CHAPTER 45

34 9 1
                                    


ZYLEIGH'S POV

"Mahal na prinsipe, pangunahing kawal!! Kayo po pala. Ang akala namin ay mayroong mga kalaban na nakapasok." nakangiting anang isa sa mga lalaking dumating saka tumungo, ganon din ang ginawa ng iba pa.

Kung titingnan ay mga bata pa sila, tingin ko ay kasing edad lang namin ang mga 'to.

"Salamat sa inyong pagbabantay, ngunit may mga panauhin lamang kami. Maari bang huwag ninyo itong ipaalam sa mahal na hari at reyna?" si kuya Zionne ang nagsalita.

Nakangiting tumungo ang mga lalaki. "Masusunod, mahal na prinsipe." sabay sabay na sabi nila at saka tumalikod na.

"Sandali!" pigil ni Xyvyn. Sabay sabay ding huminto yung mga lalaki at saka lumingon uli sa'min. "Maaari bang magpadala kayo ng mga kasuotan para sa aming mga panauhin, sa may kubo sa likod ng aking silid."

"Masusunod po, pangunahing kawal." sabay sabay uling tumungo ang limang lalaki at saka tumalikod at naglakad na paalis.

"Tayo na, baka may mga makakita pa sa inyo dito. Hindi kayo pwedeng makita ng ibang nilalang sa ganyang suot." ani Xyvyn at saka pinasadahan kaming lahat ng tingin.

Naka pants ako pero naka croptop. Tapos sila Elijah ay mga naka dress at gown pa dahil galing pa sila sa party. Tapos si Kenji at Cypher naman mga naka formal attire pero black and white. Kumpara kay kuya zionne at xyvyn, ay ang mga suot namin ang kakaiba sa mata ng mundong 'to.

Naglakad na uli kami at taliwas sa dinaanan nung mga lalaki na sa tingin ko ay mga kawal ang nilalakaran namin. Namamangha na naman kaming magkakaibigan nang makitang isang malawak na falls ang nasa may baba at sobrang ganda.

Pumasok kami sa isang bahay, ito yata yung sinabi ni Xyvyn na kubo. Puro mga kahoy at kawayan ang bahay na 'to. At pagpasok namin ay inaasahan kong may sofa o upuan pero wala maski isang gamit.

"Maupo na muna kayo. Kukuha lang ako ng maiinom." ani Xyvyn at saka naglakad papunta sa may pinto.

"Saan kami uupo dre?" tanong ni Cypher.

Natawa naman si kuya Zionne dahil do'n.

"Hahaha wala ditong sofa kung 'yon ang hinahanap mo, Williams." natatawang sabi ni kuya Zionne.

"Ehh?" si Reese.

"Hahah jan kayo maupo sa sahig." turo ni kuya Zionne sa sahig na kahoy.

Magsasalita na sana uli si Cypher pero naupo na si Elijah sa sahig. Sumunod naman si krixi na. Taka silang nakatingin sa'min.

"Wag na tayong mag-inarte. Gusto ko ng malaman kung ano ang nangyayari, panaginip lang  'to o ano! Nasisiraan na ako ng ulo." ani Krixi.

Sumunod naman na umupo si Ica sa tabi ni Krixi. Sa may harap naman nila na bahagi umupo si Kenji, nag-alinlangan pa si Cypher kung u-upo ba siya o tatayo lang. Umupo naman ako at agad ding sumunod sa'kin si reese.

"Krixi's right. I also want to know kung ano ang nangyayari. Gulong-gulo na din ako." ani Ica. 

Pumasok na uli si Xyvyn mula sa kabilang pinto at may dala dalang parang kahoy na pitsel. Nilapag niya 'yon sa gitna na may kasamang pitong maliit na basong kahoy din.

"Ano yan dre?" si Cypher. Mukhang di siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Hahaha 'yan ang pitsel namin dito." natatawang sagot na naman ni kuya Zionne.

Anak mayaman si Kenji at Cypher. Kaya malamang ay maninibago sila sa gan'tong uri ng bagay. Si Reese naman ay sanay din sa hirap gaya ko kahit mayaman ang mga um-ampon sa kanya. Si Ica naman ay wala na akong masabi dahil nauna na siyang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig do'n.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now