mama habang nakatalikod sakin.

Ngumiti ako dahil kilalang kilala niya na talaga ang presensiya ko, naglakad ako at lumapit sa kanya.

Niyakap ko siya patalikod dahil abala siya sa paghahalo ng kung ano. Nang silipin ko ang hinahalo niya ay walang laman ang kaserola. Humarap si mama sa'kin at nakakakilabot ang ngiti niya, napa-atras ako dahil sa takot.

Dinampot niya yung kutsilyo na nasa lababo at saka dahan dahang lumapit sa'kin, ako naman ay kabadong umatras.

Nang isaksak niya na sana sakin ay sumigaw ako ng malakas.

"Aaahhhhhhh!"

"Anak! Anak gising!!!"

Napamulat ako at napabangon dahil dun.

Nilibot ko ang paningin ko at nasa kwarto ako.

'Panaginip lang.'

"Anak okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni mama.

Tiningnan ko siya at saka yumakap. Sobrang takot ang nararamdaman ko.

Nang bumitaw ako sa pagkakayakap ay inabutan ako ni mama ng tubig. Tinanggap ko din naman agad yun, palihim ko siyang tiningnan at kinabahan nang makitang kung ano ang suot ni mama sa panaginip ko ay yun din ang suot niya ngayon.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ko.

Nang matapos akong uminom ay inabot ko kay mama ang baso. Nakangiti niya namang tinanggap yun.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now