CHAPTER 39 -REVELATION (LAST PART)

38 9 0
                                    

ZYLEIGH POV

SA TAGAL ng byahe namin ay sobrang namumutla na si Zionne nang makarating kami sa isang malaking bahay, or should I say mansyon.

Lumabas si Xyvyn mula sa isang pinto dito sa loob ng kwarto. Nagtataka akong napatingin sa dala-dala niyang kulay gold na piano.

Teka, ano gagawin niya?

Pumwesto siya sa may paanan ni Zionne.

"Ano gagawin mo? Tutugtug? Jusko naman Xyvyn!! Ngayon mo pa talaga naisipan 'yan? At nasaan na ba ang doctor na gagamot sa kanya?" di makapaniwalang usal ko.

Ngumiti lang siya na mas lalong ikina-inis ko.

"Halika, lumapit ka dito at awitan mo ang kamahalan." nakangiting sabi ni Xyvyn.

Napamaang ako sa sinabi niya. Kakaiba din ang isang 'to. Nagawa niya pa talagang magbiro sa gantong sitwasyon?

'BWESIT!!!!'

"ANO BA?? Xyvyn naman, kahit ngayon lang pwedeng mag seryoso ka naman?" inis na sabi ko sa kanya.

Natigilan naman siya pero bumawi din agad ng ngiti.

"Kailangan ka ng kapatid mo." aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

Natigilan ako at parang nangangapa sa sinabi niya.

"A-ano?"

"Ikaw lang ang kayang magpagaling sa kamahalan. Pwede mo ba siyang awitan?"

"Ano ba sinasabi mo jan? Nababaliw ka na ba?" mahinang sigaw ko sa kanya.

Mukhang siya yata ang nabangga ng truck. Ano pinagsasabi niya?

"Saka ko na ipapaliwanag sayo. Sa ngayon ay kailangan mo siyang awitan para gumaling na siya." seryosong sabi ni Xyvyn. Kunot-noo parin akong nakatingin sa kanya. Diko na alam kung ano ang sasabihin ko. "Magtiwala ka sa'kin." sincere na aniya.

Bigla akong napatingin kay Zionne nang um-ubo siya at sumuka ng dugo. Taranta akong tumakbo palapit sa kanya. Mas lalo akong kinabahan nang makitang nag-aagaw buhay na siya.

"Sundan mo lang ang tunog ng musika." rinig kong ani Xyvyn at saka nagsimulang tumugtug.

Kahit nagtataka ay sumunod naman ako sa kanya.

'Nababaliw na yata kaming dalawa.'

Ano kakantahin ko?

"Hindi mo kailangan ng lyrics sa pag-awit sa kanya. Sundan mo lang ang tono ng tugtug ko at ilabas mo ang maganda mong boses." ani Xyvyn na para bang nabasa niya ang nasa-isip ko.

Nagsimula na uli siyang tumipa sa piano. Pumikit  naman ako at bumuntong-hininga, hinawakan ko ang dalawang kamay ni Zionne bago nagsimulang kumanta.

Para lang akong kumakanta sa isang sanggol para patulugin. Nakapikit kong sinundan ang tono ng pagtugtug ni Xyvyn at gaya ng sinabi niya ay boses lang ang nilalabas ko.

'Naisip ko kasi kanina kung pwedeng kumanta ako ng Paalam song eh hahahaha.'

Maya maya lang ay nakaramdam ako ng malakas na  hangin. Sobrang lamig, at meron pa akong kakaibang naramdaman sa loob ng katawan ko. Sobrang sarap nun sa pakiramdam.

Napadilat ako nang maramdaman kong gumalaw si Zionne. Nagulat ako nang makitang nakatingin na siya sa'kin. Napa-atras ako at muntik nang matumba dahil sa gulat at pagtataka.

"P-Paano nangyaring okay na siya?'

"Mahusay ang ginawa mo. Aking kapatid." nakangiting sabi sa'kin ni Zionne.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now