CHAPTER 42

31 8 0
                                    


ZYLEIGH'S POV

"Tama na muna 'yan. Mag merienda ka muna." rinig kong tawag ni kuya Zionne sa'kin.

Sa loob ng isang linggo ay hindi ko parin lubos na tanggap ang totoong pagkatao ko. Pero mas pinili ko ang maniwala sa kanila ni Xyvyn. Hindi parin ako makapaniwala na kapatid ko si kuya Zionne, yung nararamdaman ko palang kakaiba dati tuwing nasa malapit siya lukso ng dugo pala 'yon. Kaya pala pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala. Tsk.

Nakangiti akong lumapit sa kanya saka nilapag sa isang upuan ang spada. Nagsimula na akong magsanay dahil ang sabi niya ay marami daw magtatangkang patayin ako. Sinabi din nila na nandito sa mundo ng mga tao ang anak ng kapatid ng aming ama na traydor, para parin akong ewan. Hindi parin ako naniniwala ng lubusan sa mga kwento nila.

"Mukhang natututo ka na ah." nakangiting sabi ni kuya Zionne.

'Di talalaga ako sanay na tawagin siyang kuya.'

"Paano di matuto eh maghapon akong nag-eensayo!" sagot ko sa kanya. Saka ngumuso.

"Hahaha kailangan bunso!" natatawang niya. Ngumiwi ako.

"Tigilan mo nga kakatawag sa'kin ng bunso!" saway ko sa kanya. Mas lalo naman siyang natawa.

"Oh edi, aking prinsesa nalang!" pang-aasar na naman niya.

Inambaan ko siya ng sipa, ayuko talaga na tinatawag na prinsesa. Lalong lalo na ng mga tauhan dito sa mansyon, nakakairita!

"Titigil ka o titigil ka?" banta ko.

Tumahimik naman siya saka nakangiting nilalagyan ng palaman ang tinapay, saka ito nilapag sa pinggan ko. Sanay na ako sa loob ng isang linggo na pagtrato niya sa'kin na parang prinsesa. Hindi niya ako hinahayaang magmukmok na naman tapos iiyak. Kahit pumapasok siya sa school ay umuuwi siya every lunch time dito para tingnan ako. Alam kong sobrang layo ng mansyon na 'to sa school pero hindi na ako magtataka kung paano siya nakakarating agad dito. Base sa mga kwento nila ay may taglay nga silang kapangyarihan.

'Ako rin kaya meron?'

Bumalik na naman sa isip ko ang ginawa ko no'ng nabangga siya ng truck. Hindi ko pa natanong sa kanila kung paano ko nagawang magpagaling ng ganon kalubhang kalagayan.

"Ahh kuya, may itatanong ko." biglang sabi ko. Napa-angat naman siya ng tingin sa'kin.

"Ano 'yon?"

"About sa nangyari last week. Paanong nangyari na gumaling ka agad? I mean, diba sobrang lala ng kalagayan mo no'n tapos bigla kang naging okay na parang walang nangyari." tanong ko. Natigilan naman siya.

"Dahil isa sa kakayahan ng pamilya natin ang magpagaling ng karamdaman."

"Ha?"

"Yung boses mo, at ang paraan ng pagtugtug ni Xyvyn mula sa kaharian natin ang dahilan kung bakit ako gumaling. Noong nasa hospital tayo, sinadya kong magdala ng gitara para tugtugan si Aliho. Ang tawag ng ganong gawain sa mundo natin ay Pagdadalisay. Tanging kaharian lang natin ang may kakayahan na gawin 'yon." paliwanag niya. Parang bigla akong namangha.

"Bakit boses ko?"

"Dahil nag-iisa ka Zy. Ikaw ang tanging nilalang na higit na makapangyarihan. Kaya nga sinasabi ko sayo na kailangan mong magsanay para protektahan ang sarili mo laban sa mga nilalang na gustong manakit sayo." seryosong sabi niya. Nakaramdam naman ako bigla ng kilabot.

Paanong nag-iisa? At ako? Makapangyarihan? Ano naman powers ko?

"Sa sabado ng gabi nakatakda ang pagbabalik natin sa Moonlit. Kung may gusto kang puntahan ay sasamahan kita." aniya na ikinagulat ko.

THE WORLD OF MOONLITWhere stories live. Discover now